Minsan may nagtanong sa akin, “Hindi ka ba nalulungkot na nag-iisa ka lang at walang partner sa buhay?“
Deretsahang sagot. Hindi.
Sa tinagal-tagal kong single mom, minsan mas worried pa ako kung magiging masaya ba ako kung mag-aasawa ako o magka-jowa.
Oo, nakakamiss ang may ka-chukchakan. O yung may nilalandi ka sa kama o may dinudukutan ka sa brip habang katabi mo sya sa pagtulog. Hehe! Eh kasi karamihan kasi sex agad ang pumapasok sa ulo pag gusto mag-asawa, di ba? Hmmn..teka, hindi kaya ako lang ang nag-iisip nun? Lol! Plastik ko naman kung di ko iniisip yung chukchak. Waleeeeey!
Pero aminin natin, hindi lang naman yun lang lahat-lahat para maging masaya di ba? Eh di sana wala ng nagkakahiwalay na mag-asawa.
Tapos may mga tanong pang ganito sa akin…”paano na kung malamig ang gabi mo, Mamaru?” Tse! Ang init-init nga dito lagi sa kwarto namin. Anong lamig ba ang tinutukoy? Mula baby pa, bedmate ko na ang daughter kong si Keziah. Sa init at alinsangan sa gabi dito sa Pilipayns, wish ko lang minsan na sana solo ko ang bed para nakakapag-borles naman ako habang bomoborlogs.
Sa totoo lang, kung gusto mong maging mahimbing ang tulog mo…matulog kang mag-isa na walang katabi! Kalokohan yung sasabihin na masarap matulog kung may katabi sa kama. Tse! (ulit). Wag kayo maniwala dun!
Heniways, sa mga kagaya kong nagsosolo at walang partner sa buhay…namnamin nyo na ang pag-iisa nyo. Hindi nyo ba pansin, mas tahimik ang buhay pag solo? Wala kang pakikisamahan, wala kang aalagaan, wala kang iintindihin na mga tantrums ng partner mo, wala kang sakit sa ulo. Mas nagagawa mo gusto mo at mas naaalagaan mo pa sarili mo.
Pero kung dumating man ang panahon na mabiyayaan ka ng jowa na pang-habambuhay eh siempre, "Tenkyu, tenkyu, Lord!". Pero kung hindi naman…abah, eh siempre tuloy lang ang buhay, mga teh! Ang taong marunong maging masaya kahit nag-iisa ay bomalabs na maging miserable ang buhay. Totoo!
Wala yun dahil sa mga chuva-chuva ng iba na kesyo pag may partner ka eh magiging masaya ka na. At parang trip ko tuloy i-quote si Leo Tolstoy (ampangit ng apelyido. Lol!), "If you want to be happy, be." Kitams, kung gusto mo maging masaya sa buhay, gow lang ng gow! Wag ka na mag anu-ano pa diyan. Pero kung ayaw mo naman …eh di wag! Saksak mo na lang sa baga mo ang lungkot-lungkotan mo sa buhay!
oOo
Quote of the day:
“I am Me. In all the world, there is no one else exactly like me. Everything that comes out of me is authentically mine, because I alone chose it — I own everything about me: my body, my feelings, my mouth, my voice, all my actions, whether they be to others or myself. I own my fantasies, my dreams, my hopes, my fears. I own my triumphs and successes, all my failures and mistakes. Because I own all of me, I can become intimately acquainted with me. By so doing, I can love me and be friendly with all my parts. I know there are aspects about myself that puzzle me, and other aspects that I do not know — but as long as I am friendly and loving to myself, I can courageously and hopefully look for solutions to the puzzles and ways to find out more about me. However I look and sound, whatever I say and do, and whatever I think and feel at a given moment in time is authentically me. If later some parts of how I looked, sounded, thought, and felt turn out to be unfitting, I can discard that which is unfitting, keep the rest, and invent something new for that which I discarded. I can see, hear, feel, think, say, and do. I have the tools to survive, to be close to others, to be productive, and to make sense and order out of the world of people and things outside of me. I own me, and therefore, I can engineer me. I am me, and I am Okay.” – Virginia Satir




