Siomai

Matagal ko ng gustong gumawa neto: SIOMAI. (tsaka yung fried pork dumplings din)

Eh kasi naman sa resto, ewan ko ba at para bang bitin ako sa tig-tatlong piraso lang ang nalalamon ko. (watta word! lamon!) Pwera na lang kung dun ako lagi lalafang sa Eat-All-U-Can Merienda ng DADs kung saan pwede ka magpakabundat ng Siomai nila at ibang kakanin sa halagang 300 hundred petot lang.

Kanina, ayun at natupad na rin ang simpleng gusto kong lumamon ng sariling gawa na Siomai hanggang sa naumay ako sa dami! Hahaha! Siempre masarap Siomai ko, gawa ko eh! Masarap dahil may sangkap na pagmamahal. Echoos!

Yung pic ng Siomai na nasa steamer… di pa yan luto.

Read the rest of this entry »

Ilabas Ang Kulit

Bentang-benta sa akin ang latest tv commercial ng Royal Tru-Orange. Ang kulittt! Tuwing napapanood ko ang tv ads na ‘to…naaalala ko ang bagets kong si Kevin at mga kaklase niya.

Aliw na aliw ako sa mga facial expression ng mga bagets. Ang aangas nung iba.

Kakatuwa lalo na dun sa isang eksena kung saan natapon na yung ketsap na nilalagay ng isang bagets sa hotdog niya.

Iba talaga pag gawa ng isang sikat at malaking ad agency ang isang tv commercial.

 

Kulitttt!

Burger King’s Steakhouse Burger

Walang Burger King dito sa kuta ko kaya pag nakaluwas ako ng Maynila… ahermmm! kelangan matikman ko na to!

Steakhouse Burger

The new Steakhouse Burger is packed with Angus beef, melted cheese, crispy onions, lettuce and tomatoes, all smothered in A.1® Thick & Hearty Steak Sauce. It’s the burger you can’t wait for. 

steakhouse-burger.jpg

Ewan ko ano meron sa BK, siguro sawa o nauumay lang kami sa lasa ng mga burgers ng McDonalds at Jollibee. Mga bagets ko lalo na si Kevin eh gustong-gusto nya ang mga burgers ng BK. Kasehodang akyatin namin ang tuktok na floor ng Galleria. Kahit yung ka-berks kong pamangkin na si Tweetums ganun din.

Hmmmn.. kaso mahalia jackson sya. P180 petot kasama sopdrink tsaka fries. Hindi ko pa sya natitikman kasi ang mahal nga. Eh barat ko pa naman. Pero tantiya ko, di ko sya mauubos at babalutin ko na naman ang kalahati para i-uwi sa bahay. Lols.

Ayos din sa ads ha!

Si Lucio Tan: Ninong Ko?

Kilala mo pa ba ang mga ninong at ninang nyo sa binyag? Close ba kayo? Kung OO, mabuti pa kayo. Inggit ako! Pero dapat mas inggit kayo sa iku-kwento ko ngayon.

Ako kasi, lumaki akong (lumaki nga ba?) walang nakilalang ninong o ninang. Kaya naman nung kabataan ko tuwing Pasko ay olats o betlog ako sa aginaldo mula sa ninong/ninang. Pero narinig ko minsan nung nabubuhay pa si Mader ko, yung nag-iisang sikat na doktor daw sa Samar ang ninong ko. Abah! Madatung kung ganun! Kaso kever! walang silbi rin kasi hindi naman kami magkakilala.

Kakainis, bakit kaya hindi tayo pwedeng pumili ng mga ninong at ninang noong bininyagan tayo?

Pwes! Hindi pa naman siguro huli ang lahat dahil yan ang gagawin ko sa ngayon. Hindi po ako magpapabinyag ulit pero pumili na ako ulit ng ninong ko. At siempre, pipili na rin lang ako abah eh yung bonggang-bongga na! Sa lagay ba eh…. kukuha ba ako ng pipitsugin at kung sinetch-sinetch lang na ninong? Abah!

Read the rest of this entry »

Iisa Pa Lamang

“… At kahit iba na ang minamahal mo 
Kung sino man ang siyang may-ari ng iyong puso 
Ang bawat pangalan, kalaro, kaibigan 
Iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito.” 

– Joey Albert’s IISA PA LAMANG

 

Ayayay! May aabangan na naman bagong teleserye ang mga jologs na kagaya ko sa ebs-cbn.

Na-miss ko kaya si Gabby C. Hehehe!

 

 

Bagong Beybi

Since wala pa rin akong kahit mumurahing digicam para mapagbigyan ko ang pagkahilig ko sa pagkokodak, dito na lang muna ako sa bagong beybi ko ngayon ang - digital scrapbooking. Pag walang kausap online, pag walang paid tasks o tapos na ang house chores ko, dito ako nagbibisi-bisihan ngayon Matagal ko na ‘to gustong gawin wala lang ako masyadong time noon.

Para akong nawawalan ng stress sa buhay habang nagbubutinting ng kung anik-anik sa mga scrapbooking websites. Nare-remind din ako ng elementary days ko kung saan nauubos ang baon ko noon sa kabibili ng mga colored papers, crayons at mga kung anong gamit para kaartehan lalo na para sa mga paper dolls ko. Nakow, adik ako sa paper dolls noong nene pa ako. Impernes, magaling ako gumunting ng mga damit para sa mga manikang papel. Kumpleto at siempre terno-terno mula sapatos, panty, bra ang suot ng mga paper dolls ko. 18 years old na ako ng magkaroon ng tunay na manika.

  • scrapbook1.jpg
    Click image for larger view.

Read the rest of this entry »

Ba-bye Lobo, Hello PDA

  • Malapit na matapos ang sinubaybayan kong teleseryeng LOBO sa Channel 2. Malapit na rin matapos ang pamimintas ng isang tao diyan kesyo bakit pinagkakaabalahan ko panoorin si papa piolo at si mama angel tuwing prime time. Lols. Kasalanan ko bang maging jologs ako? Mababaw lang happiness ko. Lols ulit!
  • At eto ngayon kinahuhumalingan ko, ang Pinoy Dream Academy Season 2. Hindi ako nanonood neto nung season 1 nila. Mga chaka kasi. Pero dito sa batch ng season 2, pansin ko mas ok ang mga scholars nila ngayon. Last saturday, F na F ko ang pagkanta ni Liezel Garcia ng kantang Dance WIth My Father ni Luther Vandross. Galing!! Two-thumbs up! Dyahi man aminin, pero teary-eyed ako sa kanta na ‘to. Na-miss ko bigla si Tatay ko. 
  • liezel-garcia.jpg
    Liezel Garcia

 Click to play
“…if I could get another chance
Another walk, another dance with him
I’d play a song that would never ever end
How I’d love, love, love to dance with my father again…”  … Awwww! LSS agad ang lola!

 

Sa NGAYON pa lang…

I am happy today—want to join me?

Dami nagtatanong sa akin lalo na yung mga bagong kakilala kung bakit sa age ko na ‘to… ay di pa rin ako nag aasawa. Pag sinasagot ko naman ng tanong din kung bakit kelangan ko mag asawa eh sabi nila, para daw maging masaya at siempre daw… iba yung may kasama ka sa buhay.

Agree ako dun….iba siempre ang may partner sa buhay kasi nga daw, masaya. Pero paano kung wala? Hindi na ba masaya pag wala?

Di ako bitter dahil alaws ako bf o hubby. Aaminin ko…nakaka-miss din yung may nag aalaga sa yo o may inaalagaan. Yung may umaakbay, ka-holding hands, yung inaakap ka at kaasaran, kakulitan, kalandian, kadukutan, may nagtatanggol sa ‘yo pag nasa trobol ka, may napag-susumbungan ka sa mga angal mo sa buhay, etsetera-etsetera.

Masarap yung may SO (significant other) tuwing may special na okasyon gaya ng bertdey, pasko, new year, biyernes santo, april fools day, all saint’s day o all soul’s day. Yun bang may inaabangan ka na may mangyayari dahil hindi ordinaryo ang mga araw na yun.

Nways, basahin nyo ‘to… share ko sa inyo kasi gustong-gusto ko ‘to. Ilang beses ko na rin nabasa ‘to noon pa. Aktwali naisa-puso ko na rin yata ‘to. Importante sa akin ang NGAYON. Ayaw ko na talaga kumplikahin ang buhay o pamumuhay ko. Ayoko na mangunsumisyon kung may rice shortage man o wala. Pag natigok ako - maaagnas at maaagnas din naman ako kaya magpapakasaya na ako NGAYON pa lang — may bf/hubby man o wala.

“We convince ourselves that life will be better after we get married, have a baby, then another. Then we are frustrated that the kids aren’t old enough and we’ll be more content when they are. After that, we’re frustrated that we have teenagers to deal with. We will certainly be happy when they are out of that stage. We tell ourselves that our life will be complete when our spouse gets his or her act together, when we get a nicer car, when we are able to go on a nice vacation or when we retire.

The truth is there’s no better time to be happy than right now. If not now, when? Your life will always be filled with challenges.

It’s best to admit this to yourself and decide to be happy anyway. Happiness is the way.

So, treasure every moment that you have and treasure it more because you shared it with someone special, special enough to spend your time with….. And remember that time waits for no one.

So, stop waiting
Until your car or home is paid off.
Until you get a new car or home.
Until your kids leave the house.
Until you go back to school.
Until you finish school.
Until you lose 10 lbs.
Until you gain 10 lbs
Until you get married.
Until you get a divorce.
Until you have kids.
Until you retire.
Until summer..
Until spring.
Until winter.
Until fall.
Until you die.

There is no better time than right now to be happy. Happiness is a journey, not a destination. So work like you don’t need money, love like you’ve never been hurt, and dance like no one’s watching.”

Join me, now na!

Paminsan-minsan na lang ‘to…

Hindi ko alam kung kelan ang huling panahon na nagtatatakbo ako sa labas para maligo sa ulan. Siguro mga 100 years na yata ang nakalipas. (Exajs siempre!)

Sobrang lakas ng ulan kahapon, hindi namin (ako, mga pamangkin ko at mga julaylay) mapigilan ang lumabas ng bahay para maligo. Tamang-tama hindi pa ako naliligo at naka-magic black kamison pa ako na pang-meme ko.

image034.jpg

Read the rest of this entry »

Samo’t Sari 2

  • matutulog na lang ako kagabi nang maisip ko ang dalawa kong bagets. na-miss ko na sila. miss ko na kakulitan nila sa akin at ang mga biruan at kantiyawan namin sa isa’t-isa. last week eh nakaka-chat ko pa sila pero mula nung pinadala ko ang pera na pang-enrol nila, di na ako kinausap o naalala. bait ng mga mokong, am sure ti-text na lang nila ako o i-tsa-chat pag may kulang dun sa datung o kaya hihingi ng load. ang to-thoughtful!

  • di bale, ilang araw na lang at balik na ako sa kuta ko. kaka-miss din ang bahay ko. pag andito ako sa luzon, mababaw lang ang tulog ko kaya lagi akong nangangalumata. kaya miss ko na rin ang makatulog ng mahimbing…ang magpraktis kung panu ang magpatay-patayan.

  • kelan kaya ako dadalhin ulit ni brader ko dun sa dinadayo nila sa Pasig, kung saan P100 lang ang pagpa footspa (sulit na sulit) at P40 each lang ang manicure at pedicure? Ayus na ayos serbisyo nila dun sa Index. Ang ayaw ko lang dun ay ang CR nila - dumi.

  • pumunta kami ng pamangkin kong si Tweet sa thrift shop sa Ever Gotesco (para sosyal pakinggan–thrift shop aka ukay-ukay). pag mga model o mga artista ang nag o-ukay-ukay…thrift shop ang tawag nila, pag middle class … UK, pag jologs naman … ukay-ukay as in. ano nga ulit ang nabanggit ko kung saan kami nagpunta?

  • mas naglaway ako sa dami ng magagandang items (branded pa) dun sa thrift shop (thrift shop ha, thrift shop) sa Ever kesa sa mga brand new items ng department store sa Ortigas Center.

  • sino sa inyo ang may installer ng Windows XP at MS-Office 2007? penge naman. buset na buset na ako dito sa OS kong Windows Vista. kakatamad tuloy mag browse o mag surf.

 

Theme Brought to you by Directory Journal and Elegant Directory