DIY Xmas Project: Twigs Snowflake

Wa aketch pakels kung October pa lang. Basta nag umpisa na akong maglagay dito sa haybols namin ng dekorasyon pang-Pasko.

Dati hinihintay ko muna matapos ang Araw ng mga Patay bago ilabas ang mga dekorasyon ko. Pero dis year, ewan ko ba kung bakit parang atat na atat akong maglagay ng mga palamuti.

Well, ako na rin sumagot sa katanungan ko…ang trulalu ay wala akong budget para pambili ng BAGO o pandagdag na mga Xmas decors. Kaya inagahan ko na ang pag-iisip ng mga ideya pang-dekorasyon para magawan ko ng paraan na hindi na kelangan gumastos pa ng malaki.

 

twigs and pop sticks snowflakes

Dis year, gusto ko maging medyo rustic ang theme ng Xmas Tree namin. Charot! Gusto ko simple lang.

 

xmas tree

Noong weekend ay inilabas at nilinis ko na nga ang hand-me-down na Xmas Tree namin.

 

craft box

Inilabas ko na rin ang craft box ko na ang bihira kong makita na naging maayos ang laman.

 

twigs

Nag umpisa lang naman akong maghakot ng mga tuyong sanga galing sa likod ng bahay namin noong weekend. Wala akong pruning scissors kaya pliers na pang wire ang ginamit ko pang-cut ng mga twigs. Hehe.

Ang gagawin ko? Snowflakes out of twigs.

 

snowflake out of twigs

Siempre sa tulong ng glue gun, bumuo ako ng snowflakes kuno.

 

pop sticks

Hmmmmn…tsaka nagdagdag na rin ako ng mga pop sticks at ipinormang asterisk. Wala lang. Dagdag-pampasikip din ‘to sa puno noh! Hindi ko alam kung bakit meron akong isang pack ng pop sticks sa craft box ko. Howel, ang importante ay napakinabangan ko.

Luma na ang mga Xmas balls ko. Medyo malayo pa naman ang December kaya marami pa akong araw para dagdagan ang mga palamuti ko.

 

snowflake out of twigs

Ayan!  Bukod sa mga glue sticks, wala pa akong nagagastos na malaki sa mga dekorasyon ko kaya hindi pa nababawasan ang mga tinatago kong milyones na salafi. Kainis!

 

oOo

“Isusulat ko sa maraming bato na MAHAL KITA! Tapos ibabato ko sa ‘yo para malaman mo kung gaano kasakit na mahalin ka!”