Mag Alaga Ay Di Biro

Dioskopo! Sobrang nabugbog ako sa gastos ngayon.  Akala ko magbubuhay-petiks na lang ako dahil tapos na sa pag aaral ang dalawa kong anak at may kanya-kanya ng mga trabaho. Hindi pa pala. Nakalimutan ko may 6 pa akong binubuhay na aso. Nope, hindi naman sa nagde-demand ang mga alaga ko na pag aralin ko sila. Heh!  

The other week may fever si Will, isa sa apat kong male dogs.


First time na may nagka-fever sa mga alaga ko at siempre worried ako kasi hindi kumakain at nanghihina. Nai-stress ako kaya takbo kami agad sa vet. Buti na lang wala masyadong complication ang lagay nya pero dumaan pa rin sya sa mga lab test. Buti na lang at nakabawi agad ang mokong, gumaling at okay na ngayon. Check up lang at test pwera gamot, siningil ako ng vet ng P750.00.

After 5 days,  si Sang-sang naman ang nagpakita ng inactivity.

Ayaw kumain at laging nakahiga at nanghihina. Takbo na naman sa vet. Lab test ulit at kelangan i-ultrasound kasi may duda ang vet na baka may Pyometra (infection in the uterus). Positive. May early sign of Pyometra si Sang. Total bill: P1,200.00

   

Lethal ang Pyometra sa mga female dog pag hindi naagapan ang paggamot. At ang tanging solution? Surgery. Spaying.

Miyembro na ng pamilya ko ang mga aso ko. Sila na lang ang mga kasama ko ngayon at kung magagawan ng paraan…ayokong may masamang mangyari sa kanila.

Nag decide ako agad na ipa-opera si Sang.  Believe me, I prayed hard na maging maayos ang operation nya. This time, inabot ng P9,700+ ang bill ko. Pero kebs. Anak na ang turing ko sa mga alaga ko.

Ngayon ay nasa bahay na ang operada at nagpapagaling.

But wait, there’s more! Di pa matatapos ang gastusin ko kasi bukod na kelangan kong ipa-distemper shot ang mga alaga ko sa susunod na mga araw, plano ko rin ipa-spay ang isa kong girl at ipa-neuter naman yung 4 na lalaki.

Malaki ang naitutulong sa akin ng mga alaga ko bukod sa mga naibibigay nilang kasiyahan sa akin. Pero ang mag-maintain ng mga alaga ay di biro. Seryoso ako.

Waaaah! Kaya wag kayo magugulat kung mabalitaan nyong nagtutulak na pala ako ng droga para may panggastos ako sa mga aso ko. Charot!

Summer Na!

Successfully installed my new window wood blinds — take note, all by myself. Pawer! Ang astig ko, Char!

Summer na nga! Painit ng painit na ang panahon. Yung mismong araw pakiramdam ko eh nasa gate lang namin. Kaya kelangan ko talaga ang panangga sa sikat ng araw na tumatagos sa loob ng living room ko.

 

Para Healthy


Everyday ay ganito karami ang inihahanda kong malunggay para sa pagkain ng anim kong aso. 

Opo, palaging may kasabay na gulay na malunggay ang tenderloin steak na pagkain ng mga alaga ko araw-araw. O ha! Sey nyo? Siempre para healthy at balanse ang diet nila noh. Charot!

Next time, yung dessert naman  o panghimagas ng mga aso ko ang ipo-post ko dito. Charot ulit!