Sabado ng umaga nung nangaluluwa kami sa libing ng ate Lyza ko. Nakngwekwek! Habang binabagtas ko yung paliko-likong daan ng sementeryo sabi ko sa mga kasama ko. . .
“it’s final na talaga, pag ako natigok…i-cremate nyo ko!! Wag nyo ko ilibing sa sementeryo! Totoo! At no deal, no deal!! I made up my mind, yun ang gusto ko.”
Ayaw ko talaga yung idea na ililibing ako sa sementeryo na minsan lang sa isang taon lang kung dalawin ng mga mahal sa buhay dahil sa layo ng libingan. Tsaka ang lungkot-lungkot talaga sa sementeryo.
Mas trip ko kung sunugin na lang ang yummylicious and cheap body (murang katawan) ko hanggang sa maging crispy chicken abo tas ilagay na lang kahit sa garapon ng mayonnaise para all-year round ay andito lang ako sa bahay. Pwedeng ipatong lang ang cremated body ko kahit sa ibabaw lang tv stand namin para hindi na kelangan pumunta ng mga bagets ko sa sementeryo. Palagay ko mas praktikal at mas cool ang ganun.
Read more…
30
Jun
Author: MARU // Category:
Life & Leisure
Pasasaan ba at matitigok din tayo. Kung kelan? Eh sa takdang oras siempre. We all know that everybody dies, hindi nga lang sabay-sabay. Pero ano nga ba ang tsansa na madedo ka ng mas maaga-aga kesa iba. Eto may nanenok ako dun sa nabasa kong trivia-triviahan:
(Ref: LIFELINE Magazine, November 1996)
- Risk of death from FIREWORKS: 1 in 1 million — ( Parang ayaw ko maniwala. Pucha! Tuwing bagong taon dami kaya namamatay ng dahil sa lecheng fireworks na yan.)
- Risk of death from TORNADOS: 1 in 50,000
- Risk of death from being STRUCK and killed by a FALLING AIRCRAFT: 1 in 25 million
- Risk of death from SKYDIVING: 1 in 86,000 jumps — (Kung ako ay mag i-skydive, sa nerbyos ako mamamatay.)
- Risk of death from ASTEROID IMPACT: 1 in 20,000
- Risk of death from AIRPLANE CRASH: 1 in 20, 000 — (Sabi nga daw, pinaka-safe pa rin ang bumiyaheng sakay ng eroplano kesa barko. Hmmn… Sulpicio.)
Speaking of tsansa, naalala ko tuloy yung kasabihan tungkol sa pagtaya sa LOTTO - na mas malaki pa ang tsansa mong tamaan ka ng kidlat kesa tsansa na manalo ka sa lotto. Lols!