Hagdan, Hagdan, Bakit Ka Ginawa?

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Inner-thoughts

Tapos na ang extended days-off ko. I didn’t feel fully rejuvenated pero ok na rin. Kahit papano nagkaroon ako ng break sa daily routine ko as domestic engineer. Kahapon, pauwi na lang ako ay na-imbyerna pa ako ng todo sa huling araw ng bakasyon ko. May mga tao talaga na kasiyahan na yata ang makapang asar! May mga talent silang palpak dahil palaging wala sa tyempo ang pang-aasar na ikapipikon mo talaga hanggang buto. Katatapos lang ng period ko pero parang duduguin ako ulit sa sobrang inis ko kahapon.

Anyways…hindi tungkol diyan ang topic ko. Eto yun.

“…puro yabang. pasikat! Palpak naman!” 

Read more…

Biyaheng-Langit

Author: MARU  //  Category: Inner-self, Moo

Last month lang lumipad ako from Cagayan De Oro to Manila via Cebu Pacific Air.

Nai-blog ko na rin ang hinaing ko tungkol sa ka-kuripotan ng eropleyn na ‘to. Pero impernes naman, kunswelo na rin ang palaging pag-assign nila sa akin sa may window seat kahit hindi ko nire-request upon check-in. Peborit ko kasi umupo sa may bandang bintana.

Nagkaroon din ako ng memorable moment sa huling sakay ko ng CebuPac kasi naman, sa pagkakataon na yun I was able to witness the grandeur of God’s creation - the view of the SUNSET sa ere! Ganda! Iba talaga ang dating sa akin ng sunset. Habang pinapanood ko ang paglubog ng araw sa himpapawid, para na rin akong nakaharap sa isang napakalaking canvass ng pinakamagaling na pintor ng sanlibutan - si God.

Read more…

kurifot na eropleyn

Author: MARU  //  Category: General

John Gokongwei Jr. is the 6th Forbes Asia Top 10 Richest Filipinos. Tuwing napapadaan ako sa Ortigas Center…di ko maiwasan pilipitin ulo ko para tingalain ang nagtataasang building na yung iba ay pagmamay-ari ng mga Gokongwei.

Grabe! Ang yaman-yaman nila. Di ko nga ma-picture sa utak ko kung ano ang itsura ng bilyones nilang pera. At ano kaya klaseng pamumuhay meron sila? Kumakain din kaya sila ng isdang-paksiw na may amplaya? O kaya pritong galunggong na may sawsawan na toyo at kamatis? Ginto kaya etchas nila? Wahihi. Nakapikit din kaya mata nila kung natutulog? O baka naman sa kaiisip kung papano pa palalakihin negosyo nila eh walang tulugannnn na.

Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sa laki ng yaman nila, bakit di nila makuhang magpa-meryenda man lang sa mga pasahero sa pag-aari nilang Cebu Pacific Air.

Suki na ako ng Cebu Pacific Air kahit noong hindi pa uso ang promo fares nila. At kahit noon pa man eh tipid na tipid na sila sa inflight snacks hanggang sa tuluyang hindi na nga sila nagbibigay ngayon. Sabi nga ni brader ko, kahit nga daw yung international flights nila alaws din daw lafang.

Sus, naturingan pang sila ang isa sa pinakamalaking manufacturer ng mga junk foods o chichirias ng bansa - ang Universal Robina Corp. Kainis, di man lang nila makuhang magbigay ng kahit tig isang Chiz Curls o kaya Maxx menthol candy para naman hindi mapanis ang laway. O kaya kahit Boy Bawang na lang para may manguya ang mga pasahero.

Wag na wag ka sana sumpungin ng pagka uhaw habang nasa biyahe… kasi hindi libre at bibilhin mo ang tubig sa kanila. Pinakamaliit na bote ng mineral water ay singkwenta pesos! Nakmanpepe! Balak ko na tuloy magbaon na lang din ng sarili kong tubig, kanin at ulam sa susunod na sasakay ako sa kanila.

Napaghahalata bang mahilig ako tsumibog? Hehehe! Ang sa akin lang naman ay—halos pareho lang naman sila ng promo rates ng karibal nilang Airphils tsaka PAL pero bakit ang mga ‘to eh merong naibibigay na makukukot sa pasahero?

Di ako magtataka kung balang araw pati pag wewe sa lavatory ng CebuPac ay may bayad na rin na P5. At MAS lalong hindi ako mabibigla kung isang araw pagpasok ko sa loob ng eroplano eh electric fan na lang ang gamit ng CebuPac para talagang todo-tipid sila sa gas! Ayos!