Barbekyu

For lunch, gusto ko sana i-fry lang kanina ang inilabas kong chicken thighs galing sa ref. Huli na ang lahat nang mapansin kong waley na pala kaming cooking oil. 🙁

Dahil hindi naman kami pwede mag-fasting ng wala sa plano, eh eto ang kinahinatnan ng chicken ko —-> binarbekyu ko!

chicken marinade

Sa loob ng 30 minutes, nilublob ko ang mga chicken (na pinaghihiwa ko ng malapad) sa marinade ng soy sauce, honey, brown sugar, crushed garlic, crushed ginger, pepper, at hot sauce.

smokeless grill pan

Inilabas ang smokeless indoor barbecue grill pan ko. Ipinatong sa kalan, pinainit.

chicken barbecue 

At sinimulang binarbekyu ang manok!

chicken barbecue

Yum! Yum! Tsalap!

Kayo? Ano ulam nyo kanina? 😀

 

oOo

“Kaya kong mag move-on, pero wag muna ngayon.”