Black Magic Cake

Sa lahat na yata ng chocolate cake na nasubukan kong i-bake.etong Black Magic Cake na yata ang pinaka-paborito ko.

Malasa, malambot at hinding-hindi mahirap ang preparation ng batter. As in 15 minutes lang! So, dali-dali!

Hindi ko masyado ma-explain ng detalye ang kaibahan nya sa ibang chocolate cake pero sa palagay ko malaki ang papel ng one cup strong black coffee na isa sa sangkap nito. Palagay ko ang kape ang nagbigay ng kakaibang magic sa lasa ng keyk. 😀

(Sensya na kung hindi kagandahan ang kuha ng pictures ha?)

 balck magic cake-005

Take note sa mga

Ingredients:

  • 1 3/4 cup All Purpose Flour
  • 2 c ups  Sugar
  • 3/4 cups Cocoa Powder
  • 2 tsp Baking Soda
  • 1 tsp Baking powder
  • 1 tsp Salt
  • 2 Eggs
  • 1 cup  Strong black coffee, cooled
  • 1 cup Buttermilk
  • 1/2 cup Vegetable oil
  • 1 tsp Vanilla extract

eeggsegg

Ang isa sa gusto ko pag gumagawa ako sa cake na to ay yung wala masyadong effort na kailangan. Dahil siguro sa imbes na butter kasi eh vegetable oil ang kailangan na sangkap. Walang softening o melting-melting kembular of butter na minsan nakakapagod gawin.

At ang direction?

Directions:
1. Combine flour, sugar, cocoa, baking soda, baking powder, and salt in a large mixing bowl or stand mixer.
2. Add eggs, coffee, buttermilk, oil, and vanilla.
3. Beat at medium speed for two minutes. Batter will be thin.
4. Pour batter into a greased and floured 9×13 pan or two 9 inch cake pans.
5. Bake at 350 degrees for 35-40 minutes for a 9×13, or 30-35 minutes for layer pans.

Prep Time:     15 Min
Cook Time:     40 Min

balck magic cake-001

Aktwali, ang recipe ng Black Magic Cake ay may kasamang Chocolate Frosting. Hindi ko na isinama kasi madalas wala akong nagagawang frosting sa cake na to. Takam na kasi kami agad. At wa na kami pakels kahit walang frosting. Agad-agad ang lafang.

9×13 pan or two 9 inch cake pans?  Wala ako nyan na mga baking pans. Madalas sa isang round baking dish ko sya nilalagay para i-bake.

balck magic cake-002

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagbake nito kasi ipinang-memeryenda namin to pag weekend. Ni minsan hindi rin ako napalpak sa recipe na to. 😀

balck magic cake-004 

Next time, pipilitin ko na magpigil at pipilitin kong malagyan muna to ng frosting bago namin lantakan. Eh kasi naman, kahit walang frosting ang Black Magic Cake na itey.panalo na talaga.

 balck magic cake-003

Post ako ulit ng BLack Magic Cake with frosting next time! Babosh!

HAPPY WEEKEND EVERYONE! 😀

 

 

oOo

Ang pag-ibig ay parang lotto. kahit ilang dasal pa ang dasalin mo na mapanalunan yan, kung hindi ka tataya, wala kang mapapala.