Senti Mode

Nag-aayos ako ng mga files sa external hard drive ko. Susmio! Ang gulo! Dami ko na pala mga pics na naimbak lalo na dun sa naging trip namin last year ng mga kapatid ko sa Yuropa. Kesa naman na pahinugin na lang sa HD ko ang mga pics o kaya i-delete… napagpasiyahan kong i-upload ang iba sa Flickr account ko.

Habang nag-aayos, hindi ko maiwasan ang mag senti-mode, na-miss ko ang mga lugar na napuntahan namin. Maalala ko pa, nagliligawan pa lang kami noon ni Kups habang nasa biyahe ako. Lol!

Eto ang isa sa mga naging paborito ko…ang dream city ko – Paris, France. Manghang-mangha lang naman ako sa Eiffel Tower. Siempre nakanganga ako habang tinitingnan ko ng nakatingala ang tower. Hindi ko akalain na makikita ko ang pinapangarap na lugar. Wala akong masabi sa mga architectural structures ng siyudad. Super enjoy ako sa trip namin na ‘to kahit lahat kami nangangatog sa sobrang lamig. Hindi  namin alintana ang ulan nung araw na yun. Nakakapagod pero sulit na sulit naman.

Baka gusto nyo silipin ang ibang street scenes ng Paris na nakunan ko, tsek nyo DITO.

IMG_5663

IMG_5667

IMG_5342-1

IMG_5435-1

IMG_5668

IMG_5726

IMG_5623

Ang Kumain Ay Hindi Biro

Isa sa mga nami-miss kong gawin sa biyaheng-Europe namin ng mga kapatid ko (with some friends) last November 2009.

….pwera sa maglublob sa bed dahil sa sobrang lamig ng weder…

IMG_6400-1

…ay ang LUMAMON!

IMG_6406-1

IMG_6408-1

I gained 5 pounds nung nakauwi ng Pilipinas. Eh kasi naman, hindi biro ang kain ko dun! Ang sarap kasi kumain dala na rin siguro sa lamig ng klima.

Day before we left Switzerland, nasa bahay lang kami lahat. Nagpahinga at nag impake lang ng mga gamit.

IMG_6405-1

Since last day na nga namin, we decided to have RACKLETTE. Dapat sa dinner namin yun pero 8pm ang departure flight namin kaya noong lunch time na kami nag-racklette.

“A racklette is used to prepare food,especially at dinner parties. It’s an electrical appliance, which has some tiny “plates” in which you can heat any food you like. You place it at the center of the table and each person can decide what they would like to eat from the table and just serve themselves.”

Kanya-kanya kaming luto.

IMG_6402-1

Kanya-kanyang abang. Kanya-kanyang tulo ng laway. Lol!

IMG_6403-1

Help yourself, ika nga.

IMG_6404-1

May nagluto ng mushrooms.

IMG_6410-1

Sausages.

IMG_6401-1

Bacon, Potatoes with melted cheese.

IMG_6398-1

My plate. Kokonti lang ba food ko? Kunyari lang yan.

IMG_6399-1

Sabi ko nga, kung ganito siguro kakainin ko araw-araw,malamang mag mukha na akong cute(?) na oink-oink at mahaba na ang 2 weeks para hindi ako isugod sa ospital dahil sa hayblad.

Nagbabawas ako ngayon ng timbang ko. Isa sa mga New Year’s resolution ko ang alisin ang 3rd eye at sixth sense ko pagdating sa kainan. So help me God.

* * * *