Lasagna Recipe

shin comment

Hi Shin!

Eto na po. Paninindigan ko na yung lagi kong sinasabi na sharing is caring. Sensya na kung natagalan ako sa pag-reply, ateng. May rampa kasi ang Mamaru kanina. 😀

As per request

LasagnaCreamSauce

LasagnaMeatSauceLasagnaPrepDSC02387

Lasagnahabang nasa loob ng oven.

 

oOo

Dont be scared to tell someone you love them even though they may break your heart, you may break theirs if you don’t. -Elkeles

Stress Dahil Sa Kalamansi

Hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin ako pag naaalala ko nung nagluto ako ng bangus belly steak two days ago. Inutusan ko ang Kevin ko na bumili ng P20 worth of kalamansi sa tindahan (sari-sari store). Bumalik ang bagets ko na bitbit ang anim na pirasong kalamansi. P20 daw yun.

Napa-HA!!?? ako. Parang gusto ko himatayin sa gulat! 6?! P20?! 6 lang?!! Gusto ko rin sana itanong kay KevinEh nasaan ang puno? Sa pagkakaalam ko kasi pag bumili ka ng kalamansi sa halagang bente petot dito sa probinsya eh parang binili mo na rin yung buong puno sa dami ng ibibigay sa yo. Dahil mura lang naman talaga ang kalamansi dito. Tapos biglang malalaman koanim na piraso lang? Bente petot? Pak!

kalamansi

Parang gusto ko nga ipasauli kay Kevin sa tindahan kaso alam ko mahihiya ang binata ko kaya hinayaan ko na lang.

Kanina bumili ako ng kalamansi sa supermarket. Mahigit kalahating kilo, more or less 40 pieces ang laman sa presyong P12.65 lang. Kitams!!!

DSC01688_2

HaysSa totoo lang hindi pa rin ako makapag-getober sa mala-gintong presyo na 6 for P20 ng kalamansi na yun dito sa tindahan sa kanto namin. Parang nai-stress ako pag naaalala ko yun. Nakaka-Inez Veneracion talaga. Grrr!

Heniwey, maiba tayo wagi ang Shrimp, Cabbage and Bell Pepper Stir Fry na inihain ko for our dinner last night. Bumenta sa mga bagets ko, yun nga lang si Kevin puro hipon ang pinili. Nakngpitongkuba! Ayaw talaga kumain ng gulay ng mokong kahit anong pilit ko at kahit siguro isaksak ko pa sa ngala-ngala nya. Pero OK na rinbasta naubos ang niluto ko. Payts na! 😀

shrimpcabbagestirfry

 

Shrimps, Cabbage and Bell Pepper Stir Fry

Ingredients :

18 medium-sized shrimps
1/2 head of cabbage
1 large white onion
4 cloves of garlic
2 red bell peppers
1/2 tsp. of grated ginger
4 tbsps. of cooking oil
salt
pepper
a drizzle of sesame seed oil

Cooking procedure :

Wash the shrimps. Cut off the heads. Peel off shells.

Shred the cabbage. Crush, peel and finely chop the garlic. Peel and dice the onion. Cut bell peppers into thin strips.

Heat the cooking oil in a frying pan or wok. Throw in the shrimps. Add the diced onion, grated ginger and chopped garlic. Cook, stirring, just until fragrant (about 15 seconds). Add the shredded cabbage and bell peppers. Season with a little salt and lots of freshly ground pepper. Cook for about a minute to a minute and a half, just long enough to cook the shrimps and NOT overcook the vegetables. Off the heat, drizzle with a little sesame seed oil and youre done. 🙂

Recipe Source/Courtesy of Connie Veneracions http://homecookingrocks.com/

Sana

O ha! Luto-lutuan ako kanina ng Pasta Carbonara para sa mga bagets ko. Wala lang, natuwa lang ako kasi hindi nila ako inistorbo o ginising kaninang umaga para lang magluto ng breakfast nila. Napansin kong nagkanya-kanya si Kevin at Keziah ng diskarte ng maa-almusal nila sa kusina. Tsaka huy! Day-off ko kaya ngayon noh! Kaya naman 9:30am na ako bumangon. Eto ang ok pag medyo malalaki na ang mga junakis mo. Nagkukusa na lang sila at hindi na ako iniistorbo habang borlog. Na-touch naman ako kaya in return, nilutuan ko sila ng pasta nung bumangon ako sa patay-patayan ko.

carbonara-1

Mga ilang taon na lang hihintayin ko. Siguro naman darating din ang panahon na sila na talaga ang magluluto ng almusal para sa amin tatlo.at ako naman ay babangon para lumafang na lang.

Pero sana mag level up na ako. Gusto ko sana sa mga susunod na panahon yung paghahanda ng almusal naman ni Kups ang aasikasuhin ko. Bahala na kayo mag isip kung anong klaseng almusal ang tinutukoy ko. Basta sisiguraduhin kong yummy sya. 😀

Recycled Breakfast

Brekky namin kanina ng bagets kong doter? Galing lang sa mga tira-tirang pagkain namin.

DSCF6150
Kaning-lamig. Mas maganda pag malamig na galing ref kasi mas madaling durugin ang kanin.
DSCF6140
Tira-tirang longadog. Ayan, makikita na may namumuo pang sebo dahil kalalabas ko lang nyan galing ref din.
DSCF6147
Scrambled egg. Eto lang ang hindi recycled. Pag nagluluto ako ng itlog dito sa bahay…iniiwasan ko lagyan ng asin.
DSCF6149
Shred and Slice

Continue reading

Pizza From Canada

Second day na ng trangkaso ko ngayon. Full-blown na trangkaso, mga ateng! 🙁

Wala akong gana kumain dahil wala akong panlasa pero kahapon may nagpahatid ng lafang kay Mamaru dito sa tinutuluyan ko sa Mandaluyong at siempre hindi ko itu pinalagpas.

O ha! Labs na labs ako netong friend ko at ayaw akong matigok na lang basta sa gutom. Since hindi ako makalabas ng bahay, eh ipinag-order ako ng lafang thru internet. And take note inorder pa ‘tong pizza and spaghetti all the way from Toronto, Canada. Ang tarush di ba?

My long time canadian friend Ronnie Jimenea ordered this pizza via online. Gulat ako. Pwede na pala mag order ng pagkain ang mga taga abroad tapos ipa-deliver dito sa Pilipins in an hour.

DSCF4510

Well, dapat in an hour ay delivered na ang pizza. Kaso medyo naligaw daw yungdelivery man (gasgas na alibi) kaya halos 2 hours din ang inabot bago nailapag sa mesa namin ‘tong pizza.

Nways, Ronnie dear…if you’re reading my blog, thank you so much! This is sweet, really! Sa susunod ulit ha? Hehehe! Kafal!

Savoury Beef and Mushroom Pasta

Its another long weekend kaya hapi-hapi mga bagets ko. Tatlong araw kaming kukuyakoy dito sa bahay kaya dapat lang mag-celebrate kahit sa pinaka-simpleng paraan.

Theres no better way for us to have a good time than have a plateful of penne pasta in beef and mushroom sauce. Peborit ng mga bagets ko kahit anong luto ng pasta basta may sauce.

beef and mushroom pasta

Savoury Beef and Mushroom Pasta

Ingredients:

  • 700 grams penne pasta, cooked (reserve 1/4 cup pasta broth)
  • 350 grams ground beef
  • 1/2 tsp peppercorns, crushed
  • 1/4 cup olive or vegetable oil
  • 10 cloves garlic, crushed
  • 1 cup canned mushrooms, sliced
  • 2 1/2 tbsp chopped onion chives
  • 1 pouch Del Monte Beef and Mushroom pasta sauce (750g)
  • 1/4 cup grated cheese

Sprinkle ground beef with 1/2 tsp iodized fine salt and peppercorns. Saute in oil over high heat until brown. Add garlic, mushrooms, and chives, then saute for 5 minutes. Add Del Monte pasta sauce, pasta broth and salt to taste. Simmer for 5 minutes. Pour over cooked pasta. Top with cheese.

Temptation

When 2009 started, I vowed to start watching my food intake for I do not want to be sickly, as I grow older. It worries me to see that as I add years to my age, unwanted pounds begin to accumulate too.

Of course, we all wanted to have a healthier body. However, I said to myself that if ever I want a slimmer and more flexible bod, I prefer to achieve it more in natural ways by eating healthy food and regular exercise. Good that money does not come easy to a single-mom like me thus it gives me reason not to include in my budget list the best weight loss pills as my weight reduction solution. No. I dont want the pills. Not yet. Not now. Hehehe!

Anyway, dieters like me, food temptations are just hard to resist for it lurk everywhere. Just this afternoon, I saw spinach fettuccine noodles, creamy carbonara sauce and a pitcher of mango smoothie at the dining table.

DSCF0044

Continue reading

Kainis

Hays, ilang taon na akong nagbo-blog pero hanggang ngayon hindi pa rin ako magkaroon ng isang  matinong kamera. Punyemas! Meron akong kamera dito pero kelangan lagyan pa ng rolyo ng film. Nyahaha!

Ang lakas pa ng loob ko dati na sumali sa grupong Litratong Pinoy, magregister sa mga forum ng mga mahihilig sa photography at ang kapal-muks ko gumawa ng isang photo blog eh wala naman akong kamera. (kamot-ulo).

Kung may nakikita man na mga photo shots dito sa blog ko, at kung medyo malinaw ang kuha …isa lang ibig sabihin nun – nakahiram ako ng kamera sa kapitbahay.

Pag medyo malabo naman ang kuha ng litrato … naku! kuha yan ng mumurahing selpon ko.

Naiinis ako habang nagtatayp ng entry na ‘to kasi nagluto ako kanina tanghali ng Ampalaya con Carne and I wanted to take pictures with better resolution nga sana. Kaso nada-dyahi akong humiram na naman kay nebor kaya eto, sa selpon ko na lang kinunan.

Noong isang taon ko pa pinagplanuhan ang bumili ng kamera. Sabi ko, reregaluhan ko na lang ang sarili ko kasi asa pa akong may magreregalo sa akin. Pucha! dumaan ang berdey ko last year – olats ako. Sabi ko ulit, ay! sa krismas na lang at mag iipon ako. Ayun, dumaan ang pasko at bagong taon – olats pa rin ako! Dumaan ulit ang berdey ko this year pero mas lalong olats! Ni bertdey keyk di ko nahandugan sarili ko… kamera pa kaya? Lol!

Kaya minsan parang nakakatamad mag blog eh. (palusot)

Enways, pagtiyagaan na ninyo ang mga kuha ng selpon ko. Ang importante masarap ang luto ko! (ang angas!)

Image000Image003Image001Image002

Ampalaya con Carne

In a pan, heat 3 tablespoon oil then saute 1 tablespoon minced garlic, 1 chopped onion and 1 tablespoon minced ginger. Add 1/4 kilo pork strips and cook lightly browned. Pour in3/4 cup water, 1 tablespoon oyster sauce and 1 pork bouillon cube. Simmer until beef is tender. Add 1 seeded and sliced ampalaya. Cook until ampalaya is tender. Season with some pepper and sugar.

 

* * * *

Quote of the Day:
“Champions aren’t made in the gyms. Champions are made from something they have deep inside of them – a desire, a dream, a vision. They have last-minute stamina, they have to be a little faster, they have to have the skill, and the will. But the will must.” –Muhammad Ali

Hapunan

My only bigatin son Kevin is turning 18 on sunday, February 22. Pero kagabi ay inimbita ko na ang magagandang lahi/miyembro ng angkan ko for a dinner dito sa bahay. Hindi ko na hinintay ang sunday kasi sinasamantala ko na andito sa Iligan City si Evan, brother ko.

Sa halagang P1,500 lang na budget, namalengke at nagluto si Mamaru ng mga sumusunod:

SPICY BUFFALO CHICKEN WINGS

IMG_3587 Continue reading

Pampainit

O ha! Kala nyo siguro kung anong “pampainit” ang tinutukoy ko ano?

Arroz caldo po, arroz caldo!

Sa sobrang lamig talaga ng panahon ngayon, halos puro may sabaw ang niluluto kong ulam. Sarap kasi humigop ng mainit na sabaw. . . pampaalis ng nararamdamang ginaw. Uy! nag-rhyme pa!

At kanina, maulan na naman ang panahon kaya nag arroz caldo ako. Arroz (rice) Caldo (hot)… is the filipino version of chinese congee. Whew! As in hot na hot naman talaga kasi dinamihan ko ang inilagay na ginger. Hindi ako nabigo sa hangarin ko kasi medyo nag init ako. Naligo na lang tuloy ako pagkatapos ko kumain. Lol.

IMG_3227

Continue reading