Tag Archive for bawang

Entry Na Walang Title

1. Bawang, Sibuyas

garlic-onionLabs ko ang amuy-amuyin ang mga fingertips ko pag nasa hiwa ko pagkatapos ko maghiwa ng mga sangkap na bawang at sibuyas.

Ewan ko ba, gustong-gusto ko yung amoy nila na naiwan o dumikit sa mga daliri ko. Parang CK na perfume ang dating nila sa akin pag inaamoy-amoy ko. Weirdo ba ako? Di ‘no! Ganun talaga pag medyo mahilig magluto.

2. Banyo

Hindi gaya ng karamihan sa mga babae na halos inaabot ng 48 years sa tagal o kaya akala mo ay nakatulog na sa loob kung gumamit ng banyo, ako naman ay mabilis, sakto lang sa oras kung maligo at gumamit ng banyo. Minsan tuloy nagdududa ako sa sarili ko, babae nga ba akong tunay? Kasi ang mga tunay daw na babae ay matagal magbanyo. Sauce naman! Sanayan lang siguro yan.

Maalala ko, nagtatagal lang ako noon sa loob ng banyo pag kasabay ko ang  fafa  ko sa pagligo. Bakit nga ba ganun? Hays..kaka-miss din ang may kasabay.

3.  Tuli

circumcision Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung ano talaga ang itsura ng etits na bagong tuli.

Noong tinuli ang only bigatin son ko, siguro mga 8 years old yata sya noon. Hindi ko sya sinamahan sa doktor para magpatuli at ni minsan never ko syang inalalayan sa pag linis/palit ng bandage ng kanyang mini-me. Nagtawag pa ako noon ng kaibigan na lalaki.

Ewan ko, pero hindi talaga kaya ng powers ko ang sumilip ng isang sugatan na etits. :(