Summer Cooler: Saba con Yelo

Sa sobrang init ng panahon kanina, hindi naiwasan na nag-init din ang bodylicious ko. Char!

Ang naging sagot naming mag-nanay sa init ng panahon kanina? Saba con Yelo!

Saba con Yelo

To make Minatamis na Saba:

In a pan combine 1 cup sugar and 1 cup water. Cook until the sugar is dissolved. Add 6 saba to the syrup. Simmer 10-15 minutes or until bananas are cooked. Cool then chill until ready to use.

In a glass, put some sliced saba with syrup.

Summer Cooler: Saba con Yelo

Dyaraaaan! Tig-isang baso kaming mag-nanay. Tsalap!

Summer Cooler: Saba con Yelo

SABA con YELO

oOo

"Kung nasaktan man ako, masaya ako na I took the risk" – Kim Chiu, I’ve Fallen For You (2007)

 

.

Summer Cooler: Ice Candy

Isa ‘to sa peborit kong mga summer coolers kahit noong neneng-nene pa ako. Parte ‘to ng kabataan ko, at madalas kong bilhin pag recess sa school.

Naaalala ko, may kababata ako sa Samar named Clarisse. Maramihan silang gumawa ng ice candy sa bahay nila kasi maraming bata ang nagbo-volunteer para maglako para sa kanila. Madalas kaming kumupit dun sa freezer nila. At alam nyo ba kung saan namin sinusuksok ang mga ninenok namin na ice candy para hindi halata? Sa garter lang naman ng funtee namin! Walang istir! Hihi!

Hays…eh sino bang bata ang ayaw sa ice candy?

Fruity Ice Candy

Kaya naman kahit malalaki na ang mga anakis ko ngayon…gumagawa pa rin ako ng ice candy dito sa bahay kasi gusto din nila ‘to ngatngatin pag nanonood ng TV. Lalo na ngayon – nagbabaga ang init ng panahon. Masarap ang kahit ano na malamig sa nguso.

Fruity Ice Candy

Gumawa ako mula sa concentrated fruit-flavored powder juice. Yung litro-pack sa 400ml lang na tubig para malasa pag tumigas na.

Buko Ie Candy  

Last week, gawa sa buko ang ice candy namin.