Matagal ng uso ang mga instant anik-anik na nabibili sa palengke. Isa na ako dun sa mga laging may stock ng mga instant recipe mix. Eh kasi naman malaking tulong talaga ‘to sa mga working moms o kaya sa mga nagbibisi-bisihan na mga nanay gaya ko.
Kagabi, para naman maiba ang luto ng manok namin, nag afritada ako. Bukod sa manok, eto ang mga nahagilap kong abelabol sa kusina namin: Baguio beans, patatas at afritada mix.





