Its Beginning To Feel A Lot Like Christmas…

Wala ng makakapigil pa. Matutuloy talaga ang Pasko sa pamamahay ko. Lol!

Bising-bisi akey sa mga kung anik-anik.

XmasDecor-001

XmasDecor

XmasDecor2012-003

XmasDecor2012

XmasDecor2012-001

XmasDecor2012-002

XmasTree2012

XmasTree2012-002

XmasTree2012-001

It’s so truelagen talaga. Christmas, Β It’s the most wonderful time of the year. πŸ˜€

 

Happy weekend everyone!

oOo

“Kapag puro pangit na lang ang nangyayari sa buhay mo, tumingin ka lang sa salamin. Para makakita ka ng maganda.”

Esep-Esep 13

epic-awesome-photos

  • …umpisa na naman ng isang bagong linggo at ang daming lilinisin, wawalisin at liligpitin dito sa mention ko.
  • …13 more days to go, Pasko na! Napadaan ako sa mall kahapon at napansin ko na ang mga pipol na katatanggap lang siguro ng BONUS nila at nakagawa siguro ng list nila para maka-buy ng gifts ay parang nagpapanic-buying talaga. Kaka-inggit! As usual, si Mamaru nagpapanic lang, walang buying. πŸ™
  • …ni hindi ko alam ano ang ino-Noche Buena ng buena familia ketch. Makakapag-roast kaya kami ng isang buong COW sa Pasko? Charot!
  • …pwede kaya magbigay ng PROMISSORY NOTE na lang muna sa mga inaanak ko?
  • …at JOY and CONTENTMENT na lang din muna kaya ang ibigay kong legaro sa mga kaibigan at kamag-anak? OK lang kaya sa kanila?
  • …mas excited ako sa pagdating ng NEW YEAR. Gusto ko ng panibagong panimula para sa lahat-lahat na.
  • …Happy Monday everyone!

oOo

“PAPEL ka ba ? Kasi SHEET ka!”

Naiibang Pasko

Minsan kung sino pa yung taong masyadong abala sa trabaho at hindi ko inaaasahan na magkakaroon ng panahon sa akin at sa mga anak ko, na kung tutuusin ay hindi naman kami kaanu-ano ay yun pa ang nakakagulat na talagang gumagawa ng paraan para mabigyan kaming mag-iina ng pagkakataon na magkaroon ng naiibang experience, ang makapag-bonding, mag celebrate ng pasko sa isang lugar na kung ako lang siguro ang aasahan ay hindi ko talaga madadala dun ang mga anak ko dahil wa ko afford..

Sabi ko nga, sa loob ng 16 years ng pagiging solong-nanay…ngayon lang ako nakatanggap ng naiibang imbistasyon dahil hindi lang yun para akin kundi kasama na pati mga anak ko. Malamang pag hindi ka nanay at nabasa mo ‘to…siguro mapapa ismid ka, tataas ang kilay at malamang sasabihin mo sa sarili mo na “ano naman kaya ang “big deal” dyan sa imbistasyon na yan? Sus, para yan lang eh dapat pa bang i-blog?” Well, sana nga ay walang magtanong ng ganito sa akin dahil baka masampal ko lang ng lep en rayt. Bwahaha! Ang Taroosh!

Hmp! Tama na nga at hanggang dito na lang muna. Basta masaya at memorable sa amin ang pasko namin mag-iina noong Tuesday. Mababaw na kung mababaw, bakit ba! Eh sa happy kami. Eh kayo ba masaya? Bleeh!

 

Mood: Grateful πŸ˜†

 

After Christmas – 11
Well, the event happened … we gave, received, enjoyed, celebrated, worshipped … now what? Can we keep it going?

Parang Kailan Lang

screenshot_52

More or less 5 years na yata ang huling nagkasama-sama kaming mag-iina na lumuwas ng Manila. Netong mga huli, kadalasan si Keziah na lang ang lagi ko nakakasama sa biyahe at laging nagpapaiwan sa bahay yung bagets kong lalaki. Hindi ko naman mapilit noon kasi nga nagbibinata na at ayaw na sumama o bubuntot-buntot sa nanay. Teenager na kaya mas gusto pa nya ang maiwan sa bahay at magpaka-adik sa online games. Hinahayaan ko na lang kasi gusto rin nya yung nagiging independent sya paminsan-minsan.

Ngayon, kumpleto kaming bumiyahe para makilanghap sa polluted na hangin ng Manila. Makikikain ng noche buena sa bahay ng bunso kong kapatid. Makikipasko.

Napaaga ang dating namin sa airport ng Cagayan De Oro noong isang araw kaya ang tagal namin na nakatambay sa pre-departure area, siguro mga 2-3 hours din kaming naghintay ng flight namin bound for Manila. Parang nakakapanibago sa akin ang biyahe namin na ‘to kasi malalaki na ang mga kasama kong mga anak na dati-rati eh akay akay ko o karga-karga ko tuwing may biyahe kami. Ngayon parang ako na ang pwede nilang kargahin. Lol.

Parang kailan lang sa magkabilaan na hita ko sila nakaunan, tulog habang nasa biyahe. Ngayon, ibang iba na and as ive said, nakakapanibago. Parang mas enjoy ngayon kasi nakaka-kwentuhan ko na sila ng seryoso. Nagkakabiruan na kami. Parang mga barkada ko nga lang ang mga kasama ko. Tawanan. Kilitian. Halakhakan. Asaran.

Hindi naman nila pers taym na bumiyahe ng eroplano pero mas napansin ko ngayon na mas observant sila sa mga nangyayari sa paligid. Parang gusto nila tandaan ang mga ginagawa namin habang bumibiyahe. Kanya-kanya kaming bitbit ng mga bagahe namin. Sadyang marami talaga ang naituturo ang pagbibiyahe. Isa ‘to sa mga leksyon sa buhay na hindi naituturo sa loob ng school classroom – ang exprerience.

Next year, college na si Kevin. Umpisa na ng pagbubukod nya sa amin. Mga apat na taon pa siguro mula ngayon, si Keziah ko naman ang magko-kolehiyo. Waaaaahhh! At maiiwan na ako mag isa. Huhuhu!


Kansel Na Muna

Feel ko mag senti ngayon. Habang papalapit ang bertdey ni beybi jesus parang nalulungkot lang ako. Nadagdagan pa ng mga napupuntahan kong mga blog kung saan ang mga topic ng entries eh mga krismas party nila, mga xmas wishes nila, mga pinagkagastahan sa mga bonus nila at kung mga anong food ang ihahanda nila sa noche buena etc. etc. etc. Leche! Sige mag-inggit pa kayooooooo! Lol.

Continue reading

No Christmas Tree For 2007

Dati rati, October pa lang eh nag iisip na ako ng color motif para sa xmas tree ko. Pagsampa pa lang ng November inilalabas ko na ang puno, ang kahon ng mga decors at trimmings na pang krismas.

This holiday season, sa brother ko sa Cainta kami lahat magpapasko. May tickets na kami ng mga bagets ko at kasama niece ko plus her son. Parang ayaw ko na nga tumuloy kasi mami-miss ko ang mag decorate ng bahay tuwing pasko, ang gawin festive ang ambiance ng sala namin.

Continue reading