May Tulo

Author: MARU  //  Category: Inner-self

Habang tina-tayp ko ang entry na ‘to…may tulo ako. Tumutulo ang sipon ko na parang tubig sa gripo na hindi masyadong nahigpitan ang pagsara.

Kung kahapon ang tulo na dumadaloy mula sa ilong pababa sa labi ko ay manamis-namis pa, ngayon ay medyo maalat-alat sya at may kalapotan na. 

Wag kang mangealam  kung tinitikman ko ang sipon ko. Sipon ko ‘to! At walang masama kung dilaan ko sipon ko - lahat tayo ay nanggaling sa “sipon”.

Pucha! nasapul din ako. Last week ang bagets kong si Kevin ang nagka-common cold at dahil ako ang taga-hilot, taga-punas at tagapag-alaga nya habang may sakit, ayun nahawaan na rin ako. Lech!

Ang sakit ng katawan ko. Para akong ginahasa ng tatlong kabayo. Barado ang ilong ko kaya para akong tanga na nakanganga lagi para makahinga lang.

Alam ko na yung iba sa inyo ay malamang na mag-comment ng “get well soon, maru!”. Pwes maraming salamat. Your concern is good but I need cash. Mabuti na yung deretsahan na. LOls!

Yung mga walang pakialam sa akin at hindi magco-comment, isasara ko na rin comment form ko para hindi ako mainis sa inyo. Bleh!

Hays…hirap tumayo para magwewe…nahihilo ako. Parang gusto ko magpalagay na lang ng urinary catheter. Any volunteer? Lols!