Sabado, mega-attend ang Mamaru sa Sacrament of Confirmation ng bagets kong babae sa school nila. As usual, dahil single momma ako, natural na solo na naman akong gomora. Daming peyrents, dami din hindi peyrents! Pagdating ko sa school…avah! Shak ako! Bakit sobrang daming tao? Dahil ba alam nilang darating ako? Napakaway tuloy ako sa mga pans. Charot!
Kalukring! Sa mahigit 200 students na ginawaran ng Confirmation, anak ko lang yata ang walang sponsor. Habang yung ibang students, bukod sa magulang nila, 1-3 yata ang bitbit na mga godparent. Bukod sa wala akong maisip na kaibigan para i-request as sponsor ni Keziah…hindi na rin talaga ako nagpursige pa. Asows! Sponsor-sponsor ka diyan! Pagdating ng Pasko at birthday nila eh nakakalimot at nagtatago lang naman ang mga yan. Haha!
Kaya naman kaming mag-nanay lang ang namukod-tangi noong Sabado. As in dalawa lang kami ni Ziah ang rumampa sa runway aisle palapit sa obispo. Buti na lang din ang mga junakis ko eh mga cool lang. Siempre mana sa akin ang pagka-cool. Char! Hindi sila yung tipo na ma-emote. Yung tipong nagtatanong ng …"Bakit sila meron? Bakit ako wala?" Yung mga ganung sentimyento. Mas ma-emote pa nga ako eh. Hehe!
Walang sponsor ba kamo? Kever naman! Naiintindihan yun ng mga anak ko – na hindi kabawasan ng pagkatao nila ang walang ninang o ninong.
Heniways, natapos naman ang okasyon na keri lang. Lumafang na lang kami pagkatapos.




