Yung Eksenang…

DSC_0693

  • Yung eksenang tuwing umaalis ako ng bahay dinig hanggang kanto ang sabay-sabay na iyakan/alulong ng 6 kong alaga na akala mo naman eh namatayan ng amo. OA much! Nakakahiya tuloy minsan sa nebors dahil ang sakit sa tenga ang sabay-sabay na iyak nila.
  • Yung eksenang sa pagbalik ko, hindi ako agad nakakapasok sa sa bahay namin dahil sa may gate pa lang…nakaharang ang 6 na ‘to. Hindi ko basta-basta nabubuksan ang gate dahil mga wais din ‘tong mga alaga ko. Tumityempo at sumasalisi para makalabas lang. Pahirapan ang pagpapauwi sa kanila.
  • Yung eksenang lahat ng mga alaga ko ay eksayted sa pagbabalik ko na akala mo naman ay 48 years kaming hindi nagkita. Eh ilang minuto lang naman ako nawala. Lahat ay nagtatalon. Lahat ay masaya. Lahat sila ay nagkakagulo. Parang mga hibang at adik sa gulo! Puro kalmot tuloy ang inaabot ko at nawawala ang pagka-ploless ng skin ko. Tsarot!

Pero ang sarap ng pakiramdam na may mga nag-aabang sa pagbabalik ko. Exaj nga siguro ang reaction nila pero genuine naman ang tuwa na makita nila akong muli. 😀

 

 

oOo

“Pahalagahan mo yung mga nilalang na pinapahalagahan ka.”

Itlog Ni Django

image

Pinapaliguan ko kanina ang 6 kong mga alagang aso nang mapansin ko ang itlog ng isang aso ko – ang itlog ni Django.

Opo, yung itlog po.

Sa tinatagal-tagal ng panahon, kanina ko lang napansin na iisa lang pala ang itlog ni Django!

Syet! Kako, abnormal ‘to a!

Pinagkumpara ko ang itlog ni Django sa itlog ng mga kapatid nya. Iba talaga. Kinapa ko pa nga eh. Iisa lang ang betlog nya. Hehe!

Siempre, nag alala ako.

Pag-uwi ng junanak kong si Kevin, nagsumbong ako. Kako tingnan nya ang betlogs ni Django, ang weird kasi iisa lang.

Tsinek niya.

Tinawanan lang ako ni Kevin pagkatapos.

Ano daw ang pinagsasabi ko, eh normal naman daw at dalawa ang itlog ni Django.

“Ganun?”  Yan lang ang nasabi ko.

Tsk! Tsk! Sori naman. Mali pala ako.

Hmmmn…bukod sa itlog ng manok, hindi na kasi ako sanay makakita ng iba pang klase ng mga itlog ngayon.

Pramis, halos limot ko na rin kung ano ang chura ng dalawang itlog na nakalawit – ng lalaki. Charot!

oOo

“Someday you will find someone, na ikaw lang, walang kahati, at masarap sa feeling yun, na hindi ka option.”

Adele at Lincoln

Si Adele ang bunso sa mga furkids ko.

Ganito si Adele NOON…

collage - adeleadele 

Ganito na siya NGAYON…

DSC_0602

Kababaeng tao aso, pero walang ka-poise poise kung matulog.

 

Eto naman ang panganay sa mga alaga ko. Si Lincoln.

Ganito si Lincoln NOON….

 lincoln

Eto na siya NGAYON.

Mas malaki pa siya sa madir niyang si Sang.

lincoln 

Bata pa ‘to, wala pang one year pero UBANIN na agad. Parang kunsumido sa buhay. Hahaha!

 

oOo

“The more I meet PEOPLE, the more I love my DOGS.”

Palimos Ng Tsinelas

Kung dati rati ay may kanya-kanya kaming suot na tsinelas pambahay. Ngayon po ay natuto na kaming nakaPAA na lang lagi dito sa loob ng mensyon namin.

Eh kasi lahat ng tsinelas namin na goma ay PIGTAS na!

tsinelas1

Mga ilang beses na rin kaming bumili ng bago. Hindi ko na mabilang ang mga naitapon ko.

Siempre nag-ingat din naman kami sa mga tsinelas namin. Andun pa yung tinatago pa namin ang mga ‘to pag umaalis ng bahay at tuwing matutulog na kami, para iwas mapagtripan ng mga alaga namin na ngatngatin.

tsinelas4

Pero magkaroon ba naman kami ANIM, yes, ANIM po ang alagang aso namin na labas-masok at libreng maglakad, matulog, maghabulan at magharutan dito sa loob ng bahay, eh aasa pa ba kaming makakaligtas at magkaroon ng matinong tsinelas? A-S-A-N-E-S-S!

Susmio! Kahit ‘tong tsinelas pambahay kong hindi goma, hindi nakaligtas. Nawakwak rin!

tsinelas3

Kahit papano medyo matagal-tagal din bago nila todong nawakwak ang tsinelas na itey. Umabot din ng 6 months.

 tsenilas2

Nakakapagod na bumili. Sulender na ako sa totoo lang.

Nagbabalak na nga akong sulatan si Korina Sanchez o kaya ang RATED K para humingi ng libreng tsinelas na pinamimigay ng programa nila. Simot na ang budget ko para sa bagong mga tsinelas. Hehe!

Kaya seryoso po akong nananawagan sa mga makakabasa neto na may mga  lumang tsinelas na hindi na ginagamit….tumatanggap po ako ngayon ng donasyon o kaya mga hand-me-down na tsinelas. 😀

Ok lang kahit luma na, tutal ngangatnagtin din lang naman ng mga alaga ko. 😀

 

 

oOo

“Minsan ang LOVE parang SIOPAO, Bola bola lang.”

Hukay

Kanina, naghuhukay na naman ang mga furkids ko dito sa bakuran ng pinagkukutaan namin.

May duda ako…hmmmn.

Ano kaya ‘tong ginagawa nila? Tunnel kaya ‘to? O bunker  kaya?

image

image

imageMalakas ang kutob kong naghuhukay sila para makagawa ng secret tunnel hanggang palabas ng gate namin.

At isa-isa silang pupuga!

Syet!  May balak silang linlangin ako!

Hehe! Kung anu-ano naiisip ko. Napaghahalatang kulang ako ng ligo sa ngayon a!

 

Posted from WordPress for Android

 

oOo

“Hindi lahat ng kwento, totoo. Hindi rin lahat ng totoo, dapat ikwento.”

Hukay-Hukay Kasi Maraming Time

Kung nakikita nyo lang sana ang gilid ng bahay namin…susme, mahihiya ang mga lubak-lubak na madalas mong nakikita sa mga kalsada natin.

Parang sungka na nga yung daanan sa labas at gilid ng mansyon namin sa daming hukay ng mga alaga ko.

Pati mga tanim ko…wasak! Sirang-sira. Hays, nakaka-gee-ar-ar- ar-ar talaga!

Etong umaga lang, si Will ang nakita kong petiks na pinagkasya ang wankata nya sa hukay na ginawa nya.

image
Sinutsutan ko para umalis. Pero, sows! Tinitigan lang ako.

Sume-selfie ang mokong.

image
Nagsawa na ako sa kasasaway sa kanila kasi parang naghahalinhinan lang ang mga lekat sa paghuhukay.

Kaya hinahayaan ko na lang sila kasi bilang aso ay kasiyahan na nila yun. Natural na sa kanila ang ganun.

image

Well, kung saan sila masaya, dun na ako… dahil mahal ko silang lahat. Charot!

Ayoko naman maging KJ.

 

Posted from WordPress for Android

oOo

“Never take someone’s love for granted, because someday you’ll realize you lost a diamond while you were busy collecting stones.”

Super Inday

Ang taray! Wala pang 9am pero tapos na ako sa routinary kasambahay chores ko.

Cook breakfast para sa mga amo ko. –  CHECK!

Linis at mop ng sahig sa living area at kusina. – CHECK!

Ligpit ng mga kalat sa kwarto. – CHECK!

bedroom

Konting linis sa banyo. –  CHECK!
bathroom
Ako na talaga!

Ako na si Super Woman Inday! Char!

Pwede na kumuyakoy si Super Inday! 😀

Bonggels!

oOo

“My idea of superwoman is someone who scrubs her own floors.”  ~Bette Midler