Bagong Itsura, Bagong Pintura

Mga 3 weeks na siguro ang nakakalipas mula ng magkaroon ng konting pagbabago sa bahay dito sa pinagkukutaan ko.

Sa wakas ay nalagyan na ng ceiling ang front porch (front porch daw o!) ang balur ko.

Hindi siguro kayo maniwala na for 13 years…walang ceiling ang labas ng bahay namin. Opo, trulili. Walang kisame sa labas kaya ang chaka talaga tingnan.

Heniweys, OKS lang yun kasi di ba may kasabihan tayo na kumbaga sa tao… hindi naman importante ang panlabas na anyo kundi ang kalooban. (At nag-esplika talaga ha!) Maayos naman ang loob ng hauslalu namin kaya la ako pakels kung fangit ang sa may labas namin.

Well, naging ganun talaga ang sitwasyon ng bahay namin sa loob ng 13 years.

DSC05332

Pero hindi ang tungkol sa pagpapalagay ng KISAME ang pinaka-kwento ko. Siempre, pagkatapos nagpalagay ng kisame, kelangan maisunod ang pagpapapintura ng wall!

Dahil isa lang akong poorita na single mom at hindi ako nakapag-imprenta ng maraming pekeng SALAPI lately, eh kelangan akuin ko na mismo ang pagpipintura ng dingding. Wala na kasi akong budget para pang-hire sa magpipintura. :(

DSC05404

Gamit ang mesa na yan na nasa picture bilang tuntungan ko, nagawa kong tapusin lahat ng trabaho na dapat ginagawa ng isang lalaki!

Hays…kaya nga, mas lalo lang tuloy naging matibay ang paniniwala kong hindi ko na talaga kelangan ang lalaki sa buhay ko! Istir lang uy! Labs ko ang mga lalaki noh!

Nakakapagod ang naging trabaho ko sa mga nakaraang linggo, kaya isang container ng drinking water (nasa ibabaw ng mesa sa piktyur) din ang nalaklak ko habang nagpipintura noon. Joke!

DSC05405

O ha! ASTIG di ba?

Siempre alam ko ang gagawin kong pagpipintura. Una kong inaplay na pintura ay yung PRIMER. Gulat nga mga nebors ko pag napapadaan at nakikita akong naka-tungtong sa mesa at namimintura. Siempre andun yung mga pabirong kantiyaw nila. Sigawan nga eh.

Pero sus ako fah! Pabirong sumisigaw din ako ng pabalik noh! ‘Kako, “Uyyyy! Kung may ipapapintura kayo diyan, dyas kontak me, mga palangga! Mura lang ang per day ko.” :D

DSC05670   

Magkaiba ang final coat na ginamit ko sa wall at sa beam. Ivory Cream ang wall at Mocha sa beam. Sori naman kung hindi captured ng selpon camera ko ang tunay na kulay. Basta yan na yan!

Ang masasabi ko lang? Taena, I’m sooooooo PROUD of myself as a single mom! Lol! Yakang-yaka ko pala.

Kahit nagkakalyo ang mga palad ko sa kahahawak ng paint roller at brush, kahit nanlilimahid ako sa magkahalong pawis at pintura – feeling ko maganda pa rin ako sa kadulo-duluhan. :P (feeling ko lang naman yun)

Howel, esep-esep ko, kung kaya ko nga gumawa ng dalawang bata…pag-pipintura pa kaya? Panis!!

 

 

oOo

“Life is wonderful, somebody being around is not a requirement.”

Aylabit

Lab lab lab ko ang bagong throw pillow covers ko sa living area namin. Na-shoplift ko ‘to last week sa isang korean store sa halagang 30 petot bawat isa.

O di vah, halata ba na walang kahilig-hilig sa matitingkad na kulay si Mamaru?

DSC03179_2

“Cute” daw sabi ni Keziah na pinakiusapan kong maglagay ng mga cover.

Pero kay Kevin, aprub ba ang mga nabili ko? Nagtanong pa ang mokong bakit daw ako pumili ng mga ganitong kulay. “Bakit?” tanong ko. Sagot ng kritiko ko, “Eh kasi parang Jolinang-jolina ang dating eh.” Haha! Namintas pa ang Kevintot. Hmp!

 DSC03176_2

Bucket bah! Eh gusto ko lang naman magkaroon ng bale accent (accent daw o!) ang living area namin. Para madagdagan ang sigla bagah.

DSC03178_2

Maganda naman di ba? Haha!

 

 

oOo

"Nakakapagod magtaray. Dapat pumapatay na lang eh" – Eugene Domingo, Ang Tanging Ina Mo… Last Na ‘To (2010)

 

.

Workstation

  • Mamaru’s workstation

DSC01183_2DSC01193_2

  • Keziah’s workstation

DSC01186_2 DSC01187_2

  • Kevin’s workstation

Toink! Nagdalawang isip ako kanina kung isasama ko pa ang pics ng workstation ni Kev sa loob ng room nya.  Pero eto talaga ang tsura ng kwarto nya kanina. Nakasabit kung saan-saan  ang mga shirts nya, nakakanganga ang mga drawers, nakakalat na sapatos  at maduduming medyas sa ilalim ng mesa. Hays..

DSC01189_2 DSC01190_2

Kalurkey talaga ang kwarto ng unico hijo ko! Parang dinaanan lagi ng Signal No. 1 na bagyo. Pag nalilinis ko at naililigpit ko mga gamit sa room nya, isang araw lang talaga ang itinatagal ng pagiging maayos. Kaya sumuko na  ako. Pag wala siya, isinasara ko na lang lagi door nya para di ko nasisilip kung gaano kagulo kwarto nya…at baka mapaaga lang pagmemenopos ko sa kunsumisyon.

Our Home – Living Area

BEFORE (December 2008)

living area

Fourteen years bago napalitan ang rattan sala set namin. Karamihan ng mga furniture namin noon..kaedad ni Keziah. Kung hindi pa uuwi si Kups…baka ganyan pa rin ang tsura. Ang lumang TV namin na hand-me-down ng brother ko…gusto na ni Kups na ipatapon. Siempre hindi ako pumayag. Ako pa! Gumagana pa naman kasi.  Inilipat ko sa kwarto at hinanapan ko talaga ng espasyo.

AFTER (July 2010)

DSC00778

Ganitong arrangement pa lang ang pwede kong gawin sa area na ‘to na malapit sa main door namin. Kulang-kulang pa ng furniture/furnishing. Basta ang gusto ko lang – less clutter.

DSC00779_2

Light beige na pintura ang unang ipinalit ko sa living area namin. Kaso hindi naging maganda ang epek.

DSC00689

Parang ang lungkot at ang dilim ng epek kahit puro kami bintana dito sa bahay. Hindi kasi maganda ang pagka-mix ng tint. Kaya pinapalitan ko  ng light yellow na shade.

DSC00688

DSC00691

Karamihan ng mga furnishings namin sa ngayon, pinabili ko lang sa brother kong si Evan na nasa Manila. Hirap din kasi dito sa probinsya namin…wala masyadong choices o tindahan na mapupuntahan para sa mga gusto mong gamit sa bahay o deco.

Dumayo pa si utol ko sa Cubao para maghanap ng SALE ng mga lamps na gusto ko. Gusto ko kasi yung naka-SALE lang. Hehe! Yung dalawang  lamp sa itaas…puro 50% off. P1500 yung stand lamp at P1,300 naman yung maliit.

Our Home – Menos Gastos Na

Katatapos  lang  ng halos 48 years  na interior renovation slash improvement dito sa bahay ni Kups.  Oo, masasabi kong halos pagmamay-ari na ni Kups ang tinitirhan namin ng mga bagets ko kasi  bukod na siya ang bossing  ko sa budget and finance, siya naman talaga ang utak at pasimuno sa mga pagbabagong naganap dito sa bahay mula pa last year. Taga-pagpatupad lang ako sa mga order ni Kups.  Agen, parang foreman lang aketch!

Feeling ko nga, caretaker na lang ang byuti ko dito sa sariling bahay ko at ang amo ko ay nasa abroad. Hmp!

Paghahanda sana ang lahat na ‘to para sa pagbabakasyon ni Kups at ng mga bagets nya dito sa bahay ngayong July-August. Kaso sa hindi inaasahang pangyayari, nagkaroon ng car accident ang labidabs ko. :(  Sa ngayon, nasa ospital pa rin siya.

Lech! Naalala ko na naman. Teka, ayoko maging malungkot sa totoo lang. Hindi ako naglulungkot-lungkotan  lang  sa mga nangyari kay Kups. Tangina! Ang hirap dalhin sa dibdib pero sabi nga nila…atapang ako! Kaya shatap na muna ang isyu tungkol sa aksidente at sa nabulilyaso na pag uwi ni man op may layp. 

Heniways, isa sa mga nagustuhan kong napalitan dito sa bahay ay ‘tong paglalagay ng dalawang wood blinds sa  may living area.

wood blinds

Namamahalan pa ako sa pagkabili ko nitetch.  Tig-P1,600+ ang isa sa Citihardware. Akala ko kasi noong una eh tig –300 petot  lang ang lintek na ini. Hehe!

window blinds

Pero naisip ko naman, pang-matagalan din na gamit ‘to. Hindi hamak na sa susunod ay makakatipid na ako sa mga kurtinang bibilhin. Bawing-bawi. Dalawang panel din ng bintana  ang mababawas at higit sa lahat  menos na ang dami ng lalabhan kong kurtina.  Yahoo!

DSC00786_2

Post ko yung ibang pics ng Our Home sa susunod.

Kagamitan Sa Bahay

 

Nabanggit ko dati na last summer ay namili kami ng mga bagong kagamitan sa bahay sa Caloocan City kung saan malaki-laki din ang naging diskwento namin doon kung ikukumpara sa presyo sa mall.

Aktwali, medyo panis na ‘tong entry ko kasi last month pa dumating ang mga gamit na ipina-ship namin mula Manila hanggang dito sa Iligan City. Ngayon lang ako naka-tiempo na i-blog ‘to. Heniways, a total of 17 boxes lahat-lahat ang inabot ng mga furniture composed of living room set, dining set, at bed. Mahigit isang linggo ang paglalakbay neto sa karagatan. Nung dumating. halos mapuno lang naman ng mga kahon-kahon ang mansiones ko. Hindi ko na ipinapasok yung iba sa loob ng bahay dahil wala na kami madadaanan.

DSC00444-1

Malaki din ang naibayad namin sa shipment papunta dito sa Iligan City pero sa kwenta-kwenta ko, ok lang kasi kahit gumastos kami sa shipment, malaki pa rin ang na-discount namin. Gaya na lang netong L-shaped (4-piece) living room set.  Nasa 5-6 thousand pesos ang price difference nila (Caloocan vs mall).

DSC00454-1

Kaya gusto ko talaga i-blog ‘to dahil parang tip ko na rin ‘to sa mga nagbabalak na bumili ng mga furniture. Mga kapatid, doon na kayo Maypajo Street, Caloocan City mamili.

Pero kung ako sa inyo, bago kayo pumunta dun, tingin-tingin muna kayo sa mall. Hanap kayo ng design o style na gusto nyo at tandaan nyo na lang ang mga style at presyo para pagpunta nyo dun sa Caloocan eh alam nyo ang gusto nyo kasi baka malito kayo sa dami ng mga design dun. Tsaka para may comparison kayo ng presyo. Kung may talent kayo sa pang-uuto, baka mas matawaran nyo pa ng mas mababa retail price nila.

DSC00455-1 

Hindi nga lang naka-aircon ang mga tindahan doon at hindi maayos ang pagkaka-display ng mga items, pero ang laki talaga ng matitipid nyo. Tiyagaan lang kung gusto nyo makamura dahil yung mga tinitinda nila eh yun din naman ang makikita nyo – halimbawa sa SM Home World. Libre naman delivery sa kanila basta within Metro Manila lang.

Dito sa dining set namin…nasa 5-7 thousand din ang natipid namin. Naikumpara ko sa brochure ng SM Home World ang ganitong 6-seater, siempre sobrang mas mahal ang sa SM.

DSC00674

Alam nyo bang ako lang mag-isa ang nag assemble ng buong dining set na ‘to? Howel, ganyan lang naman ka-astig si Mamaru! Wahihi! Umandar kasi kabaratan ko at namamahalan ako dun sa 500 petot na sinisingil sa akin nung mama na mag a-assemble sana.

Dahil sa nangahas talaga ako na i-assemble ang mga upuan at ang mesa…siempre hindi naiwasan na lumabas pa rin pagka-engot ko.

Andun yung bali-baliktad ang pagkakabit ko! Nagharap ang paa sa unahan at ang sandalan. Hayss…siempre, baklas at ulit na naman ako.

DSC00452_2 

Sensya naman. Magandang babae lang po ako. May kahinaan. Pero wag ka, sakses pa rin naman.

DSC00676_2

Eto naman ang bagong bed namin ni Kups. Nasa 6-7 thousand din ang nakupit ko kay Kups este nadiskwento ko dito kumpara sa presyo sa mall.

Josko, nasaid ang lahat ng powers ko sa pag assemble ng bed. Ambigat kasi nung kutson. Parang sinipsip lahat ang lakas ko.

Pero sabi ko, ok lang kasi dito… oo, DITO kami maglulunoy sa kaligayahan ni Kups pag nakauwi na sya ng Pilipayns. Ayayaay!

DSC00462-1

Hinigpitan ko talaga ng todo ang mga screw neto, inayos ng pulido ang ilalim…para siguradong hindi babagsak sa anumang papalapit na umaatikabong bakbakan!  Awoooooo! 

Sabado Night

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling el bimbo gimik ko yata ay kami ang magkakasama nina Moo at ng pamangkin kong si Tweetums noong nakaraang April pa. Nyeta! Tagal na talaga nun ha! Hays…wala kasing ka layp-layp ang mga gabi dito sa probinsya.

Habang kasalukuyan yata ang karamihan ng mga tao sa Pinas ay natataranta kung papano wawaldasin sa mga malls ang mga natanggap nilang bonus at 13th month pay, at habang ang iba rin ay mga nasa gimikan dahil sabado night nga at para magpakasasa sa mga sweldo nila, at dahil walang ganung mga privileges/bonuses si Mamaru,  kaming mag-iina ay nakuntento nag sabado night sa bahay lang at nanood ng DVD. 

Hindi na ako nagluto ng hapunan  kagabi. Para naman makapagpahinga ang mga kamay ko sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan, nagpa take-out na lang ako kay Kevin ng walang kamatayan at hindi yata pinagsasawaang chickenjoy ng Jabi!

Unang DVD na pinanood namin (ulit) ay ang ITALIAN JOB, hindi pa daw kasi napapanood ni Keziah. Kakaiba ang bonding moment namin kagabi ng mga junakis ko kasi suspense thriller ang sumunod na DVD na isinalang namin. Pucha! Kauumpisa pa lang ng movie ay nagsisiksikan na kaming tatlo sa sofa. 

Yung pwesto namin? Bale ako yung naka-yellow sa drawing. Si Keziah, naka-pink at si Kevin yung blue. Gusto ko sana nasa gitna ako kaso ayaw pumayag ni Keziah…ayaw daw nya sa gilid kasi natatakot din. Wahihi! Pinatay namin ang ilaw at krismas lites lang ang iniwang naka-ON.

Read More »