Para Healthy


Everyday ay ganito karami ang inihahanda kong malunggay para sa pagkain ng anim kong aso. 

Opo, palaging may kasabay na gulay na malunggay ang tenderloin steak na pagkain ng mga alaga ko araw-araw. O ha! Sey nyo? Siempre para healthy at balanse ang diet nila noh. Charot!

Next time, yung dessert naman  o panghimagas ng mga aso ko ang ipo-post ko dito. Charot ulit!

Maparaan

Sa anim kong mga alaga…’tong si Argo talaga ang maparaan sa paghahanap ng maayos na matutulugan.

DSC_0035

Wa siya pakels kahit anong maging chura ng katawan niya…ang importante, malambot ang mapagsiksikan na pwesto.

DSC_0036

Mga ganitong tanawin lang dito sa bahay ko…nangingiti na talaga ako. Ay lab my furkids!

 

Happy weekend sa mga kapwa kong dog lover! 😀

 

 

oOo

“I am not lucky, I am blessed.”

RoomMates

Shhhh! Wak ingay. Comatose mode pa ang mga roommates ko.
Ganito sila lagi. Kanya-kanya hanap ng pwestong matutulugan.
Meron sa may bedside ko.

LincolnAndSang.24

Meron sa tabi ko mismo.

Django.18

Meron sa dulo ng bed. (Ay! May nabulahaw sa ingay ng kamera shutter ko. )

Argo.21

Meron may pumupwesto sa may paahan ko.

Adele.44

At meron din gusto sa may door… para bantayan ang alindog ko sa mga intruders. Charot.

Will.51

Yan! Since lumipat na ang Bebegirl ko sa kabilang kwarto,  ang mga alaga ko na ang kasama ko sa kwarto ko.

Nway, start your day with a smile. Good Morning!

oOo

“He is your friend, your partner, your defender, your dog. You are his life, his love, his leader. He will be yours, faithful and true, to the last beat of his heart. You owe it to him to be worthy of such devotion.”

Yung Eksenang…

DSC_0693

  • Yung eksenang tuwing umaalis ako ng bahay dinig hanggang kanto ang sabay-sabay na iyakan/alulong ng 6 kong alaga na akala mo naman eh namatayan ng amo. OA much! Nakakahiya tuloy minsan sa nebors dahil ang sakit sa tenga ang sabay-sabay na iyak nila.
  • Yung eksenang sa pagbalik ko, hindi ako agad nakakapasok sa sa bahay namin dahil sa may gate pa lang…nakaharang ang 6 na ‘to. Hindi ko basta-basta nabubuksan ang gate dahil mga wais din ‘tong mga alaga ko. Tumityempo at sumasalisi para makalabas lang. Pahirapan ang pagpapauwi sa kanila.
  • Yung eksenang lahat ng mga alaga ko ay eksayted sa pagbabalik ko na akala mo naman ay 48 years kaming hindi nagkita. Eh ilang minuto lang naman ako nawala. Lahat ay nagtatalon. Lahat ay masaya. Lahat sila ay nagkakagulo. Parang mga hibang at adik sa gulo! Puro kalmot tuloy ang inaabot ko at nawawala ang pagka-ploless ng skin ko. Tsarot!

Pero ang sarap ng pakiramdam na may mga nag-aabang sa pagbabalik ko. Exaj nga siguro ang reaction nila pero genuine naman ang tuwa na makita nila akong muli. 😀

 

 

oOo

“Pahalagahan mo yung mga nilalang na pinapahalagahan ka.”

Itlog Ni Django

image

Pinapaliguan ko kanina ang 6 kong mga alagang aso nang mapansin ko ang itlog ng isang aso ko – ang itlog ni Django.

Opo, yung itlog po.

Sa tinatagal-tagal ng panahon, kanina ko lang napansin na iisa lang pala ang itlog ni Django!

Syet! Kako, abnormal ‘to a!

Pinagkumpara ko ang itlog ni Django sa itlog ng mga kapatid nya. Iba talaga. Kinapa ko pa nga eh. Iisa lang ang betlog nya. Hehe!

Siempre, nag alala ako.

Pag-uwi ng junanak kong si Kevin, nagsumbong ako. Kako tingnan nya ang betlogs ni Django, ang weird kasi iisa lang.

Tsinek niya.

Tinawanan lang ako ni Kevin pagkatapos.

Ano daw ang pinagsasabi ko, eh normal naman daw at dalawa ang itlog ni Django.

“Ganun?”  Yan lang ang nasabi ko.

Tsk! Tsk! Sori naman. Mali pala ako.

Hmmmn…bukod sa itlog ng manok, hindi na kasi ako sanay makakita ng iba pang klase ng mga itlog ngayon.

Pramis, halos limot ko na rin kung ano ang chura ng dalawang itlog na nakalawit – ng lalaki. Charot!

oOo

“Someday you will find someone, na ikaw lang, walang kahati, at masarap sa feeling yun, na hindi ka option.”

Adele at Lincoln

Si Adele ang bunso sa mga furkids ko.

Ganito si Adele NOON…

collage - adeleadele 

Ganito na siya NGAYON…

DSC_0602

Kababaeng tao aso, pero walang ka-poise poise kung matulog.

 

Eto naman ang panganay sa mga alaga ko. Si Lincoln.

Ganito si Lincoln NOON….

 lincoln

Eto na siya NGAYON.

Mas malaki pa siya sa madir niyang si Sang.

lincoln 

Bata pa ‘to, wala pang one year pero UBANIN na agad. Parang kunsumido sa buhay. Hahaha!

 

oOo

“The more I meet PEOPLE, the more I love my DOGS.”