Walis-Tingting

As of this writing, nasa ulo ko pa rin ang korona at sa akin pa rin nakasabit ang mga sash na may letrang “Miss Matiyaga 2014” at “Miss Masipag 2014” dito sa barangay namin. Charot!

Eto ay dahil sa imbes na bumili, putragis, ako ay nagtiyaga at nagsipag gumawa ng sariling WALIS-TINGTING para magamit dito sa bahay. Hahaha!

stick broom (3)

Pinaputol ko kasi ang kaisa-isa kong puno ng niyog dito sa lupain ko.

Imbes na itapon agad ang mga sanga at dahon, naisipan kong pakinabangan muna at gumawa ng mga walis.

stick broom (1)

Aver! Inguso nyo nga sa akin kung sino diyan sa mga kakilala ninyong single moms na kasing-sarap ko ang may talent sa paggawa walis-tingting?! Hahaha! At nagyabang talaga ha.

Pang 1-year supply lang naman ang nagawa ko.

 stick broom (2)

O ha! Sey nyo!

Ang hapi ko kasi naka-save ako ng pambili ng walis para sa bakuran ko  at hindi nabawasan ang milyones kong kayamanan. Hahaha. Ako na talaga!

 

 

oOo

“Don’t talk to stranger, unless they’re hot.”