Exchange Links Tayo

May blog o website ka ba? Gusto mong makipag EXCHANGE LINKS? Open ang MARUISM para makipagpalitan ng link. Add nyo ko…add ko kayo…add-add tayong lahat para ebribadi hapi! Chos.

Hindi nga, kung sino man ang gusto makipag EXCHANGE LINKS …sutsutan kalabitin inform nyo lang ako. Nag-check kasi ako lately ng mga nasa blogroll ko. Susme, dami pala mga naka-add sa akin na mga BLOG noon na waley ng life sa ngayon. Mga dedo na. Mga mahigit ng isang taon na walang update kaya tsinugi ko na rin.

Pwede nyong iwan as comment ang URL nyo para naman may bago din akong mabisita na mga blogs. Nami-miss ko na ang mag bloghopping at medyo sawa na ako katatambay sa mga porn sites. Hihi! Joke!

Pa-share naman URL ng site nyo, mga ‘langga. Hokey?

 

 

oOo

Konting Ayos at Linis

Today, I gave my phonebook a major overhaul and discarded the names of people who take me for granted and also those names na sa palagay ko ay nakipag-meeting na yata kay San Pedro dun sa heaven. Meaning, mga dead phone numbers na.

Tsinek ko na rin ang mga nasa blogroll ko at pinagde-delete ko na rin sa list yung mga dead link. Ang dami ng mga bloggers na pinabayaan na ng tuluyan ang blog nila…yung iba 2008 pa yata ang huling blog post. Yung iba naman amoy-agiw na ang site nila. Nasaan na kaya sila?

Dati ang saya-saya namin sa WordPress, sa mga bloghopping namin lalo na noong nauso ang  TAG o MEME na mga pa-ek ek.

Naglinis na rin ako ng internal hard disk. Tsinugi ko na ang downloaded programs na wala naman pakinabang. Nag-defrag na rin ako ng HD. Pinuno ang Recycle Bin ko ng mga unnecessary files and eventually emptied the trash.

Pinag de-delete ko na rin ang Adobe, Camfrog (Deym u, Kamprag! Never again!) at iba pang mga kaeklatan na pampasikip lang sa baul ng netbook ko at mga pampagulo sa buhay ko.

Mga konting pagbabago pa lang ang mga nabanggit ko. Tiempo at bagong taon na rin kaya kelangan ng paglilinis at pag-aayos ng mga bagay-bagay. Hindi man malakihan ‘tong ginawa kong mga pagbabago, heck!, what matters most is that I am slowly transforming and changing…hopefully for a better me.