Sa tagal kong mag isa sa buhay, natuto akong aliwin at pasayahin ang sarili ko ng ako-ako lang. Uyyyy! Yung mga malilikot ang isip diyan, I’m sure iba ang nasa isip! Tse kayo!
Well, I maybe alone but I’m not lonely. Matagal na akong nakapag-adjust kahit isang buwan mo akong iburo sa loob ng bahay. Eh siguro nga dahil sa matagal ko ng nakasanayan ang pagiging solo parent din.
Madalas naiiwan akong mag isa sa bahay lalo na pag weekdays. Pag tapos na ang lahat ng duty ko bilang maalindog na kasambahay ng mga bagets ko, dito na ako tambay sa internet para manood ng porn gawin ang mga paid assignments, mag-blog, makipag bonding kay bespren Google at siempre makipag-chat paminsan-minsan sa mga fans. Lol!
Pero siempre, ako ay isang magandang tao lang at minsan inaabot din ako ng pagka-burat bored. Op kors, dahil madiskarte ako, ginagawan ko rin yan ng paraan.
Sa mga nagcha-chat sa Yahoo Messenger, napansin nyo ba na mas lalong dumami ang SPAMMERS ngayon? Buset na buset ako sa mga lintek na pop-ups na yan! As in!
Yung biglang may mag he-hello, ha-Hi o kaya Hey kunyari sa ‘yo. Susme, ilang beses na akong nadale nyan noon. Ako naman na isang shunga-shunga din, mag he-hello din tapos tsaka ko na lang mapapansin sa second hirit nila na parang robot o isang answering machine yata ang kausap ko?!! Paksyet talaga! Parang gusto lang makipag-gaguhan!
Impernes, nag level-up na ako at mabilis na ako ngayon maka-detect ng spammers kaya ini-ignore ko agad.
Pero wag ka ‘day, kanina out of boredom, fotah! pinatulan ko yung isa!
Alam kong SPAM itetch pero pinag-aksayahan ko talaga ng panahon. May pa “for all i care!” pa ako, tapos susundan din naman pala ng tanong na “how’s ur low IQ?”
Hehe! Natawa at naaliw naman ako sa sarili ko ng saglit. Inabangan ko kung ano ang mga susunod na sagot ng spammer sa akin pero bigo ako. Sabi ko sa sarili ko, PANIS naman pala ang may imbento ng SPAM na ‘to!
Hays…kakaaliw din ang maging tanga at abnoy. Sana lang hindi ko maging hobby ‘to.




