Ang Ganda Ni Wanda Ilusyunada

Author: MARU  //  Category: Humor, Inner-self

Mga Kwentong Parlor Ni Wanda Ilusyunada

Ang librong ito ay Rated PG. Pa-Gurl. Ito ay koleksyon ng mga kwentong parlor tungkol sa pakikipagsapalaran ni Wanda Ilusyunada sa mundong in need for a total makeover. Sa gitna ng mga split ends at patay na kuko ay mga eksenang kabaklaan at panggu-goodtime, mga pang-o-okray at mga chenelyn bangungot sa buhay. Pwede kang matuwa, pwede ka ring mag inarte. Pero chikka lang. Ganyan si Wanda, ang pink sheep ng pamilya! Saving the world one chakka at a time bago man lang rumampa.

 

O hayan ha, namasahe pa ako sa eropleyn ng libo-libong pesoses mula Mindanao papuntang Manila para lang bumili lang ng bookleta mo na itech. Hehehe! Charooz!

Siempre pagdating ko ng Manila go ako agad sa pinakamalapit na National Bookstore . Una ko pinuntahan eh yung NBS-Ever Gotesco sa Ortigas Extn kasi malapit lang sa amin kaso wa pa daw sila abelabol. Natandaan ko sinabi mo sa shoutbox ng blog mo na sa Makati sigurado meron dun. Tama ka bakla, sa NBS-Glorietta ko nga sya natagpuan. Kabog!

Di naman ako nahirapan hanapin ang libro mo. Alam mo ba kung bakit? Itanong mo bilis!!! Nandun siya sa kababuyan! Bwahaha! Kasama nya ang sandamakmak na mga booklets na Pugad-Baboy ni Pol Medina Jr. Pero angat ang pink book mo dun, bakla! Nagmukha ka ngang muse sa gitna ng mga oink oink. Wahihi! O di ba? Sensya na at feeling-close ako sa yo kahit dehins mo ko kilala. Humahanga lang po.

Read more…