Our Home – Dining Area

Walang living room at dining room ang balay chenes ko. Living area at dining area lang. Pang-mayaman lang yata yung may room-room. Eh kami naman ni Kups ay nangangarap pa lang na yumaman.

Wala akong mai-post na ‘bipor en aptir’ na piktyurs para sa dining area namin.

Nabanggit ko na dati sa naunang post ko na ‘tong mga kagamitan sa bahay lalo na ‘tong dining set namin, na ako lang ang nag-assemble nyan (taas-noo). Huwag hamakin, mahigpit ang mga pagka-screw ko ng mga yan. Kahit makipag-chukchakan pa ako diyan sa mesa at mga silya na yan…hindi yan bibigay.Lol! Langya! Ang halay ko! I’m so bashtos!

DSC00826

Naikabit ko na rin sa wakas yung kurtinang naharbat ko sa ukay-ukay. Nabili  ko ‘to bago pa man kami nagpa-install ng sliding doors. Naalala ko noong nabili ko yung kurtina, parang sising-sisi pa ako sa jip. Esep-esep ko, syet! napamahal yata ako. 800 petot kasi lahat, dalawang piraso. Josko, binarat ko na ng husto yung tindera dahil wala naman talaga sa plano ko ang bumili. Para kunyari may lusot ako na wag bilhin.

Kaso, pucha! Pumayag ang impakta sa P800! Mabibigat ang mga kurtinang pinagpilian ko. Alam ko napagod din ang tinderang Maranao sa kabubulatlat ng mga paninda nya na todo pa ang salestalk sa akin. Napasubo na ako, binili ko na at baka dunggulin ako o kaya tadjakan ako palabas pag inisnab ko pa. Hehe!

Impernes naman, malapad ang na-kurti na yan, mahaba at pinutulan ko pa. Mukang bago pa. Swak na swak ang materyales para panangga sa init ng araw pag bandang hapon.

DSC00822

Medyo off ang pagka-pwesto ng desktop computer in between living and dining area. Parang hindi bagay at parang nakakagulo lang. Hindi pwede i-sekwester dahil gamit-gamit yan ng unica hija ko.  Iskwater  lang muna sya diyan dahil hanggang ngayon wala pa rin ako maisip na tamang lugar para sa kanya.