DIY Project: Window Treatment & Oven Mitt

Sa pagpapatuloy ng kinakarir kong Homemaking ek-ek, may bagong bihis ang bintana ko sa kusina gamit ulit ang mga retasong tela at mga naipon na ribbon.

DIYwindow treatment

Recycled ang red ribbons na yan mula sa mga bouquet of red roses na pinapadala dati sa akin ni Kups noon. Hmmmn..noon yun, ngayon kasi di na ako pinapadalhan. :( *parinig.

DIY kitchen curtain kitchen

At may bagong mga oven mitt din ang Mamaru. Not only one but two! Siempre terno sa kurtina. :D Excited ako sa mga mittens ko kasi palagay ko at hindi na talaga ako mapapaso pa ng oven pag nagbe-bake. Kinapalan ko rin ang insulation cloth nyan sa loob, panigurado.

DIY oven mittens

For the step by step tutorial and oven mitt pattern, check this site.

DIY oven mitt DIY oven mitt

 

 

oOo

“Sa isang relasyon, kapag walang tiwala, siguradong GIBA.”