Ang Alaga Ko. Bow!

Mamaru is such a responsible pet owner. Charot!

Sang1

Kung sa mga anakis ko ay hanggang ngayon ay tinatago ko pa rin ang mga baby health record book nila…

baby keziah health record

Eh ganun din sa doggie namin siempre. May health record book din sha!

sang health record book

Medyo maswerte si Kevin noon ng hiningi nya si Sang sa kaibigan nya kasi vaccinated na ng pangontra para sa PARVOVIRUS at na-DEWORM na rin ang pup.

Kaya ang ginastos lang namin ay yung vaccine ni Sang para sa RABIES.

healthbook2

Sa responsible pet ownership, hindi lang vaccines ang kelangan aasikasuhin. Kelangan yung mga pang-hygiene gaya ng pang-alis ng mga surot at kuto nila ay meron ka rin dapat.

Sa mga kapwa ko dog owners na naghahanap kung ano ang mabisang pangtanggal ng mga tick and flea, I recommend na etong brand na BAYER ang bilhin nyo. Nabili ko ang mga ‘to sa Mercury Drugstore.

pet shampoo, pet powder, pet soap

Dito sa 3 produkto nila (shampoo, powder, soap), I can say na ang pinaka-epektib na pangtanggal ng mga kuto ay yung SOAP. Kasi mga dalawang ligo lang ni Sang gamit ang blue soap na ‘to, nagdisappear/naglayasan agad ang mga alaga niya sa katawan. Hmmn…medyo gagastos ka talaga pag nagkaroon ka ng pet.

Pag nakaluwag-luwag na ako sa budget ko, balak ko na maging regular din ang visit ni Sang sa VET.

Well, anumang asikaso ang ibigay mo sa alaga mo, masusulit naman. Nakaka-amaze lang, kasi there is HAPPINESS talaga na naibibigay ang mga pet sa tao na tanging sila lang ang pwedeng makapagbigay. Minsan ang hirap ipaliwanag ng pakiramdam.

Paano mo nga ba naman hindi mamahalin at hindi aalagaan ang nilalang na itey eh napa-SWEET and LOVING neto sa amin mag-nanay. Lalo na sa akin kasi kaming dalawa lagi ang naiiwan dito sa bahay.

Sang2

Habang bino-blog ko ‘to, eto sya…nakasampa sa gilid ng computer table ko. Nagpapapansin ang hitad! Gustong makipaglaro pag ganito ang arte nya sa akin. Ako lang kasi ang matiyagang makipaghabulan sa kanya dito sa bahay.

Dahil kay Sang, napipilitan tuloy akong lumabas minsan ng bahay pag hapon dahil importante din na inilalabas ang dog. Kelangan i-walk sya nang sa ganun makapag-exercise naman.

Sang3

Nang hindi ko sya pinansin sa patahol-tahol nya sa akin, ayan sya sa ilalim ng mesa ko ngayon.

Matiyagang naghihintay na matapos ako sa blog post ko na itey. Hindi nya alam  itsini-tsismis ko na sya sa mga readers ko. 😛

 

 

oOo

"The purity of a person’s heart can be quickly measured by how they regard animals" ~ Anonymous