Pamana

Nangibang bansa na ang buong pamilya ng pamangkin kong si Gay at eto ang naging pamana nya sa akin sa mga dinispatsa nyang gamit (dahil eto din ang hiningi ko) – ang Delonghi 7-quart Stand Mixer.

Nasa wishlist ko talaga ang magkaroon ng sariling heavy duty stand mixer pero wit ko afford bumili ng brand new kaya 48 years na sya sa listahan ko ng mga pinapangarap na bagay. Hays, akala ko nga makakamatayan ko na lang na unfulfilled ang wish kong ‘to. Exajs!

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako magkakaroon nito, kaya kahit hand-me-down lang ang stand mixer ko, kulang na lang na mag-cartwheel sabay split ako sa sobrang tuwa. Slightly used and in mint condition pa ang stand mixer unit ng niece ko.

After a week from (Manila) shipment, dumating ang beybi ko kahapon.

delonghi mixer

Ang wish ko talaga noon ay KitchenAid stand mixer sana. Pero josko, magpapaka-choosy pa ba ako kung may magbibigay naman ng libreng stand mixer sa akin? Nang sinabi sa akin ng niece ko na ipapamana nya sa akin ang Delonghi mixer nya, nagbasa agad ako ng mga reviews online. Aba, mas astig pa pala ang brand na Delonghi. Mas powerful at mas winner kumpara sa ibang brand.

delonghi stand mixer hooks delonghi stand mixer delonghi stand mixer1

Kaninang umaga, kung gaano ako ka-atat mag-bake gamit ang mixer ko, ganun din kabilis humupa eksaytment ko. Laylay ang balikat ko nang ma-realize ko na hindi ko pa pala pwedeng gamitin ang bagong beybi ko. Kelangan pala bumili muna ang Mamaru ng bagong transformer o voltage converter para 110V/60Hz na outlet. Shet! Bummer!

Heniweys, to GAY my niece, if you’re reading this, THANK YOU so much sa pamana mong ‘to sa akin. Makakaasa kang iingatan ko ‘to at mas lalo ko pang pakikintabin ang stainless mixing bowl nya. Lol!

 

 

oOo

“Kung may Monthsary at Anniversary bat di sila gumawa ng Secondsary , Minutesary , Hoursary , Daysary at Weeksary?”

Latest Loot

Usong-uso ang looting sa London 2 weeks ago. Eh humabol ang Mamaru at nakiuso din.

Here’s my latest loot galing sa isang Korean store. Pero bago ako lumabas ng tindahan, siningil ako ng twelve petot (P12.00) dito sa nadikwat ko, para sa anim na pirasong pang-ipit ng ilong ng sinampay. :P

colored clothespin

’La lang, nakikayan lang ako sa mga kulay at design ng mga pang-ipit.

six pieces clothespin

O ha! May pang-ipit na ako sa plastic ng loaf bread, seasoning sachets, mga recipe notes ko at pag nagre-repack ako ng shabu at cocaine. Joke!

clothespin

 

 

oOo

 “Huwag isisi lagi sa mga MALALANDI, minsan kasalanan din ng mga NAGPAPALANDI.”

Bagong Sapin

May bago akong na-shoplift! May bago akong placemats! :P

DSC03435_2

And mind you, napapa-hallelujah ako sa kababawan kong ‘to. As in tuwang-tuwa kasi ang tagal ko na naghahanap ng placemats na gusto ko talaga. Yung sapin na tipong babagay naman sa pinggan namin.

DSC03424

Nadikwat ko ‘to sa isang Korean store. Bakit ko sya super-LIKE?

Kasi napaka-cheapanga ng price (18 petot each lang) pero hindi naman sya mukhang chipipay, di ba? O baka akala ko lang. Hihi!

Well, hindi po sya gawa sa plastik. :D

DSC03430_2

Na-shoplift ko ‘to kagabi at bininyagan ko kaninang umaga. Ah, basta! Keber kung di kabonggahan ang food namin.

 DSC03428_2

Ang importante inspired ako sa bagong sapin o mga banig-banigan na nakalatag sa hapag-kainan namin. Kuha nyo!?

 

oOo

"No one in this world can dictate to YOU what can make YOU happy" - Gina Leviste, May Minamahal (1993)

Our Home-Kitchen Area

Work in progress pa rin kusina namin. Pero konti na lang naman. Isang kitchen island na lang sa gitna ang kelangan ko ipagawa para working table ko.

DSC00848

May mga hindi pa napipinturahan na cabinet. We used walnut wood stain for the cabinet…at si Mamaru lang po ang nagpintura nyan ha. :D Dami ko ng talent talaga na pwedeng pagkakitaan. Kung anu-anong trabaho na pang-contruction worker ang ginagawa ko. Iniisip ko nga, ano kaya kung subukan ko rin kaya gawing sideline ang pagba-barker sa mga pampasaherong jeep dito sa probinsya namin?

DSC00782

Sa mga susunod na araw…baka matapos ko na ang lahat ng pagpipintura ng mga cabinet.

DSC00783

Nagpaalam na rin yung 15-year old gas range/cooker ko. Pinintasan ng pinintasan noon ni Kups ang antique at kalawangin kong cooker. Ang totoo naman kasi eh yung oven na lang talaga ang gumagana dun sa luma at yung mga burner eh bungi-bungi na. Ang tagal ko pumayag na i-tsugi yung lumang cooker kasi nanghihinayang ako. Hehe!

DSC00709

Eto ang ipinalit namin. Simpleng 3-burner La Germana gas range. Para naman daw bumagay sa kusina namin. Naks!

DSC00712

Dahil sa mga hanging cabinet…nagpabili na rin ako kay Kups ng range hood.

DSC00799

Sa mga ilang araw na pag-aayos ko ng kusina namin, napansin kong dami ko na pala naipon na mga recipe leaflets, pamphlets, na ipinamimigay noon sa mga supermarkets. Yung iba ay postcards at newsletter from Del Monte Kitchenomics kung saan member-memberan si Mamaru. Kung saan-saan ko na lang kasi nailalagay. Ayan, siguro naman ay mapapakinabangan ko na ang mga ‘to ngayon dahil kitang-kita ko na sila sa iisang basket.

oOo

Gusto Nila Happy Ka

Ilang oras na lang at matutulog na ang fagod kong alindog. Pero bago ko sabihan ang sarili ko ng  “let’s kol it a day, ineng!” eh ano ba ang naging highlight ng Martes kong itetch na para bang ang bilis-bilis natapos. Hmmmn…kaninang umaga, pambungad ng araw ko ay eto – almusal na daing na danggit at pusit!

Sus, eto pa lang eh wagi na para sa akin ang Martes ko.

DanggitPusit

Pero sadyang siksik at liglig ang grasya sa araw na ‘to. Kasi eto talaga ang pinaka-highlight ng araw ko –

…ang “second” arrival ng 30-piece na dinnerware na binili ni Kups online para sa mala-josa nyang minamahal (ako yun! ako yun!).

COrelle2 Bakit naka-quote ang second? Eh kasi naman…ganito tsura nung box noong “first” delivery. O di vah, doble pa ang kahon. Para siguro sekyur.

DSC00590 Pero nung binuksan ko yung mismong kahon, eto ang nag eat bulaga suckin.

DSC00592_2 May basag! Dalawang bowl ang basag! #$%%#@*!!!

DSC00597_2Buti na lang may kalakip na love note.

DSC00603_2 Kaya naman tinumbong sinumbong ko agad kay Kups para makapag-email sa Amazon.com. Howel, mabilis din naman agad ang response nila. Tinugunan nila ang reklamo ni Kups sa pamamagitan ng…

corelle1 …another set of 30-piece set of Corelle!  Ang saya!

Bilib din talaga ako sa Amazon.com sa pangangalaga ng kustomer nila. Gusto talaga nila happy ka! Hehe! Same design of dinnerware ang pinadala. Parang bay wan teyk wan tuloy. Sey nyo? Paano nga ba naman hindi sasaya ang Martes ko?

Isip-isip ko, kung nagkataon na dito siguro binili ang set sa Pilipayns…’kingina! Baka abutin ng katakot-takot na proseso bago nila aksyonan ang reklamo ng kustomer. Malamang umabot pa sa supreme court ang kaso bago nila palitan ang item. Hehe! Exajs!

%d bloggers like this: