Homemade Coffee Body Scrub

Sa mga nasubukan kong mga body scrub, ang Coffee Body Scrub ang pinaka-paborito ko. Marahil dahil sa adik din talaga ako sa coffee.  Eh kasi naman, aroma pa lang ng kape eh nakakagising na talaga ng katawang-lupa.

Once a week ako kung mag-exfoliate ng belat balat. Ina-advise talaga na mag-exfoliate tayo ng katawan para matanggal ang mga dead skin natin. Heniweys, sabi ko nga, pinaka-dabest sa akin ang coffee body scrub kasi bukod sa madaling gawin ‘to sa bahay, mura pa at talagang epektib. Nakagamit na rin ako ng mga commercial body scrub na ang mamahal pa pero parang sa masarap na amoy lang sila panalo. Sa coffee body scrub lang talaga ako naso-solb.

Homemade Coffee Body Scrub

Coffee Body Scrub

Sabi nga sa pag-aaral ng mga dalubhasa, (naks! ang deep ng tagelog kow…da-lub-ha-sa!) dalawa sa mga benepisyo ng coffee body scrub ay pag inaplay sa balat at ikinuskos, nakakatulong ang caffeine content ng kape sa pag-redisribute ng fat cells at nakakatulong din ‘to sa pagbawas ng formation ng cellulite sa katawan natin.

Madali lang ang paggawa ng coffee body scrub. Tatlong sangkap lang.

coffee grounds

1. 1 cup Coffee Grounds

Yung gamit na giniling kapeng barako ang ginamit ko dito.

brown sugar

2. 1/4 cup Brown Sugar

coffeegrounds sugar olive oil

3. 2/3 tablespoon Olive Oil

Good for one month use ang madalas na pinaghahalo kong coffee scrub. Pwede din magdagdag ng ibang essential oil para pampabango pero I like my body scrub simple and all natural.

I feel squeaky clean every time I step out the bathroom after I do body scrubbing. Sobrang kinis, animo bagong liha at varnish ang skin ko, as in! Parang pangontra-Dengue na nga rin yata ‘to kasi  kahit  lamok, hirap na hirap dumapo para mangagat. Na i-slide lang naman ang mga insekto sa sobrang dulas ng balat ko tuwing bagong scrub ako. (Exajs!)

Nga pala, alam nyo bang nakakatulong din ang coffee scrub para mabawasan o maglaho ang mga varicose veins? Hmmmn…ang sabi, bukod sa namamana sa lahi, isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng varicose veins sa binti ay yung madalas at matagal na pagtayo.

Abah! Nakapag isip-isip tuloy ako. Dapat pala ay nire-rekomenda din ang coffee scrub sa mga lalaki – para sa pototoy nila! Yun ay para maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins ang pototoy. Ang pototoy kasi pag laging pinapatayo malamang nagkaka-varicose veins din, di ba?  Hehe! Oist! Huwag nyo na lang seryosohin ang mga huli kong sinabi.

oOo

body