Archive for Uncategorized

Pray For Visayas

Hindi ko akalain na ganito ka-grabe ang pinsala ng paglindol kahapon. Kunsabagay, 6.9 din yun ha! Wag ismolin!

Nanonood ang beauty ko ng pilot episode ng Its Showtime sa TV nang maramdaman ko ang pag ugoy-ugoy ng higaan ko. More or less 30 seconds din yun.

Hanggang kagabi, mga bandang 7pm, may mga aftershock pa rin kaming nararamdaman hanggang dito sa Iligan. :(

Negros Oriental ang napuruhan ng lindol. Nakakalungkot kasi dami rin ang mga namatay. Ang sikip sa dibdib. Death toll as of today, 52 na. Heniweys, let’s all pray for everyone’s safety and fast recovery.

(Photos courtesy of @jeffcanoy Twitter)

 4

Tayasan’s cemetery after the quake.

1

In Tayasan town, yesterday’s quake leveled houses.

2 

Roads damaged after quake in Tayasan, Negros Oriental.

3

Relatives carry the remains of an earthquake victim in Tayasan.

 

oOo

“Hope for the best, but prepare for the worst, so nothing can surprise you.”

Konting Tiis Na Lang

Hayysss…Kung napapansin nyo, kulang-kulang pa ang laman ng blog kong ‘to. Andaming WALA! Aktwali puro WALA!

Shet! Halos duguin ako sa hirap ng paglilipat. Pero sige lang, giginhawa din ang pakiramdam ko sa susunod na mga araw. Kelan ba naman ako sumuko sa hirap at pagtitiis? Sus ako pa! Eh Wonder Woman kaya ang apelyido ko noh! Chos!

Seryusli, ang dami kasi ng hinahakot at hindi pa nakakapag-unfuck si Mamaru ng mga files galing sa lumang web server.

Kumbaga sa bahay, my dear readers, eh hanggang dito lang muna ko kayo sa may GATE ng blog ko. Hahaha! Hindi ko pa kayo pwede papasukin kahit sa may living area ko kasi hindi pa ready at wala pa sa ayos ang mga mamahaling muwebles ko. Tsaka hindi pa naka-install ang mga high-end appliances ko. Charot!

Pagtiyagaan nyo na muna at wala pa sa ayos ang kusina, kwarto, balkonahe, banyo, at pati na rin ang inimpake kong swimming pool ay hindi ko pa nailalatag dito sa bagong kabahayan ko. :P

Sana nga mamaya ay matapos na at maibalik na sa dating ayos ang mala-mansiones kong blog na ‘to.

oOo

“Wag mo masaydo paikutin ang mundo mo sa isang tao, pag nasobrahan ka ikaw din ang unang mahihilo.”