Sew Happy 4 – ( DIY: Altered Bed Spread)

Napagdiskitahan ko ‘to last week. My old white lacey bed spread na ginagamit ko noong virgin pa ako. Wa istir! 😛

BEFORE 

DSC04170_2

Matagal ng hindi nagagamit ‘to kasi pang single bed ang size nya. Nanghihinayang naman ako na ang tagal na nyang nakaburo sa baul (kaya amoy-naptalina sya habang tinatahi ko) kaya ginawan ko na ng paraan para mapakinabangan.

DSC04169_2

#1 – pang single bed ang spread, hindi kasya sa bed namin.

#2,3,4,5 – pinagtatastas/inalis ko mga yan.

#6 – ginupit ko sa gitna para madugtungan.

AFTER

DSC04209_2

Sensya na kung hindi ko na nakuhang plantsahin muna bago kinodakan. Hindi naman dahil sa excited ako. Nagtitipid lang talaga ako ng kuryente. Wahaha!

DSC04211_2  DSC04214_2 DSC04213_2

Eto ang mga lace na inalis ko dati sa may laylayan at pinaggupit-gupit ko. Nilagyan ko pa rin ng lace ang bagong laylayan kung mapapansin nyo.

DSC04171_2DSC04172_2

At siempre, gaya ng dati kong punchline…sa pamamagitan ng paggamit ko ng angking-kagandahan, alindog, kabataan at sentido-kumon, ang ibang lace ay ginawa kong bulaklak. 😛

DSC04174_2 DSC04175_2

Nagkataon na marami akong retasong white tetoron na tela kaya nakagawa din ako ng pang-pillowcase at cushion cover to match the altered bed spread.

DSC04200_2DSC04215_2

Hulaan nyo na lang kung saan ko pa pinaglalagay ang mga binutingting kong mga bulaklak at ibang mga tinabas na lace.

DSC04206_2

O ayan! Ready na ang kama. Lalaking maikakama na lang talaga ang kulang. Lalaking mapaglalaanan ko ulit ng virginity ko. Hihi!

oOo