Tag Archive for brownout

Ramdam Nyo Rin Ba?

Nakaka-experience na rin kami ng rotating 1-2 hours brownout dito sa planeta namin sa Mindanao. O di ba, parang nakakapikon naman ang gobyernong ‘to ng Pilipinas. Ang pagkakaalam ko, hindi pa humuhupa ang tubig-baha ni Ondoy last October 2009 ay alam na ng mga kinauukulan na susunod na ang problemang El Nino.

Alam nila (gobyerno) noon pa na  posibleng kumonti ang supply ng tubig….bakit hindi sila nagpa-igib nang nagpa-igib? Sana inumpisahan na nila noon pa ang mag-ipon ng tubig na dram-dram hanggang sa maging isang Dam!  Uy! Nag-rhyme! Hehe!

Di nga, dapat man lang sana ay pinaghandaan talaga ‘tong tag-init na ‘to para naman hindi nagkaka leche-leche ang mood ng isang Juan de la Cruz.  Ramdam nyo ba ako? Eh kasi naman nang dahil sa brownout na ‘to…naaantala din ang pagyaman ko. Lol!

Hays…kunsabagay, ano nga ba naman maaasahan mong  gagawin na solusyon ng isang Energy Secretary na isang dating heneral. Ano naman alam nyan eh pagsusundalo at giyera nga ang forte nyan!

Ibang klase talaga ang nakaupong presidente ngayon…halos puro mga taga-militar ang mga inilagay sa kabinete nya. Kaya naman eto tayo ngayon na mga pinoy – puro pikon. Ang tanging nagagawa na lang natin  talaga sa ngayon ay ang manggalaiti sa inis.

Sa sobrang init ng panahon, napipilitan na tuloy akong rumampa dito sa bahay ng naka-tupis lang. Lol!

Kingina! Lunes na lunes eto ako…ranting! Hmmn…di naman kaya malapit na ako reglahin?