Sweet Sixteen

Kahapon, ubos ang maghapon ko sa pag-bake netong Cookies and Cream No-Bake Cheesecake, nire-ready ko lang, eh kasi BERTDEY lang naman ngayon ng unica hija ko.

DSC06403_2

To my Sweet Sixteen.
Take chances. Go for the person you’re in love with.
Stand up for what you think is right.
Laugh all the time.
Stay confident. Have amazing friendships.
Be yourself. Sleep late on the weekends. Try new things.
Take amazing pictures. Make great memories.
Live your life to the fullest.

Always remember, me, Kuya and Sang, we love you so much! 😛

 ziah1 ziah6

 ziah10  ziah4

 ziah7  ziah9

ziah8 ziah3

 

 

oOo

“Commitment ang pinakamagandang regalo kapag nagmamahal tayo."

Sweet Sixteen Dianne

It’s Dianne’s 16th birthday today – my pretty inaanak in Dubai.

197620_158682407524259_100001475010172_397246_5487023_n

Hindi pa kami nagkakaroon ng chance para  mag HUG-HUGgan at mag KISS-KISSan kasi hindi pa kami nagkita in person. Derpor, hindi pa nakakapag-mano sa akin ang batang ‘to. Hihi! Pero nakarga ko na sha nung baby pa at nung binibinyagan shempre. Working in Dubai pa ako noon nang pagkatiwalaan akong kunin na isa sa mga ninang ni Dianne. Siya ang kauna-unahan sa lilimang inaanak ko na puro bilatches lahat ang gender. All female ang mga inaanak ni Mamaru at waley lalakey.

Lima lang ang inaanak ko kasi choosy ako eh. Joke!

Da truth is, marahil walang kumukuha sa akin na iba para mag-ninang ng anakis nila ay dahil sa kuripot ako. Weeeee!

Gaya ngayon, imbes na Apple iPad 2 (istir!) with matching purple casing (Dianne loves purple) ang balak ko na ipadala sa Dubai bilang legaro sa sweet sixteen kong inaanak, eto lang ang nakayanan ni Mamaru.

Continue reading

Bente Ka Na

 

 2-22-2011 8-01-40 AM

Pero ngayon… eto ka na.

kevin@20

Bente anyos ka na nga! Binata na at ang laki mo na! Dami na nagbago sa ‘yo.

Oppsss! May nagbago nga ba? Kasisilip ko lang ng kwarto mo kanina, at ganito ka pa rin…

 Kevsbedroom

After 20 years, burara at makalat ka pa rin sa mga gamit moooo!! At wits end

Heniways, kahit maging sino at ano ka man…ako pa rin ang tangi mong madir (as if may choice ka ha!) na tanggap na tanggap ka at ako pa rin ang tangi mong taga-hanga! HALABYU!

 

HAPPY BIRTHDAY, SON!

oOo

Never say goodbye. Because saying goodbye means going away and going away means forgetting. -J.M. Barrie (Peterpan)

 

Diskarte at Handa

Sa Feb 22 pa ang 20th birthday ng unico hijo ko. Pero last week mega-request na ang mokong: "Ma, pwede bang mag-advance birthday treat ako this coming Sunday? Kahit mag lasagna ka lang at spaghetti ok na. Papuntahin ko sana ang Frisbee teammates ko dito sa bahay. More or less mga 20 kami."

Nawindang ako sa dami and to think na mostly sa kanila eh mga barako. Siempre I said OK. Parang na-stress ako sa kaiisip kung paano ako maghahanda eh mag-isa lang ako at walang katulong.

Esep-esep ang Mamaru. Kako kelangan pag-isipan ng diskarte para naman hindi ako mabugbog sa pagod sa pagluluto. Kahit lasagna lang at spaghetti ang request ng junakis ko…siempre nag isip pa rin ako kung ano pa ang ibang pwede i-serve sa mga ka-prendship nya.

Andun yung nag-isip ako na magbi-bake ng cupcakes at lagyan ng butter icing instead na bumili ng birthday cake sa labas. Para kako makita naman ng junakis ko ang special na effort ko. Andun yung maglu-lumpia, andun yung anik-anik pa ang mga binalak kung lutuin at gawin. Pero sa kahuli-hulihan, naging kabado ako sa mga binabalak ko. Eh kasi parang kakapusin ako sa oras ng paghahanda dahil may Confirmation din si Keziah noong Sabado.

Buong Sunday morning lang ang meron ako para magprepare dahil darating ang mga bisita ng mga 2pm. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung dadatnan pa ako ng mga bisita na aligaga pa rin sa pagluluto sa kusina at nanlilimahid ang itsura ko. Gusto ko…pag dumating ang mga friendlalu ng anak ko…mag-iinit na lang ako sa mga dapat initin na food. O kaya magse-serve na lang ang cutiepie na madir ni Kevintot sa mga bisita. Ahihi!

Hays…trulili, sa pagpa-plano pa lang ng diskarte ay parang napagod na ako. Ako lang kasi ang kikilos sa pagluluto.

Suddenly parang may bumbilya na umilaw sa tapat ng bungo ko. (na may matching background sound na "toink!") Naisip ko bigla ang salita ng namayapang Cory Aquino. Nai-save ko ang quote na yun sa selpon ko.

Eto yung talak ng dating Presidente Cory Aquino sa doter nyang si Kris nang magbalak mag-enrol ni Kristeta ng baking noon. Diniscourage siya ni Madam Cory.

Sometimes we unnecessarily complicate our lives because we think that the more effort we put into something the better it turns out, or the more special it becomes. And yet we fail to see that there is beauty in simplicity. It is often the most simple things that turn out to be truly beautiful. True. Why torment ourselves. Time is often the best gift we can give to our families. When we waste that time unnecessarily, then we lose what we could have given in the first place.

Ayun! Nahimasmasan ako. Bakit ko pa nga ba naman pahihirapan ang sarili ko? May mga paraan naman para mapadali sa mga gagawin at makakatipid sa oras. Bakit nga ba hindi ko na lang simplehan?

Ang isang diskarte na ginawa ko? Bumili ako ng McCormick Hot and Spicy Chicken Marinade para dun sa binili kong chicken drumsticks at McCormick Chicken Pandan Marinade naman para sa chicken thighs.  Ayus! Solb na kako. Marinade lang at mababawasan na ang hirap ko. Sabado pa lang, binabad ko ng magkahiwalay ang drumsticks at thighs. Hinayaan ko syang marinated for more than 24 hours.

Kinabukasan, Linggo, magkasunod-sunod kong ni-roast sa oven ang mga hiwa ng manok…then isinunod ang lasagna….then imbes na spaghetti…nag carbonara ako.

collage

Yung cake at ibang food? Ay naku! Binili na lang namin sa labas noh! Pareho lang naman din yun. Haha!
Ayun! Wala pang alas onse ng umaga….tapos na ako sa pagluluto. Nagkaroon pa ako tuloy ng oras para makapagtampisaw at maligo sa ulan. Hehe! Nauna ko nga lang nai-post dito sa blog yung ligo ko sa ulan.

Kevin had a good time with his friends here at home last Sunday. Pwera sa pasta carbonara na may konting natira, ubos ang handa! Dabest daw yung roasted chicken. Dabest daw yung lasagna ko. Naks! Pero ang pinaka-dabest sa nangyari noong Linggo ay ang makita ko ang bagets kong masaya at kuntento sa ginawa kong pagtupad sa hiling nya…kahit napaka-simple lang preparasyon namin.

Sarap maging nanay, pramis!

 

5 simple rules to be happy: Free your heart from hatred. Free your mind from worries. Live simply. Give more. Expect less.

Bertdey Ni Kups

Mas espesyal pa sa espesyal na espasol ang araw na itu. Espesyal dahil nagbe-bertdey lang naman ang espesyal na lalaki sa buhay ni Mamaru.

Kaya move over Basyang! Tumabi-tabi ka muna dahil kung sa lakas din lang naman ang pag-uusapan, mala-bagyo din ang arrive ng sex appeal ng taong ‘to sa akin.

Bertdey ni Kuuupssss! Bertdey ng espesyal child! Hehe!

Tinext ko sya kanina para batiin.

MARU: “Hapi bday 2 u,u live in a zoo,u smel lyk a monkey,& u luk lyk one too.hehe! Smile,mahal!Sana eto ang araw ng pgccmula ng mas masayang buhay mo.labs n labs kta.”

At nag reply din naman si bertdey boy.

KUPS: “Tenkyu..tenkyu beri mats! I wud lyk 2 tenk barratts 4 my shoes, dimensions 4 my outfit, gillette 4 my personal shaver, and last but d least, i wud lyk 2 tenk myself for my natural scent n charisma. Tenk u beri mats! (Clapping)”

Taena! Parang bangag na agad si Kups. Gusto ko suplahin pero bertdey nya ngayon kaya hinayaan ko na.

0086

I am so blessed to share a relationship with you. Someone who accepts and loves me for who I am.
Thank you for being sensitive, understanding, loving and caring. Never would I have dared to dream of finding such a sensible, generous and thoughtful partner.

Thank you for you unshakable faith in me and your loyal support. Thank you for making me happy. Thank you for all the beautiful ways you express your love.

I love you.

P.S.

Are you a crystal ball? Cos I can see my future with you.

Nyahaha!

Katorse

Nene? Isdatchu?

Hays, katorse anyos na nga ang anakis ko. Hindi nga lang  “Nene” ang tawag namin sa kanya kundi “Inday, Inday Patotay”. Lol! Yun kasi tawag sa kanya ng kuya nya noong toddler pa sya. Pero noon pa yun. Now, “Ziah” na talaga tawag namin sa kanya.

Indeed, my baby…

ziah1

Ziah at 1

….

. . . is now a lady!

ziah

Ziah at 14

Kung noon ay inuutusan ko sya na magbunot ng hair sa kili-kili ko…noong isang araw lang, biglang bumaliktad na ang sitwasyon. Ako naman ang nag a-assist kung paano magharvest ng pananim sa kili-kili nya. Hahaha!

Heniways, final exam week nila ngayon kaya lumabas na kami kahapon para mag selebreyt, kasama namin as usual – ang buong angkan ko. Masaya siempre ang lafangan! Libre eh. Hehe!

Pero mas naging kumpleto ang araw ng unica hija ko when she got Kups pa-berdey. Kita ko, sa smile pa lang,tuwang-tuwa na parang kinikilig na ewan ang Inday ko.

DSCF5530 DSCF5531

DSCF5532 DSCF5541

DSCF5540

Ziah’s birthday wish…a pink iPod.

DSCF5567

Happy Birthday ulit, doter!

oOo

Hapi Bertdey, Kolgerl!

Bertdey ngayon ng pamangkin kong pers taym na nagbanat ng buto sa pamamagitan ng pamamasukan bilang call center agent sa Makati.

Kaya naman…hindi ako magtataka kung nagmumura ang mga eyebags nya sa ngayon kahit dito sa piktyur nya na nadikwat ko. Pero pansamantala lang naman ang pagiging kolgerl nya at itutuloy din nya sa darating na June ang pag-aaral sa kurso nyang Medisina.

Tweet, HAPI BERTDEY! Miss na miss ka na namin dito sa Iligan.

P.S.

Kung nagbabasa ka ng blogtsina ko….nakikibati na rin si Kups, hapi bertdey daw. 

Hapi Na Bertdey Pa

BIRTHDAY ko kahapon.

(Parang may nagre-react sa likod ko. Ang sabi, “eh ano ngayon?”)

At plis huwag nyo na ako tanungin kung ilang taon na ako. Kung gusto nyo – magsuntukan na lang tayo kesa tanungin nyo ko sa kabastusan na yan.

Paano ko ba sinelebreyt ang bertdey ko kahapon? Howel, pinasara ko lang naman lahat ng bangko sa Pilipinas dahil bertdey ko. (Siempre, sabado eh!)

Aktwali, hindi naman talaga ako nagse-selebreyt. Kumbaga, eh wala lang. Nakasanayan kong magdasal lang sa umaga para magpasalamat kay Papa Lord dahil nag bertdey na naman ako. Yun na yun.

Kadalasan, pag bertdey ko, nagte-text lang para bumati sa akin ang mga pamangkin at mga kapatid ko. Bihira o halos walang may nagte-text sa akin na kaibigan (dahil siguro kadalasan eh wala akong handa! Bwahaha) Ka-pamilya at ka-puso ko lang talaga ang nakakaalala.

Hindi ako naghahanda. Hindi rin ako nagpapansit. Ang gusto ko lang pag bertdey ko ay magkaroon ng cake.

Continue reading

Today Is Kevin’s Day

Alam mo ba kung bakit HOLIDAY ngayon at walang pasok sa mga school?

Well, BIRTHDAY lang naman kasi ng unico hijo ko!

Downloads

Downloads1

Dahil walang klase, lahat ng estudyante sa Pilipinas ay nakiki-selebreyt sa araw mong ‘to, anak! Magpa-pansit tayo ngayon! Yahoooo!

Tatay Ko Po!

Today is January 5.

Birthday ng yumao kung TATAY.

Na-miss ko ang matanda. Yung last 3 years niya dito sa mundo, he spent it with me and my kids. Sinamahan at tumira sa akin si ama sa rason na kesyo na naaawa daw sya sa akin at single mom ako.

Achuchu! Ayaw lang aminin ni ama na ako ang pinaka-LABS nya sa lahat ng mga anak nya. (nyay! sana hindi ‘to mabasa ng mga kapatid ko.)

Si Tatay ko ang naging katuwang ko sa buhay sa loob ng 3 taon mula ng ipinanganak ko ang daughter kong si Keziah. Naging magaan ang buhay ko noong bagong panganak ako dahil  si Tatay ang naging TIGASIN ng buhay ko.

Siya ang tiga-saing ko, tiga-bantay, taga-alaga, at taga-timpla ng gatas ni Keziah. Siya rin ang taga hatid-sundo kay Kevin noong nag umpisa sa school ang bagets ko. Taga-salo ko rin sya sa mga gawaing-bahay na hindi ko matapos-tapos sa sobrang pagod.

Sa mga pagkakamali ko noon sa buhay, I heard him say, “Life is what you maketh”. “Sa pagkakamali mo, huwag ka manisi ng ibang tao!” Pero sa sobrang ikli ng buhay, dagdag pa niya, “Life doesn’t have to swim in tears”! “Tumayo ka at umayos!” “Maganda ka, matalino, maalindog  at cute!” (dagdag ko na lang ‘to). Harapin mo ang buhay!”

Da best talaga si Fadir, kaya naman tuwing sasapit ang January 5…di ko maiwasan ang medyo mag-emote. Nakaka-miss!

Siguro kung nabubuhay lang sya ngayon…nai-imagine ko na ang gara siguro ng cellphone unit nya na bigay ng sister kong si Millette. Siguro madalas syang papasahan ng load ng brother kong si Evan at malamang sagot din ni Ate Ellen ang pang-sabong niya tuwing Sunday.

Eh ako? Siempre malamang sagot ko na ang pagtuturo kay Tatay kung paano maglaro ng Ragnarok at Counter Strike sa computer. Sisiguraduhin ko na ako na bahala mag refer sa kanya ng mga magagandang porn sites sa internet. 😛

‘pi bertdey, ‘tay!