Kwik Tip 05: Cereal Box As Book Holder

Uulitin ko, kung pwede wag po tayo tapon ng tapon ng mga bagay na pwede pa naman i-recycle. Para maka-menos na rin po tayo sa itinatapon na basura natin.

Naks! Kunyari Save Mother Earth and Recycling Advocate si Mamaru. Hehe! Iba ang tama ko ngayon. Normal-normalan ang trip! 😀

Enweys, may empty cereal boxes ba kayo diyan? Pwede kasi gawin book or magazine holder yan.

cereal box

Jupitin lang ng ganitey ang box. Mas bigger ang box mas better.

cereal box-001

Ganyan! Pero kung gusto nyo na mas chica tingnan ang book holder nyo, pwede rin balutin nyo ang ng used Xmas wrapper o ng kahit anik-anik na pambalot lang depende sa trip nyo.

cereal box-002

Napilitan akong gawin ‘to kanina kasi naalibadbaran ako sa mga gamit pang-school ni Unica Hija na nakatiwangwang at kung saan-saan nakalagay.

Pag may nakalimutan kung saan nailagay, ako pa naman ang madalas na tanungan ng mga nawawala nilang gamit. Kakapikon minsan kasi nakakapagod din ang sunod ng sunod at magligpit lagi ng gamit nila.

cereal box-003

Ayan, nagawan ko rin ng paraan para maging maayos ang mga gamit nya. Tiyak ko matutuwa ang amo kong babae mamaya pag-uwi nya galing school.

Haay buhay-kasambahay nga naman…

oOo

“Yung feeling na magka-relasyon pa kayo pero hindi mo alam nag-LET GO na pala siya.”