Matagal-tagal na rin (mga taon na rin ang lumipas) nung huling nasabihan ako ng, “wag ka makialam, buhay ko ‘to”.
Paano ko nga ba makakalimutan yung nakaraan, eh na depress lang naman ng nasabihan ako noon. I truly endured the sting of the rejection for days, weeks and months.
Kahit nasaan man ako, pag naaalala ko yung mga salita na yun ng ex-bf ko noon, otomatik na nagpa-pang abot na agad ang luha at uhog ko.
Nakasakay man ako ng dyip, naghuhugas man ng pinggan, nagbubuklat man ng magazine as in walang pinipiling lugar - crying lady na agad ako.
It took me quite some time before I was able to shake it off, i mean the feeling of being rejected. Then, akala ko talaga I have trained my hard-wired fear of rejection out of my system. Hindi pa pala.
Lately, sa kamalas-malasan nasabihan na naman ako ng kinatatakutan kong mga salita. Nakakatulala. Pakiramdam ko nasampal ako. Namanhid ako.
Howel, maybe hindi lang sinasadya na nasabihan ako ulit. Maybe I am just too sensitive. Maybe I have crossed the line. Maybe sumobra ako. Maybe I deserve it.
Pero wala akong sinisisi kung nasabihan man ako ulit ng ganun. Kasalanan ko, nanghimasok nga lang talaga siguro ako. So, sorry na lang ako.
Kaso, I admit I don’t have skin thick enough to completely ward off the effects. It hurt me big time. Hanggang wish lang ako na sana yung mga salita na yun will simply bounce off me like bullets of Superman’s chest. But I am no superhero. I am “only human”.
Nakaka-trauma, pero yan ang rejection lines na pilit kong iniiwasan na sabihin ulit sa akin kaya dumidistansya talaga ako makipag-close sa ibang tao kasi ayoko umabot sa puntong maging pakialamera ako sa buhay ng may buhay.
LOSER. This is the word I don’t allow myself to be called such as one. Pero NOON yun. Ngayon, ako na mismo ang tatawag sa sarili ko na ako ay isang malaking - TALUNAN! Para kasing hindi na ako natuto.
Even if it hurts, well, life marches on. Again, I have to view rejection as a learning experience. Hindi ko alam kung saan ako ulit magsisimula. Pero naiisip ko, the best way na lang siguro is to be silent, keep mum and move on.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 



