Coronavela

Hindi ko nasubaybayan at napanood ang mala-circus na kaguluhan sa korte ng Impeachment Trial ni Erap noong 2001. Eh kasi office gurl pa ang alindog noon ni Mamaru.

Ngayon sa ongoing CJ Corona Impeachment Trial, ay naku! Dahil full time mom na ako, taong-bahay, naka-front seat lagi ambeautyko sa harap ng telly namin for 3 days na with matching netbook sa tabi para magbasa din ng mga Tweets sa internet.

Hindi na ko magdadaldal ng mga detalye ng pangyayari mula first, second and third day ng trial para makaiwas-umay. Kasi halos kahit saan ka magpunta, mapa-diyaryo man, radio, forums, blogs at mga social networking, usap-usapan sa ngayon ang mga pangyayari sa trial. Sure ako marami na rin kayo narinig at nabasa. Aminin natin, minsan parang nakakaumay, di ba?

Ah basta! Ang masasabi ko lang, super-aliw ako sa kapapanood ng proceedings. Ayoko masyadong maging kritikal sa mga ginagawa ng lawyers ng defense at prosecution dahil isang single mom lang naman aketch na nagmi-MIRON at hindi abogado. Wa ko knows naman ang TAMA at MALI sa impeachment cheverloo.

Pero imperness, ang dami ko rin natutunan kahit papano. Ang sarap mag observe. Kahit minsan eh parang dumudugo rin ang utak ko kung paano iintindihin ang mga sinasabi ng mga character dun sa korte. Hehe! Napapa-Google tuloy ako sa mga terms na ginagamit nila.

Nakaka-amaze ang wit and brilliance ni Manong Johnny Enrile sa mga rulings nya. Si Justice Serafin Cuevas naman, at his age na 83…napapanganga ako sa sharpness nya. Josko! Parang ang sarap maging senior citizen kung magiging ganyan rin katalas ang utak ko sa pagtanders ko.

Ang Defense Team lead by Justice Serafin Cuevas, kumbaga sa basketball ay para silang Dream Team sa husay. Hindi ko naman sinasabing hindi mahuhusay ang nasa Prosecution kasi hindi naman din basta galing lang sa Iskul Bukol ang mga nasa team. Pero kumbaga sa football naman, it’s LA GALAXY vs PHIL AZKALS ang dating. Parang “nilalaro-laro” lang ng LA Galaxy (Defense) ang team Azkals (Prosecution). 😀

Maraming bloopers o katatawanan na nangyayari sa impeachment trial na ‘to. Napapalingon with matching gulat tuloy ang aso ko. Nagtataka si Sang dahil bigla akong napapahalakhak mag-isa habang nanonood. Hehe!

Heniweys, inaabangan ko ang paggaling at pagbabalik ni idol Miriam Santiago. Am sure mas bonggels ang arangkada pag andun si boombastic at ballistic Miriam Santiago! Ay! Ang saya tiyak!

Sumubaybay at manood po tayo sa impeachment trial na ‘to, mga kababayan ko. Tingnan natin kung magiging MALINIS ba at magiging PATAS ba ang magiging hatol kay CJ Corona sa kadulo-duluhan.

Para sa atin din mga Pilipino ‘to. Kaya, tara! Mega-watch tayo ng Coronavela tuwing 2pm. 😀

 

oOo

“Impeachment is not a remedy for private wrongs; it’s a method of removing someone whose continued presence in office would cause grave danger to the nation.”Charles Ruff