Tuloy Na Tuloy Ang Pasko

Kahit ilang araw na lang ay Pasko na, hindi pa rin ako nagpapaawat sa paggawa ng kung anik-anik na dekorasyon dito sa hauslalu ko. Parang ang OA ko na nga eh.

Pero dekorasyon lang naman na hindi ko na kelangan pagkagastusan ng bongga.

mini xmas tree

May bago akong mini-christmas trees na gawa sa balat ng plywood na nalaglag mula sa ceiling ko. Hehe!

Inaanay na kasi yata ceiling ko ah. Naglaglagan na.

mini xmas tree-001

May garland din.

 xmas garland

Ho! Ho! Ho!

xmas garland-001

Nag umpisa na rin kami ni Keziah magbalot ng gips.

 brown bag wrap

BROWN SUPOT. Para walang gastos sa krismas wrapper…at tutal madami kaming brown supot na pang-microwave popcorn namin dito, eto na pambalot namin.

brown bag wrap-001

O di vah, para-paraan lang yan!

brown bag wrap-002

Hindi man sosyal ang dating ng pagkabalot eh wala akong pakialam! Lol!

Wala naman yan sa wrapper eh. (Nag-esplika.)

brown bag wrap-003

Matuloy man o hindi ang Gangnam Style Concert ni Psy dito sa Pinas, Kebs!

Basta tuloy na tuloy pa rin ang Pasko. 😀

Happy Wednesday everyone!

 

 

oOo

"Dear Inaanak, maglaro tayo ng tagu-taguan sa Pasko."