Puro D.I.Y.

Dalawang tulog na lang at partee-partee na ng apo ko sa pamangkin na soon to be terrible 2 na.

lorkhan(DIY Birthday Artwork courtesy of Keziah)

Da more na nagiging aligaga si Tita Lola (ako yun!) sa paggawa ng mga nakatoka sa kanya gaya ng mga cupcake toppers, buntings at stickers para sa. . .

2014-03-05 10.54.36

DIY superman capes ng mga bagets na imbitado…

2014-03-06 16.48.03

DIY Superhero Masks. . .

2014-03-06 11.14.13

DIY cityscape backdrop para sa DIY photo booth namin…

2014-03-05 14.07.26

DIY photo booth props…

2014-03-06 11.12.28

DIY party favors…

2014-03-06 11.09.16

Some superhero themed goodies like cookies and cream polvorons…

2014-03-06 12.49.02

Red, yellow and blue ribboned cake pops na ginawa ko kanina…

Camera Uploads

More sweets para sa DIY candy station….

2014-03-06 11.18.07

 Jelly candies…at iba pang goodies na gagawin ko bukas.

2014-03-06 11.17.02

Nakakapagod ang gawin ang mga detalye ng isang kiddie party pero nai-excite ako at nag i-enjoy sa totoo lang. 😀

Puro DIYs lang ang mga ginawa ko kasi mas malaki ang natitipid na datung sa ganitong paraan. Kung gustong maka-save talaga sa ibang gastusin sa partee-partee ng isang bagets, aba eh huwag maging tamad na maging creative.

oOo

“Don’t be afraid of losing someone who doesn’t feel blessed to have you.”

Hapi Bertdey, Kolgerl!

Bertdey ngayon ng pamangkin kong pers taym na nagbanat ng buto sa pamamagitan ng pamamasukan bilang call center agent sa Makati.

Kaya naman…hindi ako magtataka kung nagmumura ang mga eyebags nya sa ngayon kahit dito sa piktyur nya na nadikwat ko. Pero pansamantala lang naman ang pagiging kolgerl nya at itutuloy din nya sa darating na June ang pag-aaral sa kurso nyang Medisina.

Tweet, HAPI BERTDEY! Miss na miss ka na namin dito sa Iligan.

P.S.

Kung nagbabasa ka ng blogtsina ko.nakikibati na rin si Kups, hapi bertdey daw. 

Kerubin

May newest addition kami sa Maharlikang angkan namin! Hallelujah!

At ang astig ng KERUBIN na itetch sa napiling araw para mag grand entrance dito sa planet Earth – Valentines Day pa! At kulang na lang na lumabas sya dun sa delivery room na may suot na costume…na may pakpak sa likod with matching bitbit na bow and arrow. 😀

The first born child of my nephew Ghandi has just arrived.

Bale apo ko na to (sa pamangkin). If Im not mistaken, pang sampung apo ko na to. Ay naku! I dont mind being a lola at all. Pasalamat pa nga ako dahil buhay pa ako ngayon at binibigyan pa ng chance para makita ang mga bagong generation ng angkan namin.

Naikwento at ipinakita ko tong mga pics kay Kups kaninang umaga. Aba! At nainggit ba naman ang lolo nyo!

K U P S (2/15/2010 9:24:07 AM): 😀 nu sa tingin mo mahal? pede tyo gumawa nyan?
M A R U (2/15/2010 9:24:12 AM): bukas na
K U P S (2/15/2010 9:24:16 AM): 😛
M A R U (2/15/2010 9:24:20 AM): mapupuyat ka ngayon eh
K U P S (2/15/2010 9:24:27 AM): baliw
M A R U (2/15/2010 9:24:40 AM): pag hindi umulan bukas…gawa tau nyan. 😀

Payag naman ako na magka-bebe ulit pero sa isang kundisyon na pag gumawa kami ng ganyan ni Kups.gusto ko dun namin gagawin sa abroad para pag lumabas ang bebe namin eh – BLONDE!!

 

oOoOoOo

I Hate You, Ondoy!

Kasagsagan na ng bagyong Ondoy noong sabado, nag text na ang brother kong si Evan na hindi nya kami masusundo ng sister ko sa airport na luluwas ng Manila ng Sunday. He instructed us na magpasundo na lang muna kami kay Anthony (a family friend) at sa Mandaluyong na rin muna tumuloy eh kasi nga binabaha sila.

To cut the story shorter, isa ang kapatid ko at pamilya nya sa naging biktima ni Ondoy.

Ayoko na mag detalye pa kung anong klaseng panggagahasa ang ginawa ni Ondoy sa NCR dahil siguro ay panis na ang version ng wento ko. Marami na ang nauna sa akin na nag-blog tungkol sa katatapos lang na kalamidad. Ang masasabi ko lang ay, grabe talaga! Susme, wala man lang karoma-romansa ang ginawang panghahalay ng hindot na si Ondoy at basta na lang na iniwang luray-luray ang itsura ng mga biktima nya. Kakadurog ng puso, mga ateng!

Sa text sa amin ng bro ko noong sabado.lubog na ang car nila, lumutang na ref nila at washing machine. Buti na lang at may second floor ang bahay nila kaya naman kahit papano eh naligtas sila.

From 1pm to 5:30 noong Sunday ay nakapwesto na kami ng sister ko sa may Rosario dahil alalang-alala na rin kami sa pamilya ni Evan. Ang tagal ng paghihintay namin kaya habang nag-aabang kami sa kapatid namin na lalangoy na lang palabas ng subdivision nilaay kumuha na rin ako ng mga kodak ko sa mga pangyayari.

DSCF4503

Mula Edsa-Ortigas hanggang One Oasis lang ang walang baha sa daanan kung pupunta kami sa bahay ni Evan sa Cainta.

DSCF4484

Stranded kami dahil eto ang tanawin sa pupuntahan namin.

DSCF4483

Hindi pinapayagan ang mga tao na lumusong pa sa baha. Mga rescuers lang.

DSCF4484

The Exodus of the Survivors

DSCF4494

More kodaks.

DSCF4485

Maraming laman na film ang camera ko nun kaya panay kuha ko. Lols.

DSCF4499

O ha!

DSCF4490

At nasan naman daw ako noon?

Dito pansamantalang naka pwesto si Mamaru. Sa ibabaw ng hood ng naka-park na 6×6 ng sundalo.

IMG_4913

Eto ang mga nasa tabi namin.

DSCF4496

Usyosero.

DSCF4488

Mga tatanga-tangang pulis na nakatungtong sa inutil nilang tangke.

DSCF4479

Pero hindi ko naman nilalahat. Meron din mga nagsi-kilos.

Pero pramis, mas marami sa kanila pulis ang nakatanga lang.

DSCF4493

Dumalaw din ang isa sa mga least favorite kong personalidad sa kasalukuyan.

IMG_4925

Parang naki-usyoso lang din naman sya dun.LOL!

Gabi na ng makabalik kami sa tinutuluyan namin sa Mandaluyong. Plakda ako sa pagod. Para na rin akong ginahasa noon ni Ondoy. Kinabukasan ng Lunes, nagka stiffed neck ako at sumasakit ulo ko at buong katawan.

Nars

Congratulations to my nephew, Francis for passing the recent Nursing Licensure Exam. Yey! May nurse na kami kaya pwede na akong magkasakit at may mag aalaga na sa akin. Joke! (Sabay knock on wood)

 

francis

 franxis2 Oist! palangga, pa-tsisborger ka naman! Miss u na!

 franxis

Quote of the Day:
If love can’t cure it, nurses can.  ~Author Unknown

Ka-berks Ko

Ubo, sipon at sunburn – yan ang pinagdudusahan ko ngayon. Sa gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil kahol ako ng kahol. Sa araw naman may tulo ako. I mean, tumutulo ang sipon ko. Hindi na talaga nakayanan ng katawan ko ang paiba-ibang temperature ng panahon. Nakadagdag pa ang sunburn ko sa balikat dahil nag swimming kami sa Bulacan last sunday at kahit hindi ako mahilig mag swimming…na-engganyo ako maligo sa pool dahil makulimlim ang panahon. Ayoko kasi yung maliligo ng maaraw dahil walang palya na masusunog balat ko kahit magpahid pa ako ng sunblock cream. May bagyo sa may Zambales noong weekend kaya hindi ko akalain na iinit ang araw bandang ala-una ng hapon. Kaya ayun, super-dusa ako sa hapdi ng balat ko. Mas lalo naman ang pamangkin kong si Tweetums…naknampating, halos nalitson ang balat ng ka-berks kong pamangkin. Sabi ko nga, yung kulay nya ay parang pinaghalong brazilian at kenyan. Hahaha!
screenshot_54
Ipinapakilala ko nga pala ang ka-berks kong pamangkin. Siya si Tweetums. Noong isang gabi at habang natutulog, napagmasdan ko sya. Sabi ko, dalagang-dalaga na nga sya. Naalala ko kasi noong nineteen-forgotten, noong maliit pa sya eh akay-akay namin sya kasama ang panganay kong si Kevin sa mga biyahe namin ng ate ko noon sa Cebu. Ambilis talaga ng panahon…ngayon ganap na syang dalaga at sya lang naman kabarkada ko ngayon sa bakasyon ko dito sa Metro Manila. Sarap sa pakiramdam pag kasundong-kasundo mo ang mga pamangkin mo. Feeling ko tuloy bagets na bagets pa ako.

Welkam Franz!

Wahaha! Gulat ako a! Di ko akalain na tuluyan na akong magkakaroon ako ng ka-blog na kapamilya, kapuso at kadugo ko talaga. Hehehe!

At yari ako neto sa kalandian ko? Hindi noh! Aliw na aliw pa nga ‘tong peborit kong pamangkin sa kapilyahan ko. Alam nya na inborn na sa akin ang kalandian ko. Ako fah! Keverr! I am what i am. Lol!

Continue reading