Sew Happy 9: (DIY: Tee to Tank)

Pag ganitong panay ang repair, upcycle, recycle, refashion ko ng kahit anong lumang damit na nakikita ko dito sa aparador ko, isa lang ang napaghahalata sa akin nyan. Isa akong PURDOY na nanay!

Napaghahalatang wala akong pang-shopping ng bagong damit kaya tiyaga-tiyaga na lang ako sa pinaglumaan. Tsk tsk! Wawa naman me. Hehe!

teetanks1-001

Mga oversized polo at shirt ni Kevin na hindi na ginagamit…pinakialaman ko na rin para maging pambahay ko.

Mainit sa Pilipinas kaya wag magtaka kung puro de-TALI ang mga pambahay na ginagawa ko.

teetanks

Tutal nasa bahay lang din naman ako at madalas mag-isa, hindi ko na iniintindi pa ang magsuot ng BRA sa mga ganitong damit. Mas presko!

Kadalasan, hinahayaan ko na lumaylay ang mga dapat lumaylay! Opppps! Paalala: Sa puntong ‘to, wag kayo makinig sa akin, wag nyo ko gayahin. 😀

teetanks2-001

teetanks3-001

Siempre, pag umaalis ako ng bahay eh hindi naman ganito ang suot ko. Conservative din naman ang attire ko pag nasa publiko. Naka-TOGA lang naman ang lola nyo pag may lakad. Har! Har!

Enweys, kung interesado kayo malaman kung paano i-magic ang mga lumang shirt nyo, click nyo ang Tee To Tank Tutorial na itey.

oOo

“Minsan may mga taong mahal mo na hinihintay lang na magkamali ka para may dahilan sila kapag gusto ka na nilang iwan.”