Rice In A Bowl 2

 

Java Rice. Perpek itey i-partner sa BBQ o kaya sa mga inihaw na isda o karne.

java rice

Make atsuete oil by heating 4 tablespoon oil in a wok or pan. Add 2 tablespoons atsuete seeds and stir until oil turns red orange. Strain the oil and discard the seeds. Return the oil to the pan then saute 1/3 cup chopped onions until soft. Add 3 cups cooked rice and mix until all the grains are coated with the atsuete oil. Add 2 tablespoons tomato sauce and blend well. Season to taste. Add 2 tablespoons finely diced red bell pepper and cook for a minute more.

Makes 2-3 servings.

Source: Asia’s In Good Taste Cookbook Magazine

java rice

Posted from WordPress for Android

oOo
“Sana pwedeng ibalik yung dati. Yung dating TAYO.”

Rice In A Bowl

Japanese Fried Rice para sa unico hijo kong minsan ay daig pa ang buntis kung paglihian ang Chao Fan ng  Chowking.

image

Japanese Fried Rice ang tawag nila dito sa sinangag na ‘to kasi japanese rice yata ang bigas na gamit dito.

Howel, Sinandomeng ang bigas namin dito sa bahay. Wala kaming japanese rice. Eh alangan naman Sinandomeng Fried Rice ang itawag ko dito. Parang ang chaka kasi di ba…sinandomeng. Napaka-waley ng tunog.

Kaya makiki-Japanese Fried Rice na lang muna ako kunyari dito sa sinangag na niluto ko pang almusal namin kanina.

image

Alam nyo ba kung ano ang pinartner ko dito kanina sa sinangag na ‘to?  Isdang tuyooooo!

Yes, tuyo na tig-limang piso ang pakete binili sa Kanto Sira-sira Store!

Sino may sabi na kaming mayayaman ay hindi marunong kumain ng tuyo? Hindi po totoo yan! Tsismis lang yan! Charoooot!

wpid-DSC_0189.jpg

JAPANESE FRIED RICE

Makes 4.

Heat 1/4 cup butter or margarine with 1 tablespoon oil in a wok or skillet. Saute 1/3 cup chopped onions and 1 tablespoon minced garlic until onions are transparent. Add 1/4 cup diced carrots and 1/4 cup ground beef and stir-fry until meat is browned. Add 1/4 cup diced green bell pepper and stir-fry for a minute. Stir in 1 tablespoon Kikkoman soy sauce and 1 teaspoon sugar. Add I beaten egg. Stir-fry  with other ingredients. Add 3 cups cooked rice and blend well with the sauteed mixture. Season with salt and pepper.

Substitution: Gumamit ako ng  minced longganisa imbes ng ground beef. Nagdagdag din ako ng 1 tablespoon na oyster sauce.

Source: Asia’s In Good Taste Cookbook Magazine

 

Posted from WordPress for Android

 

oOo

“Ang tiwala parang pagkain, pwedeng maubos at pwede rin masayang lang.”

Tuna Carbonara

 

Ulit, isang simple at “yammeee” recipe galing Del Monte Kitchenomics.


image

Ingredients:

1 tbsp Butter

1 can (155 gms)? Tuna Chunks in Oil (drained)

3 tbsp? Grated Cheddar Cheese

1 pack (175 grams) Del Monte Spaghetti (cooked, reserve 3 tbsp pasta broth)

1 pouch Del Monte Carbonara Sauce

image

Cooking Procedure:

1. Saute tuna in butter. Add Del Monte Carbonara Sauce and pasta broth. Cover and simmer over low heat for 3 minutes. Add cheese.

2. Pour over cooked Del Monte Spaghetti. Top with extra cheese if desired.

Makes 2-4 servings.?????????

image

Posted from WordPress for Android

 

oOo

“UY KAME NA!” – Sabi ng ngongong nakapulot ng CAMERA.

Saucy Cheesy Spaghetti

 

Naispatan ko ang recipe sa Del Monte website and I tried this last Saturday.

At gaya ng sabi ni Coco Martin sa TVC nya, Yameeee! Drooling

Saucy Cheesy Spaghetti-001

Ingredients:

  • kg Ground Beef (or ground pork)
  • 2/3 cup Canned Mushroom (sliced)
  • 2/3 cup Butter (or margarine)
  • 2/3 cup Milk (fresh milk or evaporated milk)
  • 1 pouch (560 grams) Del Monte Filipino Style Spaghetti Sauce
  • 1 pack (400 grams) Spaghetti
  • 1 pouch (200 grams) Del Monte Cheese Magic Sauce

Saucy Cheesy Spaghetti

Cooking Procedure:

  1. Saut beef and mushrooms in 1 tablespoon oil for 5 minutes or until beef is cooked.

  2. Add DEL MONTE Spaghetti Sauce. Cover and Simmer for 5 minutes. Set aside.

  3. Boil DEL MONTE Spaghetti for 8 minutes. Drain water. To the pasta, add butter, milk and half of DEL MONTE Cheese Magic. Cook over low heat for 2 minutes, stirring occasionally

  4. Add spaghetti sauce mixture. Stir until well blended. Serve topped with remaining cheese magic.

    Makes 9 servings.

*Source

 

oOo

Dinaig mo pa ang kape. Di mo ako pinapatulog sa kakaisip sa yo.

Recipe: Lasagna Rolls

Ginawa ko to noong Monday noong nag hapi bertdey ako. Pinang-dinner namin ng mga bagets ko. Mas gusto ni Kevin ko ang ganitong klaseng luto ng lasagna, yung niro-roll. :D

Lasagna Rolls

Ginamit ko siempre ang dati ko ng nai-post na Lasagna Recipe pero may mga pinalitan lang ako at may idinagdag.

Lasagna Rolls

lasagnarolls(1)

Imbes na diced chicken breast, ground beef ang ginamit ko. Tsaka imbes na mashed sausages, chopped mushroom din ang inilagay ko. Habang ginigisa ko ang filling, nilagyan ko rin ng konting ground oregano.

lasagnarolls

Bukod sa white cream sauce, nagdagdag din ako sa recipe na to ng mga 1 cup na spaghetti sauce na in-spread ko sa ibabaw para sa mas malasang sauce.

lasagnarolls 

 Lasgna Rolls

 

oOo

Iwan mo man sya at magmahal muli, huwag mong kakalimutan na pwede kang masaktan sa parehong pagkakataon.

Recipe: Easy Mac and Cheese

May bago akong labs na lutuin na super easy lang talaga gawin. Eto ay ang Mac and Cheese. Parang nagluto lang naman ako ng instant pancit canton sa sobrang dali. Chos!

DSC06006

The last time na nag grocery ako, may nakita kasi akong bagong produkto ang Del Monte.

Eto ang Del Monte Cheese Magic, All-in-One Cheese Sauce. Sabi ko, aber, masubukan nga itey.

DSC05986

Binasa ko ang Easy Mac & Cheese recipe sa likod ng pouch.

DSC06011

O divah, so easy as ABC lang.

Tamang-tama naman may elbow macaroni ako sa mini-pantry ko at may butter pa sa ref.

DSC05985  

The recipe calls for 1/4 cup fresh milk. Ay! Alaws ako fresh milk at evap milk lang meron ako. Howel, pwede na rin to kako. Pareho lang naman silang milk. :D

DSC05988   

Ganito lang naman to kadali pagkatapos na maluto ang elbow macaroni. Habang mainit-init pa ang pasta, ilagay ang

1. Butter

DSC05991

2. Del Monte All-in-One Cheese Sauce

DSC05992

3. Milk

DSC05996

Paghaluin. Ganun lang!

DSC05999   

Voila! May good for 3-4 servings ka ng Mac & Cheese. :P  (Pero good for 2 lang sa amin ni Keziah.)

 

oOo

Ang babae kahit nasasaktan na yan, maganda pa rin.

Amoy-Pandan

Isa sa pinakamasarap na Pandan Chicken na natikman ko sa buhay ay yung Pandan Chicken ng Peek and Berry of Iligan City – a pastry shop owned by my good friends, Albert and Girlie Chiu. Girlie is one of my bespren  since college days at sis ko rin sa Masonic family ko.

Noong nakaraang linggo lang habang kumakain kami ng ate kong si Millette ng malinamnam na Pandan Chicken ng Peek and Berry, eh sinamantala ko na rin ang humingi sa kaibigan ko ng mga Pandan leaves. Kaso ang sabi ay balikan ko na lang daw at magpapakuha pa sa driver nila. Kelangan ko talaga ng mga dahon ng Pandan kasi gusto kong itaboy ang mga kakrots sa mansion ko na sa tingin ko ay namumugad sa ilalim ng kitchen sink namin.

Palagi ko naman nililinis ang ilalim ng sink namin at nakaubos na nga kami ni Kevin ng isang lata ng Baygon spray para i-masaker o i-gas chamber sila pero paminsan-minsan ay may nakikita pa rin ako ng walanghiyang ipis na rumarampa sa pwesto ko sa kusina namin.

Nga pala, totoong mabisang cockroach repellent nga ang Pandan leaves. Napag-alaman ko yan mula kay bespren Google. 

Last week, tinext ako ni Girlie at pik-apin ko raw yung Pandan leaves na hinihingi ko. Na-excite naman ang Mamaru at GO agad sa tindahan nila.

Josko! Muntik na ako himatayin sa gulat na ganito pala kadami ang ibibigay sa akin! Haha!

Pandan Leaves

Imadyin, binitbit ko ang ganito kadaming dahon habang kumekembot sa daan. Tinginan tuloy ang madlang-pipol sa akin. Hehe! Feeling ko nagka-minus ganda points ako sa mga moment na yun. Disappear saglit ang poise ko. Chos!

Heniweys, buti na lang at ever-bitbit ko ang foldable reusable shopping bag ko. Kahit papano ay nagkasya naman lahat. Nakalabas ang mga dahon pero nakatago naman yung mga mga ugat-ugat sa puno. Kaya tuloy lang ang kembot ng Mamaru sa daan habang bitbit ang mga Pandan tralala na hiningi.

Pagdating dito sa bahay, agad ko naman agad sila itinanim para dumami at hindi na ako manghingi pa ulit. To my sis Girlie, thank you sooooooo much! Lab lab lab talaga kita.

boiled rice with pandan

Kaya naman since last week, may kasamang dahon na Pandan na ang sinaing namin. Matay man, ang bango talaga, hindi lang ng kanin namin kundi buong kabahayan. Nakakagana nga kumain. Ang aroma ay humahalimuyak sa kusina hanggang kinabukasan. Wa joke! A healthier natural air freshener indeed.

pandan rice

PANDAN RICE

Sana nga ay lumago pa ang mga tanim kong Pandan.

Someday, kung sakaling malapitan nyo ko sa personal, sana ay wag na kayo magtaka kung pati ako ay amoy-pandan na rin. Hmmmn.pwede kaya gawin cologne to? Lol!

 

 

oOo

Sunday Words

%d bloggers like this: