DIY Xmas Project: Paperback Book Tree

Dito pa lang sa umpisa, sasabihin ko na agad na ang tanging ginastos ko sa Christmas decors na ‘to  ay – P7.00 lang.

DIY Paperback Book Tree

Seven petot para sa isang pakete ng gold glitters na ibinudbod ko sa 6 pieces of paperback book trees na ginawa ko.

 

DIY Paperback Book Tree

Mga lumang pocketbooks na manilaw-nilaw na sa kalumaan, na mga wala ng cover at mga old school handbook ng mga anak ko ang ginamit ko dito.

 

DSC04506_2  DSC04507_2

DSC04505_2  DSC04514_2

Napakadali lang gawin. Tutupiin lang ang lahat ng mga pages ng libro.

 

Stars

Ang mga bituin na walang ningning na inilagay ko sa tuktok, ipinakiusap ko lang kay Keziah na gawan ako ng mga stars kasi magaling sya magporma neto na gawa sa cartolina.

Nang maiporma, pinahiran ko ng glue tsaka binudburan ng mga glitters para magkaningning naman.

 

DIY Paperback Book Tree

Ganun din ang ginawa ko sa mga tinuping pages ng libro, pinahiran ko glue ang mga tupi tapos isinawsaw ko sa mga glitters.

 

DIY Paperback Book Tree

Nighttime shot.

 

DIY Paperback Book Tree

Daytime shot.

 

SOURCE: Suite101.com

 

oOo

“Be thankful that for once in your life, someone made you happy & added colors into your life, even if it’s just for a while.”