DIY Project: Deco Vase

One reason for me to smile today. Ang makita ang mga ‘to…

DIY flower vases

Kinilig ako dito sa project kong ‘to. Gawa ‘to ni Mamaru na sinimulan noong weekend.

Re-styled recycled bottles parang maging flower vase na pwedeng pang-dekorasyon o centerpiece sa mesa. Marami akong naipon na mga bakanteng bote ng ketchup at oyster sauce. Bukod sa pwede silang ibenta sa mga magbobote aba eh pwede rin pala mapakinabangan para sa ibang bagay ang mga itetch.

DIY deco bottles

May nakita na akong ganitong kaartehan sa isang magazine at dun ako nagka-inspirasyon na gumawa din. Kaso dun sa mags, spray paint ang ginamit.

Since wala akong spray paint at ayaw kong bumili at gumastos pa, yung mga naitabi kong tirang pintura na lang noon ang pinagdiskitahan ko. Nakatiwangwang din lang ang mga yun sa likod ng bahay ko.

Konting pintura lang naman ang kelangan. Halos mga 3 kutsara lang ang ilalagay bawat bote then you make ikot-ikot da bote na hanggang  sa mapinturahan ang buong loob.

 recycled bottles

Ayan, mukha na silang mga milk bottles. Hihi! Ibinilad ko sa araw ang loob ng bote for one day.

painted bottles

Kanina pagkagising, mega pitas-pitas naman ng mga ligaw na bulaklak sa labas ang Mamaru.

decorative vases

Voila! 😛 Cute naman di ba?

 

 

Source: etsy.com via Maru on Pinterest