Archive for PEOPLE and POLITICS

Wa Pakels!

Hindi ko kaya ‘to. Nauuyam talaga ako sa balitang-ligawan ni Noynoy at Grace Lee. Please lang ha! Lubayan na sana ng media ang pagbabalita ng tungkol sa kanila.

Ang daming balitang KADIRI, wag na sana nilang dagdagan pa ng isa. Tama na yung MINSAN ay naisama sila sa primetime news. Wag na po sundan. Plissssss!

Mas gugustuhin ko pang isama ulit sa news ang return of the comeback ni Mommy Dionisia Pacquiao kesa Noynoy + GraceLee na ligawan. Wala dalang kilig factor ang dalawa at lalong wa akong pakels sa nararamdamang kati nila  sa isa’t isa!

Eto naman si koreana, parang enjoy na enjoy at kilig na kilig ang pechay sa pansamantalang kasikatan nya. Sows!

Simple lang. I don’t like Grace Lee. At hindi kami close! Haha!

 

oOo

“Okay lang na magmahal ka, huwag ka lang umasa.”

KC in Rogue

Huwaw! Ang tarush ng wetpaks dito ni ineng KC Concepcion. Fierce na kung fierce! Sa kanya ba lahat itey? Hehe! Nang-intriga pa eh. Kasi baka dinagdagan eh. Maybe it’s just me, pero parang may “exaggeration”! :P

Heniweys, looks-family sa akin ang ulo na bitbit nya. Wawa naman si Papa P. Lol!

 

oOo

"Paano ko pagsisisihan ang isang bagay, na nagturo sa akin na makilala ang sarili ko" – Sharon Cuneta, MINSAN MINAHAL KITA (2000)

Coronavela

Hindi ko nasubaybayan at napanood ang mala-circus na kaguluhan sa korte ng Impeachment Trial ni Erap noong 2001. Eh kasi office gurl pa ang alindog noon ni Mamaru.

Ngayon sa ongoing CJ Corona Impeachment Trial, ay naku! Dahil full time mom na ako, taong-bahay, naka-front seat lagi ambeautyko sa harap ng telly namin for 3 days na with matching netbook sa tabi para magbasa din ng mga Tweets sa internet.

Hindi na ko magdadaldal ng mga detalye ng pangyayari mula first, second and third day ng trial para makaiwas-umay. Kasi halos kahit saan ka magpunta, mapa-diyaryo man, radio, forums, blogs at mga social networking, usap-usapan sa ngayon ang mga pangyayari sa trial. Sure ako marami na rin kayo narinig at nabasa. Aminin natin, minsan parang nakakaumay, di ba?

Ah basta! Ang masasabi ko lang, super-aliw ako sa kapapanood ng proceedings. Ayoko masyadong maging kritikal sa mga ginagawa ng lawyers ng defense at prosecution dahil isang single mom lang naman aketch na nagmi-MIRON at hindi abogado. Wa ko knows naman ang TAMA at MALI sa impeachment cheverloo.

Pero imperness, ang dami ko rin natutunan kahit papano. Ang sarap mag observe. Kahit minsan eh parang dumudugo rin ang utak ko kung paano iintindihin ang mga sinasabi ng mga character dun sa korte. Hehe! Napapa-Google tuloy ako sa mga terms na ginagamit nila.

Nakaka-amaze ang wit and brilliance ni Manong Johnny Enrile sa mga rulings nya. Si Justice Serafin Cuevas naman, at his age na 83…napapanganga ako sa sharpness nya. Josko! Parang ang sarap maging senior citizen kung magiging ganyan rin katalas ang utak ko sa pagtanders ko.

Ang Defense Team lead by Justice Serafin Cuevas, kumbaga sa basketball ay para silang Dream Team sa husay. Hindi ko naman sinasabing hindi mahuhusay ang nasa Prosecution kasi hindi naman din basta galing lang sa Iskul Bukol ang mga nasa team. Pero kumbaga sa football naman, it’s LA GALAXY vs PHIL AZKALS ang dating. Parang “nilalaro-laro” lang ng LA Galaxy (Defense) ang team Azkals (Prosecution). :D

Maraming bloopers o katatawanan na nangyayari sa impeachment trial na ‘to. Napapalingon with matching gulat tuloy ang aso ko. Nagtataka si Sang dahil bigla akong napapahalakhak mag-isa habang nanonood. Hehe!

Heniweys, inaabangan ko ang paggaling at pagbabalik ni idol Miriam Santiago. Am sure mas bonggels ang arangkada pag andun si boombastic at ballistic Miriam Santiago! Ay! Ang saya tiyak!

Sumubaybay at manood po tayo sa impeachment trial na ‘to, mga kababayan ko. Tingnan natin kung magiging MALINIS ba at magiging PATAS ba ang magiging hatol kay CJ Corona sa kadulo-duluhan.

Para sa atin din mga Pilipino ‘to. Kaya, tara! Mega-watch tayo ng Coronavela tuwing 2pm. :D

 

oOo

“Impeachment is not a remedy for private wrongs; it’s a method of removing someone whose continued presence in office would cause grave danger to the nation.”Charles Ruff

It’s More Fun In The Philippines. So True.

409415_10150507776337290_501807289_8711237_396446806_n

Bilang PINAY, obligasyon ko ang suportahan ang gobyerno sa anumang project na pino-promote nila lalo na kung para sa ika-gaGANDA at ika-uUNLAD para kay Inang-Bayan. Naks!

Gusto kong makatulong sa paraan na alam ko. Magiging walang kwenta ang blogsite ko na ‘to kung hindi bibigyan ng MARUISM ng space at bandwidth ang Department of Tourism para sa latest campaign nila.

 LOGO-FALOGO-FA 

Wa ako pakels kung maganda o kinopya man ang tourism slogan ng DOT. Kung jologs man o sushal. Kebs ko sa mga may ayaw. Ang sabi kasi ng iba, di nila feel ang “It’s More Fun In The Philippines” na slogan. Josko! Ang hirap nyo naman i-please. Ang choosy nyo! Eh kesyo parang nang i-engganyo lang daw ang slogan ng sex trade sa bansa. Blah! Blah! Blah!

Ganun? Pucha naman! Natural hindi rin maiiwasan yan. Haleer! Aminin na natin, bukod sa magaganda ang mga Pinay, eh masasarap pa! :D Kasalanan ba natin yun? Ang maging yummy? Aktwali hindi lang ang mga Pinay, pati ang mga beki natin, ang gaganda din ha! Kaya nga ang saya-saya! Haha!

Hays, mamamatay silang mga NEGA! Bakit ba kasi kinu-complicate pa nila ang buhay at ang mga bagay-bagay na ginagawa ng gobyerno. Tumulong na lang kasi!

Ang da truth is, ang mga tao, ang mga Pinoy, at hindi ang mga lugar ang pangunahing atraksyon ng Pilipinas.

Heniweys, sa ganitong paraan ko lang maipapakita ang suporta ko. Ang ire-post ‘to.

(Opps! Nga pala, nenok ko lang ang pictures na ‘to. Eto ang SOURCE ko. Hangarin din ng owner ang makatulong sa kampanya ng DOT sa pamamagitan ng pagsi-share.)

 

Ati-Atihan Festival

Ati-Atihan Festival, Kalibo, Aklan

 

Callao Cave, Cagayan Valley

Callao Cave, Cagayan Valley

 

374682_10150505943327290_501807289_8705069_1958305113_n

 

379533_10150506283847290_501807289_8706169_579922288_n

Pahiyas Festival, Lucban, Quezon Province

 

Pahiyas Festival

Pahiyas Festival, Lucban, Quezon Province

 

Batanes Province

Batanes Province

 

Siargao Island, Surigao del Norte, Philippines

Siargao Island, Surigao del Norte

 

Whale Shark Tours, Donsol, Sorsogon

Whale Shark Tours, Donsol, Sorsogon

 

400261_10150507845762290_501807289_8711453_322583334_n

 

mountain climbing

 

Whitewater rafting, CDO, Philippines

Whitewater Rafting, Cagayan de Oro City

 

 The Big Lagoon, El Nido, Palawan 

 The Big Lagoon, El Nido, Palawan

 

Share nyo ‘to, mga kapatid. Ikampanya natin. :P

 

oOo

“"FUN" is a fusion of place and people. A place is not fun if there is no fun people in it.”

oOo

"Men love their country not because it is great but because it is their own."

Pass!

Ayoko panoorin ang Ramgen Revilla and Janelle Manahan Sex Video. Pass muna ako.

Kasi bukod sa wala akong kopya ng vids o mapuntahan na link eh, respeto na rin siempre dun sa namatay na si Ramgen. Kalurkey! Kung sino man ang sila na nag upload ng video ng magkasintahan sa You Tube…mukang hindi dugo kundi apdo na yata ang nananalaytay sa ugat nila para gawin yun sa namatay. Ang BAD nila ha!

Hays, basta ang dinig ko…pangit at madumi din daw yung CR na pinangyarihan ng chukchakan. Lol!

 

 

 

oOo

"Walang taong gustong masaktan. Pero wala ka matutunan kung hindi ka masasaktan."

Teleserye Ng Totoong Buhay

Ops! Hindi po ang Pinoy Big Brother Unlimited ang tinutukoy ko. Sa totoo lang. PANIS na para sa akin ang current season ng PBB. Ni hindi ko makuhang tapusin panoorin ang buong palabas ng PBB sa isang gabi. Ang mga housemates kasi ngayon, ewan ko ba, kelangan tabihan ng atchara kasi parang mga nakakaumay ang mga fez. Napaka-WALEY ng dating sa akin.

Heniweys, trulili na magulo pa sa bolbol ang awayan ng mag-anak at sa misteryosong pagpatay kay Ramgen Revilla, eto ang sinusubaybayan ko ngayon!

Pucha! Okinams talaga! Kinakabog ang kwento ng mga teleserye ng Primetime Bida ng ABS CBN! Napaka-interesante ng kaso na ‘to! Mga pangyayari na kasi sa tunay na buhay itetch. Kahit walang sandamakmak na kamera na parang sa PBB ang nakatutok sa mga sangkot. Pero todo na ‘to! Patayan sa magka-pamilya ang plot!

Sa mga napanood ko, kalurkey ang pagiging mananahi ni Ramona Revilla. Kung ano-anong wento ang pinagtahi-tahi nya bago sumibat papuntang Turkey.

Akala ko noon, pumunta lang siya ng HongKong para bumili ng suklay para sa buhok nya at babalik din ng Pinas. (Kalokah kasi ang buhaghag na tsura ng buhok nya  dun sa presinto. Lol!) Yun pala eh baboosh na pala talaga. Haha!

Bago lumayas, may video message pang iniwan na para syang nasa confession room ni Big Brother. Buti na lang hindi nag artista ‘tong si Ramona. Waley kasi ang facial expression nya dun sa video. Sa delivery naman at pag memorize dun sa lines nya parang scripted eh nagkawala-wala pa sya sa sasabihin. At yung akting niya? Nyek! Flop!

Nakakagulat at parang nakakapanindig balahibo kung paniniwalaan agad natin na ang magkapatid na RJ at Ramona Revilla ang magka-kuntsaba sa pagpatay sa sarili nilang kapatid. Parang nakakaduwal isipin na nakayanan nilang gawin ang ganun sa sarili nilang kapatid.

Pero as of this date…dahil sa walang-kupas na GALING ng mga pulis-Paranaque, eh sa awa ni Lord, wala pa rin naman napapatunayan ang mga imbestigasyon.

Hindi ko sinasabing guilty si Ramona. Puro mga chuva-chuchu eklavo pa lang ang mga lumalabas na mga istorya. Sabi ni ganito diumano, sabi ni ganun diumano…mga ganun pa lang ang mga lumalabas sa balita.

Ewan ko lang ha, pero hindi ako naniniwala na ang magkapatid ang mastermind. Posibleng may frame-up din, di ba? Ewan ko ba, IBA ang kutob ko dito. Malalim ang awayan na itetch! May malaking tao sa likod nito. Howel, wag nyo na lang pansinin ang sinabi kong ‘to. Kutob ko lang naman ‘to at mas madalas, MALI ang kutob ko. Haha! Lech! Ang gulo ko!

Ang awayan at samaan ng loob ni Bong Revilla at ng nanay ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay…dito tayo dapat tumutok at mas pag-isipan. Ang away ni Bong Revilla at Genelyn Magsaysay, eto ang dapat na busisiin ng malaliman sa imbestigasyon.

Sabi ko nga…malalim ang dahilan neto. Sa tingin ko ay hindi lang basta-basta na dahil lang sa pera ang pinag uugatan ang pagpatay kay Ramgen. Hindi lang dapat sa magkapatid na RJ at Ramona Revilla at nanay nila ang pagsuspetsahan. Tingin ko, may pinagtatakpan pero sigurado marami pang ka-shitan ang lalabas na wento sa mga susunod na araw.

Kaya, tara! Ihanda ang popcorn at ilabas ang isang litrong iced tea. Sabay-sabay tayo mag-abangeeers sa bagong teleserye ng bayan!

oOo

“Kung magbubulag-bulagan ka lamang naman pala sa mga bagay na nakikita mo, bakit hindi ka na lang naging bulag?”

Batangas Hollywood Sign

‘Hooray for Hollywood’ on Taal Volcano Island

HOLLYWOOD, HOLY COW! This is how Taal Volcano would look from the Tagaytay ridge once a giant “Batangas” sign is put up on the island as approved by the Hollywood-inspired Batangas provincial government. The idea was conceived by movie star-Gov. Vilma Santos-Recto. PHOTO FROM THE OFFICE OF THE VICE GOVERNOR OF BATANGAS.

Read more: http://newsinfo.inquirer.net/79089/hooray-for-hollywood-on-taal-volcano-island

 

Hindi ko kinaya ang mga reaksyon ng madlang pipol sa idea na ‘to ni Ate Vi! Lafftrip ang mga reaksyon na idinaan sa photoshop. Eh kasi naman, bakit ba hindi na lang mag isip ng mga ideya na MAS mapapakinabangan ng taong bayan. Hays…

1

5

3

2

4

10

8       7  9  6

 

 

oOo

“Walang matibay na RELASYON sa taong TIKIM lang ang intensiyon.”

 

10 Suicide Tips (a repost)

.

PASS muna ako sa panonood ng balita sa TV at pakikinig ng radio ngayon. Very depressing kasi ang mga nasa headline. Puro patayan at masaker! Litsi!

Hindi ko na yata makakayanan pa ang paulit-ulit na makita sa TV ang tungkol dun sa 19 na sundalong namatay sa Basilan. Nakakapanghinayang ang mga sundalo natin.

Tapos may mga kabi-kabilang masaker pa. Pinatay na asawa, binaril na mister, binaril na nanay, tinaga na kapitbahay, sinagasaan na bata, nagpakamatay na achuchuchu at kung anu-ano pang kahindik-hindik na ek-ek! Weeee!

Dumagdag pa si Gadhafi na napatay na kahapon. Yung duguang mukha at ang mistulang kinatay ng matadero na tsura pa man din nya ang nakabalandra sa mga News websites ol ober da world. Disturbing as in!

At eto pa ha, may walang patumanggang lalaki NA NAMAN ang tumalon mula sa 3rd floor ng isang mall sa Cavite kahapon.(http://newsinfo.inquirer.net/79849/man-leaps-to-death-in-robinsons-imus). PATAY!

Ano vaaaaaah!  Bakit ang daming nagmamadaling mamatay! Para ba IN sa USO? May hinahabol na deadline ba? Para ba tiempo ang paggugunita sa darating na All Saints/Souls Day?

Pero pansin nyo ba na karamihan ay LALAKI ang mga nagpapakamatay? Kokonti na nga lang ang tunay na mga lalaki…nagpapakamatay pa. Hmmmn…vaket kaya?

Heniweys, tumataas na naman ang numero ng mga SUICIDE incidents. Kaya gusto kong i-REPOST ang entry ko noon na 10 Suicide Tips dated July 11, 2007.

Eto ay munting paalala lang ULI para sa mga nagbabalak mag- SUYSAYD diyan!

 

Ang 10 suicide tips na ‘to ay galing sa libro ni Mr. Bob Ong (Ang Paboritong Libro Ni Hudas). Mungkahi nya to para sa ligtas, maginhawa at di malilimutang pamamaalam sa mundo. Eto na.

1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.

111.jpg

3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.

Eto ang sample form:

Click here for larger image

4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful…tulad ng mga kanta ng Sexbomb.

5. Isulat nang maayos ang suicide note. Gumamit ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.


6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.

funeral-bowtienew300.jpg

7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.

coffin1.gif

8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang puntod ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.

1998-01-302.gif

9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya’y sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.

funeralad.jpg

10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter’s ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.

Happy Suicide! :)

oOo

“Matuto tayong magpatawad sa mga KAAWAY, yakapin natin sila ng mahigpit hanggang sila ay MAMATAY.”

Isyu Noon, Isyu Pa Rin Ngayon

aquino-marcos-1-298x224

Aquino: No state honors for Marcos

President Benigno Aquino (left) says there will be no state funeral or any kind of state honors for the late Ferdinand Marcos whose remains lie in an airconditioned glass case in Batac, Ilocos Norte. PHOTOS BY EDWIN BACASMAS, INQUIRER AND AP

Read more: http://newsinfo.inquirer.net/74981/aquino-no-state-honors-for-marcos-2

 

Hindi ko masisisi ang pamilyang Marcos kung dismayado to the max ang angkan nila sa sinabi na ‘to ni PNoy.

Aba, halimbawa, kung ikaw ba naman ang paasahin ng paasahain ng nililigawan mong girl tapos sa kadulu-duluhan eh BASTED ka lang naman pala. Pustahan tayo, makakapag-mura ka siguro! Hehe!

Hindi ako maka-Marcos kahit na Martial Law baby ako at kahit aminado na pro-Marcos ang mga late parents ko. Parehong mga school teacher si Fadir at si Madir at hindi sikreto na alaga ni Marcos ang mga titser noon kaya no wonder mga pro-Marcos ang mga olds ko. Bukod pa yun sa fan talaga si Fadir sa katalinuhan ni Macoy. Kasi sabi ni Daddy ko (Daddy daw o!) si Macoy lang daw ang presidente na ni minsan ay hindi nya nakitaang may binabasa pag nag i-speech. At trulili yun.

More than 20 years ng dedo si Marcos. Josko, at hindi pa rin naililibing ng maayos si Apo ng Ilocos.

Eto, ang opinyon ko lang sa isyu na to ha?

Kung payag naman ang mga kamag-anak ni Macoy na sa Ilocos na lang ilibing si Apo nila, bakit hindi na lang sila pagbigyan dun sa rekwest na bigyan ng full military honors o state honors yung patay? Eh kasi para matapos na! Para SHATAP na lahat. At mag MOVE ON na tayo…plis.

Mas kalurkey isipin na binigyan pa ng full military honors at mas pinayagan pang ilibing sa mga Libingan ng mga Bayani yung isang duwag na Heneral na nag-suysayd kamakailan lang, na alam naman natin na nakipag-sabwatan din yun sa kawalanghiyaan doon sa dating babaeng presidente natin. Kabayanihan bang matatawag yun? Ganun?

Oo, andun na ako…maraming naapi at naagrabyado si Apo nung rehimen nya. Pero siguro naman…hindi naman lahat ay puro kasamaan ang nangyari. Eh bakit ba yung kasamaan lang ang tinatandaan at hindi ang mga kabutihan na nagawa nya noon.

Masama man o may mabuti man sya nagawa, nag iwan pa rin si Apo sa atin ng isang hindi natin makakalimutan – yun ay ang Lechon LEKSYON. Hindi ba dapat kahit papano ay i-recognize din natin sya dun sa mga LEKSYON na natutunan natin sa pamumuno nya? Kung tutuusin nga, kahit papano ay  nakilala at hinangaan tayo ng ibang bansa nang dahil sa pag-aalburuto natin sa kanya noon. EDSA Revolution, hello!

Oo, siguro nga naging masama si Apo. At hindi dapat gino-glorify ang kasamaan. Pero sus mariano garapon! Tapos na yun! Magpatawad na po tayo. Alang-alang man lang sa kapayapaan di ba? Tsaka, akala ko ba kristiyano ang bansang Pilipinas? Hindi ba ang tunay na kristiyano ay mapagpatawad? At ano ba sabi ni Papa Lord sa pagpapatawad?

Matthew 18:21-22
    Then Peter came to Jesus and asked, "Lord, how many times shall I forgive my brother when he sins against me? Up to seven times?" Jesus answered, "I tell you, not seven times, but seventy-seven times. (NIV)

O ha! May Bible verse pa akong nalalaman noh. Malandi, maharot at marupok akong babae, pero kahit papano may naiintindihan ako ng tungkol sa God’s word. Charot! Nagbabasa din po ako ng Bibliya noon pero wit ko naman kini-claim na banal aketch.

Mabalik tayo sa pagpapatawad.

Bakit ba ang hirap natin makapagpatawad? Sabi nga ni Lord, obligasyon natin ang magpatawad. Sundin natin. Humingi man o hindi ng kapatawaran yung nagkasala…dapat otomatik na nagpapatawad tayo hindi lang one time, two times, three times but ALL the time.

Eh paano na yung mga atraso sa atin ng mga nagkasala? Kakalimutan na lang? Hindi ba natin sila pagbabayarin? Eh di ba sabi ni Lord, “Basta magpatawad ka. Pumirmis ka lang diyan at ako na ang bahala”. Chos.

Seryoso, para sa akin…sana pagbigyan na lang yung rekwest ng mga Marcos at magkapatawaran na. Kakaumay na kasi isyu na ‘to sa totoo lang. But since nagbigay na ng final stand nya si PNoy…asahan na lang natin na sa susunod na administrasyon after PNoy…susulpot na naman ang isyu na ‘to. Kaya bomalabs pa talaga ang katahimikan natin sa isyu na ‘to.

Hays…kelan ba tayo mag mo-move on? Kelan ba natin isara ang mga dapat isara na nang maka-abante na tayo?

 

oOo

“We forgive out of obedience to the Lord. It is a choice, a decision we make. However, as we do this "forgiving," we discover the command is in place for our own good, and we receive the reward of our forgiveness—freedom.”

Vice Ganda Twitter Q & A

Bago pa man sumikat ng todo si Vice Ganda, peborit na namin ng mga kapatid at pamangkin ko ang panoorin siya sa Punchline comedy bar sa Quezon City. Walang mintis, sakit sa panga lagi ang napapala ko sa sobrang kakatawa pag si Vice na ang nakatoka para magperform. Halos kita na tonsil ko pag humagalpak ng tawa sa batuhan nila ng banat o hirit kasama ang iba pang mga stand up comedian dun.

Kung konserbatibo ka, mahina ang puso at hindi sanay ang tenga mo sa mga green jokes at walang patumanggang murahan nila sa isa’t isa dun sa stage – pwes, hindi ka pwede dun. Mas lalong baka hindi mo kayanin pag natsambahan kang pagtripan para okrayin nila kahit audience ka lang. Kawawa ka talaga pag nalait ka. Haha! :D  

Heniweys, pagdating talaga sa barahan, okrayan at kung anu-anong echosan, wala na yata tatalo kay Vice. Napaka-witty na bakla! Ambilis mag-isip! Ganyan daw pag mabilis mag-isip – matalino daw.

Bago na-hack ang Twitter, Facebook at email account ni Vice Ganda kahapon, buti na lang nadikwat ko ang ilan sa mga Q & A kulitan at barahan nya with his Twitter followers. Share ko sa inyo ‘to kasi yung ibang mga sagot ni Vice sa mga tanong sa kanya eh bentang-benta talaga sa akin.

Basa!

  • “baket hurado ang tawag sa inyo sa Showtime?” - anu ba dapat, sundalo?
  • “kamukha mo ba nanay mo?" - yung kumare nya.
  • “vice baket akala mo maganda ka?" – dahil alam kong panget ka.
  • “baket nanay po tawag sau ni ryan?" - dahil ako ang kanyang ama.
  • “bakit di mo try magpakalalaki ulit?" – bat di mo try wag mangialam?
  • “Pano ako magkaka-koreanong boyfriend katulad ni Ryan Bang??!" - punta kang japan
  • “bakit pantalon ang tagalog ng jeans?" - sinu naman ang nagsabi sayo?!
  • “Anong gagawin mo kapag LUMOBO yung SIPON mo sa harapan ng CRUSH mo??" - paliparin m0 sa ere
  • “sabi ng nanay ko maganda ako e bakit loveless pa rin ako…cnungaling ba ang nanay ko…?" – uto uto ka lang
  • “ANO PO BA MAGANDANG DAHILAN KUNG BAKIT DI NAKAPASOK SA TRABAHO?" - namatay ka
  • “vice kung babae ka cnu papakasalan mu sa showbiz…?" – pepe smith
  • “ano ba dapat gawin ko para mapansin ako ni bieber? adVICE please?" – kidnapin m0 nanay nya
  • “have you ever encounter na malasing ka then my girl na binalak kang halayin or pagnasaan???" – oo bago ko nakulong
  • “Ano ba tama Longanisa O Langonisa??"- nakarinig ka na ba ng LANGsilog?
  • “Nagkaroon knaba ng GF??"- bastos! Malaswa! Malaswa! Malaswa! (Sa tono ni aling dionisia)
  • “mahirap ba maging sikat?"- kwento ko sayo pag sumikat na ko." – SIKAT KA NA KAYA."- chismis lng yan
  • “Bakit Gising Ka Pa?"-anung proof m0?
  • “anong pagkain ang di mo kinakain?" - yung panis
  • “bakit po may fire exit, eh wala namang fire entrance?"- papagawa ako sa tapat ng bahay nyo.
  • “ano sinusuot mo brief or panty?" – paper bag
  • “bkit di mo try tumakbo? :) malay mo, panalo.. peace"- bat di m0 try manalo malay m0 mapatakbo ka.
  • “ano favorite brand mo for clothes? So fahionista mo kasi!" - oshkosh bgosh
  • “may balak kang mag anak?" – sa binyag
  • “cno pipiliin mo si vhong o si john avila" - si vhong avila
  • “anong gamit mong pabango??" - ambi pur
  • “anong buhok ang pumuputok?"- anung joke ang luma?
  • “Kung mawala ang Showtime, ano balak mong gawin?" - eh di magpa-blotter.
  • “why did the chicken cross the road?" - ask the MMDA
  • “kalbo ka ba vice at nakaextension? haha"- kung kalbo ba may kakapitan ang extensions?
  • “sana sayo mag mana baby ko, cute mo kc teh." – ako ba nakabuntis sayo?
  • “anong gamit na toothpaste ng mga kabayo? Hahaha" - tanong m0 sa hinete sila bumibili e.
  • “hi vice! Pag tulog ka ba nakapikit ka din? Hahaha!" - naka-split
  • “vice ikaw b talaga ito?"- hindi hindi! Sila talaga to!
  • “anong gamit mong bath soap? haha."- likas papaya with chinese bagoong
  • “ano ba real score sa inyo ni jon_avila??? Curious lng :) )" - 1 all
  • “Sana kunin kang model ng red horse!"- sana kunin ka na ni Lord! Chozzz!?
  • “kanino ka takot makipagbarahan :) ))" - sa tubero
  • “kumain ka ba ng arabic food nung nandito ka sa doha?"- yes! Favorite ko yung tinola!
  • “éxtension lng Pu b ung bangs Nyu?"- hindi. Kathang isip lang.?
  • “Vice bakit gising ka pa?" - tulog nako wag ka maingay.
  • “tulog ka na, maaga pa karera mo mamaya :p"- cancelled walang tumaya.
  • “Hi vice u always look pretty on showtime.."- naku sira lang tv nyo. Haha! Thanks!?
  • "their" dads? you mean there’s a lot of them?"- just a few. Hahaha!
  • “vice , suplada ka po ba sa personal ? -  bakit , may suplada ba sa picture ?

 

oOo

vice ganda