Usapang Kape

Kever ko naman kung wala akong boyplen sa buhay…ang importante sa akin ay yung wag lang akong mawalan ng kape sa bahay! (May exclamation point talaga ha!)

Enwey, usapang kape po itey.

coffee

Habang tumatagal ako sa pagiging sugapa ko sa kape, I realized na kung pwede ay ayaw ko na uminom ng basta-bastang kape lang. (Hihihi! Arte!)

Maarte na kung maarte. Pero sa totoo lang, hindi na ako masyadong nag i-enjoy sa mga instant o kaya 3-in-1 coffee lang.

Hellloooo! Matagal na kaya akong nag level-up sa pagiging adik sa kape noh! 😀

Hindi ko naman sinasabing hindi na ako umiinom ng instant coffee.  ‘Kako, hindi na ako nag i-enjoy.

Para sa akin kasi, ang pag-inom ng kape ay dapat ini-enjoy. Parang sex lang ang pagkakape. Hindi dapat minamadali…dapat ninanamnam…higit sa lahat – dapat ini-enjoy! Charot!

At iba siempre ang brewed coffee kumpara sa instant.

Heniweys, alam nyo bang nadiskubre ko na mas nakakamura pala ako kung bibili na lang ng whole coffee beans mismo kesa mga instant o kaya 3-in-1 coffee? Susme, malaki pala ang deperensya. Lalo na kung ikukumpara ang presyo dun sa mga branded gourmet ground coffee. Syet, napaka-mahalia jackson nung iba!

Yun nga lang, kung bibili ka ng whole coffee beans eh kelangan mo ng coffee grinder at coffeemaker. At medyo gugugol ka ng konting time bago ka makapagtimpla ng kape.

Howel, yun naman ay kung gusto mo makahigop ng MASARAP na at tunay na kape.

coffee beans

Dito sa pinagkukutaan ko, may nabibili akong Robusta whole coffee beans sa halagang P150.00 lang ang kalahating kilo. Libre giling. Pero ako, hindi ako gumigiling hindi ko pinagigiling.

Pramis, ang kalahating kilong coffee beans ay sobrang daming tasang kape na pala ang magagawa.

Nakumbinse tuloy ako na tubong-lugaw pala talaga ang mga negosyanteng may coffee shop.

ground coffeeNga pala, wala akong coffee grinder. I use my blender machine when I grind my coffee beans.I always grind the coffee beans very finely. At hindi ko ginigiling ang half kilo ng whole coffee beans ng minsanan lang. Pakonti-konti ang gina-grind ko…good for 1-3 days lang. Para kahit papano ay freshly ground ang kape ko. 😀

Ibang-iba talaga talaga ang lasa ng kape kung ikaw mismo ang nag-grind. Bukod sa nakaka-high ang aroma na humahalimuyak sa kabahayan mo, napoprorotektahan mo pa ang robust flavor of your coffee. Masarap na, nakakamura ka pa! San ka pa! Chura lang ng Starbucks coffee.

Nakakasiguro ka pang pure coffee talaga ang iniinom mo dahil ikaw mismo ang nag-grind at walang filler. Dinig ko kasi yung ibang nabibiling gourmet ground coffee ay may filler DAW o may mga hinahalong iba kaya hindi ka nakakasigurong purong-puro yung kape.

Btw, how do you want your coffee? Mine, with milk or coffee cream lang. No sugar.

black n decker coffeemaker

Malaki ang utang na loob ko dito sa 18-year old coffeemaker ko. Binili ko ‘to noong working girl pa ako sa Dubai.

Kala ko bumigay na ‘to noon…buhay na buhay pa pala para patuloy akong bigyan ng kasiyahan araw-araw. Naks! Napaka-echosera ko.

La lang…naisipan ko lang isulat ang tungkol sa kape kasi while writing this entry…am having my cup of coffee…at nag i-ENJOY. 😀

 

 

oOo

“I think, therefore I’ve had my coffee.”

5 Things That I love

Limang bagay na nagpapasaya/nagpapangiti sa akin ngayon.

1. My Notebooks.

my notebooks

(1) RECIPE Notebook ko itu.  Pangarap ko sana ang magka-iPad para mas madali ko nadadala sa kusina ang kodigo ng mga recipe na natatagpuan ko sa internet. Kaso poorita pa ako ngayon. Pero alam ko magkakaroon din ako ng iPad somedaypag hindi na uso yun. 😛 Sa ngayon, pinagtitiyagaan ko na lang muna ang mano-mano na pagkopya ng recipes sa notebook na to.

(2) EMO Notebook ko. Mas napakinabangan ko ang Starbucks Planner na itey as labasan ko ng ka-emohan. Dito ko sinusulat ang mga hinaing ko sa layp, mga pagsisikip ng dibdib ko (hindi dahil masikip ang bra ko) sa mga bagay-bagay, at kung anik-anik pang mga ka-sentihan at ka-shitan ko sa mga pangyayari. Hindi ko naman pwedeng i-blog sa takot kong baka pag nabasa nyo yun ay pagtsi-tsismisan nyo lang ako. Hehe!

(3) MINI-Notebook/Passport Holder. May kasamang mini-notebook ang passport holder kong to. Nagiging listahan ko to ng mga TO-DOs, listahan ng mga pinagkakautangan, mga pinagkagastusan, at kodigo ng mga bibilhin sa palengke/supermarket. Lagi ko dala-dala sa bag kasi maliit lang sya. Lagi ko rin dala passport ko kasi baka biglang kailanganin sa palengke (?) at baka harangin ako ng mga taga-immigration pag nasa galaan ang beauty ko. Chos! Hehe! Nagfe-feeling foreigner ang Mamaru sa sariling bayan.

2. The Body Shop LOVE ETC stuffthru the courtesy of my niece, Gay Lani.

body shop love etc

Aminin ko, hindi na ako nakakabili ng mga bagay para pang-meynteyn ng ganda ko. Chos!

Kakahiya man sabihin, ni bagong panty wala ako. Hahaha! Hanubah! Siempre, pag single parent uunahin talaga sa budget ang para sa mga basic needs. Kaya naman, pag nabibigyan ako ng mga kikay stuff gaya ng pabango o mga anik-anik na pampaganda eh, HAPPY na ang Mamaru! Hindi man ako lumalabas, madalas man akong magmongha sa balur ko, malaking tulong to para maging mabango ako at hindi ako nag aamoy-lupa.

Kaya tenkyu sa mga taong nagmamahal sa akin para mapanatili ko ang pagiging young, fresh, and delicious ko. Hihihi!

3. Black Matte Stainless Steel Coffee Tumbler + Pack of Ground Coffee

starbucks ground coffee

As usual, bigay lang ng Ate Ellen ko ang tumbler. A double-walled stainless steel tumbler. Pang Grande ang size.

Pero mas nai-excite ako dito sa ground coffee na binigay din sa akin ni pamangkin Gay Lani. Paano hindi mai-excite ang Mamaru, eh maha-habang panahon din yata na hindi masasayaran ang pang-jologs kong lalamunan na mas sanay lang sa 3-in-1 coffee. Heniweys, sushal-sushalan muna ang peg ko ngayon sa kape.

4. A Bag of Whole Bean Coffee

coffee beans

First time akong nabigyan ng whole bean coffee. Sa umpisa, ayaw kong tanggapin to kasi sabi ko, ano naman gagawin ko dito eh wala naman akong coffee grinder? Pero naisip ko, sayang din, kaya kinuha ko na rin Hehe!

As usual, takbo ako kay bespren Google para makahanap ng solusyon kung ano ang iba pang paraan para madurog ko ang mga coffee beans na itey, pag walang coffee grinder.

Ayun! Pwede pala i-blender ang mga beans! Solb agad ang problema ko. Sa ngayon, nagdudurog lang ako ng whole beans sa umaga, yung tamang-tama lang na pang 3 cups kasi yun ang sabi ni bespren Google. Wag durugin o i-grind lahat kung di naman gagamitin agad para daw fresh lagi yung coffee when brewing.

O ha! Stop muna ako sa mga instant coffee ngayon. Level-up muna ako.

Ako lang ang umiinom ng kape dito sa bahay. Pag hindi pa kumapit sa akin ang nerbyos sa katawan sa iinumin kong bottomless na kape, ewan ko na lang.

5. Black and Decker Coffee Maker

black and decker coffeemaker

Hulaan nyo kung ilang taon na ang coffee maker na itey?

Lumang-luma na to.

Mas matanda pa to kay Keziah. I think 18 yrs na to. Kita naman sa porma di ba? Digital na kasi ang uso sa mga coffee maker ngayon.

Sa ngayon, dito talaga ako pinakamasaya sa gamit kong to. Eh kasi naman, sa pagkakaalam kojunk na to! Sira na! Waley na kwenta! Hindi ko lang noon maitapon dahil sa senti value nya. Kung hindi pa ako nabigyan ng ground and whole beans coffee, hindi ko na to maaalala.

Noon ko pa gusto bumili ng bago. But since wala kasi akong pambili ng bagong coffee maker, napilitan akong linisin at i-try ulit kung gagana pa tong makina. Nagbaka-sakali lang naman ako.

Ampotah! Gumana nga! Yung bulb ng On and OFF switch lang pala ang ayaw umilaw kaya akala ko eh sira na! (Pundido) Pero its working! Halelujah! Lol!

Well, isa lang ang ibig sabihin neto. Tuloy-tuloy ang ligaya at tuloy-tuloy ang pagiging adik ko sa kape. 😀

 

oOo

Kung BOYFRIEND lang naman ang pag-uusapan. Wala akong pakialam kasi WALA AKO NUN.

Small Talk Over Latte

cafe latte

@CoffeeWorkshaving small talk over cafe latte in a rainy afternoon.

Habang nagpapaka-high ako sa aroma ng umuusok na kape sa malamig at maulan na hapon, pumasok sa isip ko Bakit ba! Buhay ko to.  It is my one time to be me and  I want to experience every good thing.  Kung ano man ibig sabihin neto, ewan ko din. English eh! Basta naisip ko lang sya. Lol!

Hard Habit To Break

I am a morning person who loves to start my day with a steaming cup of coffee. The smell, the taste, the caffeine lift in sipping freshly brewed coffee has become a habit to me – a habit that is so hard to break. Drinking coffee really perks my day. Its a fact that coffee has many benefits for our health and well-being. Recent studies said that it is rich in antioxidants and contains hundreds of pain-relieving and antibacterial compounds.

Continue reading

Coffee At Home

I am one of the millions of people around the world who love nothing more than to start my day with a steaming cup of coffee. The smell, the taste, the caffeine lift of freshly brewed coffee has become a habit to me. A habit that is so hard to break. Drinking coffee does not only perk my day. Also, it has many benefits for our health and well being. Recent studies said that coffee is rich in antioxidants and contains hundreds of pain-relieving and antibacterial compounds.

If you love coffee, but dont want to pay the high prices for a starbucks coffee, consider buying a machine to make great coffee at home. Brands like Keurig offers a wide range of coffee maker choices for all styles of coffee drinks. Keurig coffee-makers are with best features, convenient and offer easy maintenance and clean up options.