Bon Voyage, Clarisse

Isa sa pinakaaabangan kong pangyayari last December ay ang muling pagkikita namin ng kababata kong si Clarisse.

I was born in Calbayog City, Samar at naging masaya ang naging childhood ko dun dahil sa mga kababata, kaibigan, kalaro, kaklase, at mga kaharutan kong mga ‘to.

Aktwali, apat kaming close na magkababata. Yung dalawa ay mga citizen na ng ‘Merika at Canada. Ako lang ang naiwang “local” kasi pati si Clarisse ay Brits citizen na rin at naninirahan na sa London.

with clarisse

Gaya ko, single mom (with 2 kids) din ang friend kong ‘to. Sobrang kahanga-hanga ang tibay at tatag ng friendlalu kong ‘to. Hindi ko nga lang pwede i-chika dito sa blog ko ang wento ng buhay niya. Pero grabe ha! Sa mga kumplikasyon na pinagdaanan nya sa buhay (na ngayon ko lang nalaman), kung paano nya nalagpasan at na-keri lahat, saludo ako! Bow na bow akels! Walang sinabi ang tsinelas na Spartan sa kanya – Ang TIBAAAAY nya! Parang ako lang. Chos. (At talagang sinama ko pa sarili ko ha.)

After more than 30 years, last month lang ulit kaming nagkita sa Cagayan De Oro City. Di ko ma-explain ang excitement at saya ng muling pagkikita namin.

Kaso, BITIN.

Kasi one day lang kami nagkasama. Pero di bale, feel na feel kong muling magkikita at magkakasama pa rin kami balang araw.

Nway, balik-London na sya today.

Hanggang sa muli, sweetie pie!

Ingat lagi.

true friendship 

oOo
”There’s something about childhood friends that you just can’t replace.”