Wala na akong pakialam sa blog hits ko mula noong nag monetize ako ng Maruism.com. Paminsan-minsan ko na lang sinisilip ang blog stats sa dashboard ko. Since nawawalan na ako ng oras makapag bloghopping dahil sa mga paid tasks ko, hindi na rin ako umaasa na dadayuhin rin ako ng mga bloggers na pinapasyalan ko dati ang site.
Pero kahit papano ay hindi pa naman nabe-betlogs ang hits ng blog ko pwera na lang noong nag Maintenance Mode ako. Kahit papano nasa average 300 hits a day pa rin naman ako. Kaya nagpapasalamat ako dun sa mga loyal visitors ko na rain or shine, even if its raining cats and dogs, tamaraws and carabaos, kahit may transport strike, kahit brownout at kahit walang internet sa kanila ay dumadayo at sumisilip pa rin dito sa kuta ko. Mabohey kayo!

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 



