DIY Project: Table Runner

May sarili akong mundo nitong mga nakaraang araw pero masaya naman dahil sa enjoy ako sa pinaggagawa ko. (Busy ako sa pagdi-DIY! Opps! Wag kulot ang isip ha. Lol!)

Nakahiram ba naman ako ng sewing machine. Ala ey, sinamantala ko na ang pagkakataon! Nagtahi ako ng nagtahi. As in nagpuyat talaga ang Mamaru.

Sa wakas, dahil nakahiram ng sewing machine, na-repair ko rin ang mga nagsisikipan kong mga thongs at naburdahan din ng “Monday” to “Saturday” ang mga bikini ko. 😀 Hmmn…bakit walang “Sunday”? Eh hindi po ako nagsusuot funtee pag Linggo, day-off yun ng pechay ko para magpa-presko. Wahaha! Charot lang! Ang maniwala, magkaka-pigsa sa dila.

Table Runner

Iisa lang ang table runner ko para sa dining table namin. Ilang beses na akong naghanap sa mall ng pamalit pero wala akong magustuhan kaya naisipan kong gumawa na lang tutal marunong naman ako manahi at madami naman akong mga retasong tela na naitago.

Kung papansinin, magkapareho ang kulay ng runner tsaka ng kurtina namin. Noong nabili ko kasi ang kurtina, sobrang haba kaya mega-cut ko sha noon. Lahat-lahat, mga sobrang tela lang talaga ang  ginamit ko sa project kong ‘to. Wala akong ginastos, hindi nabawasan ang kaban ng salafi ko.

Table Runner

I have a lacey little black dress noon na ni-repair ko rin kasi mahaba sa akin. Hindi ko itinapon yung ginupit kong laylayan ng damit.

Kitams, buti na lang at hindi ko itinapon noon kasi napakinabangan ko ang retasong tela as patches dito sa proyekto ko.

black lacey cloth black patches

Again, gamit ang alindog at malikhaing-isip, ditey ko nilagay ang mga gawa-gawa kong patches.

formation of black patches

Gumawa rin ako ng mini-pompom para sa magkabilaang dulo ng runner.

mini pom-pom balls

Hmmmn…simple lang ang design ng table runner ko pero pwede na, di ba?

DIY table runner

Kunyari project ‘to sa Home Economics subject sa high school, ano kaya magiging grado ko? 😛

 

 

oOo

Our Home – Dining Area

Walang living room at dining room ang balay chenes ko. Living area at dining area lang. Pang-mayaman lang yata yung may room-room. Eh kami naman ni Kups ay nangangarap pa lang na yumaman.

Wala akong mai-post na ‘bipor en aptir’ na piktyurs para sa dining area namin.

Nabanggit ko na dati sa naunang post ko na ‘tong mga kagamitan sa bahay lalo na ‘tong dining set namin, na ako lang ang nag-assemble nyan (taas-noo). Huwag hamakin, mahigpit ang mga pagka-screw ko ng mga yan. Kahit makipag-chukchakan pa ako diyan sa mesa at mga silya na yan…hindi yan bibigay.Lol! Langya! Ang halay ko! I’m so bashtos!

DSC00826

Naikabit ko na rin sa wakas yung kurtinang naharbat ko sa ukay-ukay. Nabili  ko ‘to bago pa man kami nagpa-install ng sliding doors. Naalala ko noong nabili ko yung kurtina, parang sising-sisi pa ako sa jip. Esep-esep ko, syet! napamahal yata ako. 800 petot kasi lahat, dalawang piraso. Josko, binarat ko na ng husto yung tindera dahil wala naman talaga sa plano ko ang bumili. Para kunyari may lusot ako na wag bilhin.

Kaso, pucha! Pumayag ang impakta sa P800! Mabibigat ang mga kurtinang pinagpilian ko. Alam ko napagod din ang tinderang Maranao sa kabubulatlat ng mga paninda nya na todo pa ang salestalk sa akin. Napasubo na ako, binili ko na at baka dunggulin ako o kaya tadjakan ako palabas pag inisnab ko pa. Hehe!

Impernes naman, malapad ang na-kurti na yan, mahaba at pinutulan ko pa. Mukang bago pa. Swak na swak ang materyales para panangga sa init ng araw pag bandang hapon.

DSC00822

Medyo off ang pagka-pwesto ng desktop computer in between living and dining area. Parang hindi bagay at parang nakakagulo lang. Hindi pwede i-sekwester dahil gamit-gamit yan ng unica hija ko.  Iskwater  lang muna sya diyan dahil hanggang ngayon wala pa rin ako maisip na tamang lugar para sa kanya.