Bumisita ang ate ko noong isang araw. Sarap pag bumibisita yun dito sa bahay kasi laging may dalang —-LAFANG! Nahalata yata na wala syang nadadatnan lagi na pagkain dito sa haybols ko kaya ayun - nagdadala na. Hehe! Last time nga, bukod sa dalang isnaks, may dalang lechon manok din para hindi na daw ako mag abala pa sa pagluluto ng pang dinner namin. O di ba, kung ganyan lahat ng Ate sa mundo eh sigurado hapi-hapi ang lahat.
Siempre chikahan kami. Update ng mga chizmax tapos naitanong ko kung bakit hindi nya kasama si Bayaw. Ayun, may LQ pala sila! At alam nyo ba kung ano pinag awayan nila? Yung mga kalat lang naman ni Bayaw sa workstation nya dun sa likod ng bahay nila. Dun kasi nagbubutinting si Bayaw ng mga kung anik-anik.
Nangingiti ako sa habang naglilitanya Ate ko. Kesyo ang gulo-gulo daw ng mga gamit, eyesore daw ang mga kalat, blah blah blah at pag nililinis o nililigpit naman nya eh nagagalit daw si Bayaw. Nag aalburuto dahil ayaw nga nya na ginagalaw yung mga kalat nya.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 



