Clams With Misua Soup

Mahigit sanlinggo ng wet na wet ang weder dito sa bansa namin sa Mindanaw pero oks lang yun basta wala lang bagyo. Salamat kay Bathala.

Pag ganitong tag-ulan, masarap kumain ng may sabaw.

Kanina lang…

Sinabawang halaan na may misua at malungay + tostadong fried galunggong + mainit na kanin = LANGIT!

image

Ingredients:

  • 1 kilo of fresh clams
  • A thumb-sized ginger, chopped
  • 3 cloves garlic, minced
  • 1 medium onion, chopped
  • 1 tbsp cooking oil
  • malunggay
  • 2 cups water
  • 2 packets of misua
  • Salt and pepper

Procedure:

  1. Sauté ginger, garlic, and onion in oil.
  2. Add in the clams and water. Let them simmer .
  3. Add misua.
  4. Season with salt and pepper.
  5. Add malunggay.
  6. Turn off fire. Serve hot.

Posted from WordPress for Android

 

 

oOo

“Don’t waste time on revenge. The people who hurt you will eventually face their own consequences.”

 

Luto-Lutuan

Dahil sa isa akong yummy na Tangeng Ina (chos!), nitong mga nakaraang araw, pinagsilbihan at ipinagluto ko ang dalawang amo ko ng mga sumusunod…

1. TILAPIA CURRY WITH STRING BEANS

tilapia curry with string beans

  • 1/2 kilo Tilapia, sliced
  • 1 small bundle string beans, cut into 2” length
  • 1/2 head garlic chopped
  • 1 thumb size ginger, cut into thin strips
  • 1 small size onion, chopped
  • 1 pieces red/green chili pepper, sliced
  • 1 cup coconut milk
  • 1 tbsp. fish sauce
  • 1-2 tbsp. curry powder
  • salt and pepper
  • cooking oil

In a pan using half quantity of garlic, ginger and onion sauté the fish for about 1 to 2 minutes, remove from pan keep aside. Using the same pan add more oil and stir cook the remaining ginger, garlic and onion until fragrant. Add in half quantity of the coconut milk, fish sauce and curry powder bring to a boil and simmer. Add in the remaining coconut milk, string beans and chili pepper. Add in the fish, season with salt and pepper to taste.

2. PORK GINATAAN

Ano ini? Ginataan tapos orangey ang kulay? Hehe! Sorry naman, dahil po yan sa bagoong alamang gisado na ginamit ko na medyo mapula ang pagka-gisa. Tsaka powdered coconut kasi ang ginamit ko. Siguro kung fresh coconut cream ang ginamit ko eh mas magata o creamy white ang kulay.

pork ginataan

In a pan, heat 2 tablespoons oil then saute 3 cloves crushed garlic and 1 chopped onion. Add 1/2 kilo diced pork. Cook until browned. Add 1/4 cup bagoong alamang gisado . Pour 1 cup coconut cream. Simmer until pork is tender. Add 1/2 cup sliced siling pansigang. Cook until the sauce has thickened. Adjust seasoning, if needed.

3. HONEY ROLLS

honey rolls

  • 2 teaspoons active dry yeast
  • 1 cup barely warm water
  • 1/4 cup honey + 1 tablespoon
  • 1 teaspoons salt
  • 1 egg
  • 3 cups all-purpose flour, plus extra if necessary
  • 1 tablespoon butter, melted

In a large mixing bowl, sprinkle the yeast over the warm water and let sit for 5 minutes.

Add the honey, salt and egg. Stir until blended. Add 3 cups of flour and mix until the dough comes together. It will be sticky! On a lightly floured surface knead the dough until soft and elastic (about 8 minutes), adding more flour to keep the dough from sticking if necessary. Do not add too much flour! The dough will become more workable the longer you knead. Or, if you have a standing mixer, knead the dough with the dough attachment for 5-7 minutes, or until elastic.

Transfer the kneaded dough to a lightly oiled bowl. Cover with plastic wrap and a clean kitchen towel. Let the dough rise in a warm area until it doubles in size, about 2 hours.

Punch dough down, divide into 12 equal portions, and shape each portion into a round ball. Place in a pan (or on baking sheets) coated lightly with cooking spray. Cover with a kitchen towel and let it rise for another 20 minutes.

Preheat oven to 400 degrees F.

In a small bowl, combine the melted butter and 1 tablespoon honey. Brush over the rolls. Bake for 10-13 minutes or until lightly browned. Serve warm or at room temperature.

oOo

 

Buhay-Promdi

Kaninang umaga, masarap ang kain ng Royal Family (kami yun!). Ganado! Sino ba naman ang hindi gaganahan eh sinangag, scrambled eggs with grated cheese at sparkled salted fish with sweet tomato (na pinigaan ng kalamansi) ang brekky namin. Hahaha! Parang havey na havey pakinggan pag binibigkas…sparkled salted fish with sweet tomato. Hanep! Yun pala eh itlog at tuyo lang ang ulam namin.

Asahan mong nakataas ang paa ni Mamaru sa upuan at nakakamay kami na kumakain ni Keziah pag eto ang ulam namin. Maliban kay Kevin na hindi ko maintindihan kung bakit naka-kutsara’t tinidor pa rin kahit tuyo ang ulam namin. Kalurks!

Tuyo at KamatisBakit kaya ang mga Pinoy, hindi ko nilalahat, kahit saang bansa mapunta ay andun yung hahanap-hanapin talaga ang pagkain ng tuyong isda. Alam ko, sa abroad ay walang masyadong kalayaan ang mga Pinoy na magprito ng tuyong isda sa tinitirhan nila maliban na lang kung ang inu-okupahan nila ay isang single detached na hauslalo.

Pero pag ang accomodation mo ay nasa isang building, tiyak ko maraming magwawala na mga porenger na nebor pag humalimuyak na ang pritong tuyo – na malamang aakalain nilang sa amoy pa lang ay may pinipritong pekpek ang nebor nilang Pinoy. Hahaha!

Heniweys, ako, nililimitahan ko ang pagkain ng tuyo dahil umiiwas ako sa alat nya. Parang mga once in every two months na lang kung kumain kami ng tuyo.

Pagkatapos ng almusal namin kanina, dinalaw kami ng isang Manang na suki ko sa exchange program. Naks! Exchange program! Taga-bukid si Manang at tuwing bababa sya dito sa bayan ay may bitbit syang basket na puno ng kung anik-anik na prutas. Ipagpapalit nya sa akin ang mga bunga ng mga lumang damit namin. Barter trade bagah.

Hindi na uso ang ganitetch sa Manila at sa ibang malalaking siyudad ng Pinas. Pero dito sa amin sa probinsya kahit papano ay meron pa.

fruits

Eto ang laman ng basket ni Manang kanina. Kamote, makopa, langka, at ang daming saging. Saging na berde, saging na dilaw, saging na saba. Kaya nga hindi kami nagkaka-pimples dito kasi may supplier kami ng saging. Hehe!

Iba pa rin talaga ang buhay-promdi sa totoo lang. Simple lang at payak. Presko ang hangin at kahit papano hindi stressful ang paraan ng pamumuhay araw-araw.

Mga taga-promdi man kami kung tawagin, eh kahit papano di naman kami nahuhuli kung ano ang nangyayari sa bansa o ang pinag-uusapan ng mundo. Naka-WiFi at keybol kaya kami dito sa mansiones namin noh! At kahit papano eh naka-aircon kaya banyo namin! Jowk! Weee! Tamang-angas ang Mamaru. Iba yata ang naging epekto sa akin ng nakain kong pritong tuyo a!

 

 

oOo

"True love always deserve a second chance. I don’t wanna blow that second chance with you"Diether Ocampo, Sa’yo Lamang (2010)

Ang Tahong. Bow!

Dahil sa masaya ako ngayon dahil sa pagka-discharge kahapon sa ospital ng man op may layp kong si KUPS …nag-celebrate ako in my own little way bilang pasasalamat.

Paano? Anofengavah! Eh Di lumafang!

Nag-bake ako ng tahong.

Nilinis, hinugasan ang nakababad kong tahong.

DSCF4135

Para sa 1/2 kilo na tahong, Naghanda din ako ng 1/2 tsp na tinadtad na bawang, 1/2 cup na cheese at olive oil.

DSCF4141

Read More »

Tilapia Strips

Tilapia Strips…hindi po ‘to gawa sa karne ng aso. Yak! Hahaha!

Andito ang pic ng aso ko dahil namataan ko ang napakasimpleng recipe na ‘to ng Tilapia  sa www.yummy.ph habang nagpapakamot ng tiyan si Kremo sa isang kamay ko.

japanese spitz

Tiempo naman na may deboned tilapia pa ako sa freezer kaya sinubukan ko. Pinaghihiwa ko na lang sya into strips, yun katamtaman lang ang hiwa kasi baka naman madurog pag sobrang nipis ng strips.

Read More »

Tilapia in Tausi Sauce

Matagal-tagal na rin (2 months yata) na wala akong nai-post tungkol sa pagiging kitchen diva-dihavan ko. :D

Eh sensya na kasi after 2 long months  ngayon lang kasi ako ulit kumain, kaya now lang din ako nakapagluto. Charot!

Nways, nakapamalengke ako nung weekend ng bangus, tulingan at tilapia na mga isda. Tilapia ang trip kong lutuin kagabi at nakakasawa naman kung simpleng prito na tilapia lang ang gagawin ko. Aminin ko na rin, medyo sinipag ako kaya for a change at para masaya…yung pinirito ko ay with matching tausi (black beans) sauce naman.

Eto ang nangyaring diskarte:

spices2

Almusal

Magiging beri bisi ang mga araw ni Mamaru mula ngayon. Umaga pa lang, kelangan loaded na agad ang tiyan ko sa dami ng ta-trabahuhin. Siempre sabi nga eh pinaka-importante ang almusal sa lahat ng meals. Eto ang isa sa pinaka-paborito kong kombinasyon ng almusal.

DAING NA BANGUS

opps! DAING NA BANGUS with SCRAMBLED EGG or OMELLETE pala.

Siempre FRIED RICE with lots of garlic.

Tsaka hindi mawawala ang TSOKOLATE (na hindi pa nahahalo dito. lols!) o kaya kape.

Feeling ko pagkatapos ng almusal ko: LANGIT :lol:

Ano kaya ang masarap na almusal bukas? Hmmmn…