2012 Starbucks Planner

The other week lang, bago nagpasikat si Sendong dito sa pinagkukutaan ko, napasakamay ko ang 2012 Starbucks Planner ko.

StarbucksPlanner2012_4

Courtesy of my utol Evan. Pinadala galing Manila kasi wala naman branch ang shalang kapehan na ‘to dito sa Iligan City.

StarbucksPlanner2012_2

Hmmmn…kumpara naman dun sa 2011 planner ng Starbucks…di hamak mas gusto ko ang design at mga kulay ngayon.

StarbucksPlanner2012_5

May kasamang SAKO na lalagyan ang planner na sa tingin ko eh hindi naman mapapakinabangan talaga.

StarbucksPlanner2012_6  

Sa lagay ba eh babalutin ko pa ang pa-sosyal na planner kong ‘to araw-araw? Sus! Hassle lang. Eh andito lang naman ako lagi sa balur ko at gagamitin ko lang naman ‘to as kopyahan ng recipes, listahan ng ipamamalengke, higit sa lahat eh schedule at listahan ng name ng mga boylets ko. Wahaha! Joke!

StarbucksPlanner2012_3  

Mababaw lang naman kaligayahan ko kaya masaya na ako dito sa bagong planner ko. Libre eh!

Pero pinaka-DABEST pa rin ang 2008 Starbucks Planner para sa akin. 😛

 

oOo

“Ang kasal ay hindi assurance na magtatagal kayo habangbuhay.”