Pulot

May duda akong noong past life ko (noong hindi pa ako nare-reincarnate bilang josa), ay isa akong babaeng grasa o isang taong nangangalakal na mahilig mamulot ng basura sa kalye.

Kasi kaninang umaga lang, nang bumili kami ni Sang ng pandesal sa panaderya ay may nadaanan kaming mga tuyong sanga sa gilid ng kalye. Well,  ano pa nga ba ginawa ko kundi pinulot ko ‘to at inuwi sa mala-mansion kong bahay. Chos!

Pati aso ko nagtaka sa biglang pagbitbit ko neto at inamoy-amoy niya agad kung ano meron dito sa inuwi ko. Ewan ko ba, ang hilig-hilig ko mamulot.

xmas decom idea-003

Naisip ko lang kasi na tamang-tama ‘tong napulot ko mga sanga para pagsabitan ng mga ginawa ko kahapon. Ang mga kunya-kunyarian na snowflakes, na gawa sa mga disposable empty container ng jelly snacks.

 xmas decom idea

Imbes na itapon na lang ang mga plastic, kako pwedeng kong gawin dekorasyon itey.

xmas decom idea-001

Tapos ginamitan ko ng white spray paint.

White, kasi nga snowflakes kunyari, di ba?

xmas decom idea-002

Then I make sabit-sabit them to my pinulot na mga xanga-xanga.

xmas decom idea-004

O ha! Nagkaroon na kami instant DIY Christmas Tree na nakapwesto ngayon sa labas ng pintuan namin. Simple lang pero proud ang Mamaru kasi zero-gastos ako dito.

oOo

“Kung hindi niya pinapahalagahan ang effort mo, panahon na siguro para ipakita mo na hindi siya kawalan sa buhay mo.”